Chapter 35

1.4K 94 10
                                    


Sela's POV

"Class dismissed." sabi ng prof ko.

Huling subject na kaya nag-ligpit na ako ng mga gamit ko at lumabas na ng room.

Hindi pa ako nakakalabas ng hallway nang makasalubong ko si Miss Angel.

"Oh, Sela. Natapos mo na bang checkan 'yung pinapagawa ko sa'yo?" tanong nito.

"Ah, opo ma'am! Walang labis, walang kulang. Ando'n po sa ibabaw ng desk niyo, pinatong ko na lang po since wala po kayo du'n kanina." nakangiting sagot ko dito.

Nakisuyo kasi ito sa akin kaninang break time para i-check ang mga papel sa History quiz dahil a-attend ito sa isang conference.

"Oh.. Is that so? Good, hayst.. Maasahan ka talagang bata ka kahit kelan." she tapped my head and I pouted in return.

"Ehhhhh. Ma'am naman eh, 'yung bangs ko oh.." sabay ayos sa buhok kong nagulo.

Natawa naman ito nang bahagya, "Sus. Parang 'yun lang eh. Sige na, sige na. Umuwi ka na't anong oras na din."

"Sige po. Una na po ako!" I waved my hand at Miss Angel and she just dismissed me by waving her hand in the air while walking away so I'm facing her back.

Nagpatuloy na ulit ako sa pag-lalakad.

"Sela! 'Sabay ka?" kasalukuyang nag-lalakad na ako palabas ng gate nang mabaling ang atensyon ko sa tumawag sa pangalan ko.

"Rans, ikaw pala." nakatirintas ang unahang parte ng buhok nito papunta sa gawi ng kanyang tenga at sukbit-sukbit ang maliit na backpack.

Nginitian ko naman ito at umiling, "Hindi na. Ihahatid naman ako ni Abby... But thanks, anyway." medyo hindi siguradong sagot ko dito.

"Huh? Si Abby?" naguguluhang tanong nito na ipinagtaka ko.

"B-Bakit? haha." medyo natawa pa ako dahil sa mukha nito.

Napakamot naman ito sa ulo bago sumagot, "Hindi nga siya pumasok ngayon eh."

What? I'm really surprised by her answer so I can't help but ask.

"She's absent today? But...how? I mean, akala ko late lang siya kaya hindi ko siya nakita kaninang first period.." naguguluhang tugon ko.

"Oum. Akala din namin nila Daryll late lang siya eh. Kaso natapos naman 'yung araw 'di naman namin siya nakita. Pati nga sa training nila hindi daw umattend eh. Even Coleen, 'di niya nirereplyan."

Hindi pa ako tuluyang nakaka-recover nang tanungin naman ako nito, "So ano? 'Di ka parin ba sasabay?"

Naguguluhan man ay tipid pa rin akong ngumiti dito bago umiling, "Ah.. H-Hindi na. Papasundo na lang ako kay kuya."

"Gano'n ba? Sige sige. Ingat ka ah. Bye mars!" naglakad na ito papalayo.

"Bye.." mahinang sambit ko.

Still confused on what's happening, I quietly booked a grab and waited patiently.

So hindi pumasok si Abby ngayong araw? Akala ko ay late lamang ito sa first subject namin dahil blockmates kami nito ngunit ni isang anino nito sa classroom ay wala akong nakita.

I haven't seen her too earlier on break time 'cause I was busy doing some paper works inside the office of the students' council. I even thought that she would come to see me but I haven't had any glimpse of her.

Hindi ko nalang iyon pinag-isipan pang maigi dahil baka busy lang din siya. After all, mid sem na and second sem is coming. So I presume, everyone's busy.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon