Chapter 37

1.4K 91 14
                                    


Sheki's POV

Kasalukuyan kaming andito sa labas ng PE room at inaantay si Abby na matapos sa parusa sa kanya ni Sir.

Pagkatapos kasing sabihin nitong mag-fifty push-ups si Abby ay sinabihan kami nitong umalis na at sa labas na lamang mag-intay.

"Kawawa naman si ate Abby..." I heard Miho said.

I rolled my eyes playfully before saying, "Na'awa kayo jan e 'di nga naawa sa'tin 'yan sa training."

Natawa naman ang iba kong teammates habang panay pa rin ang silip namin sa bintana upang makita ang lagay ni Abby.

Nauna na sina Sela sa cafeteria dahil nagugutom na raw ang mga ito. Kami na lamang ng iba sa team ang naiwan dito sa labas ng classroom para mag-intay kay Abby.

"Forty-five..." rinig naming bilang ni Abby mula sa loob.

"Forty-six..." nakabantay sa kanya si Sir Jigs at hawak-hawak ang stick nito kaya walang palag si Abby at patuloy pa rin sa pagpu-push-up.

...

"Forty-nine..."

"Fif...Fifty..."

Nakahinga kami nang maluwag dahil natapos din ito sa wakas.

We have a 1-hour break and we would not be late if we still catch up with the girls in the cafeteria right now.

We saw the Professor came out of the room and we took that as a sign to go and check Abby.

"Ate, okay ka lang?" tanong ni Daryll.

"Yes, yes. I'm good."

"Mars, oh. Tubig." nag-abot naman ng tumbler si Ecka dito.

Pagkatapos nitong uminom ay nag-kaayaan na kaming lahat pumunta sa cafeteria.


Abby's POV

"Guys, dito!" rinig naming sigaw sa bandang dulo ng kainan.

Nang lingunin namin ito'y nakita ko sina Alice, Sela, Ella, Gabb, Jem, Kyla, Dana, Rans, at ang iba pa sa mahabang table. Si Brei pala ang tumatawag sa amin dahil sa nakataas nitong kamay sa ere.

"Kain na kayo, may 45 minutes pa." pagkaupong-pagka-upo namin ay ito agad ang bungad ni Alice. Tumango naman ang iba samin at nag-sitayuan na para umorder.

While I am left here seated beside Sela. Malakas naman ang katawan ko at sanay ako sa work out dahil na rin sa training namin. But waking up late and going to the university in rush just to do 50 push-ups---I honestly think I might pass out. Good thing, I didn't reach that part.

Inilagay ko ang mga braso ko sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay ipinatong ko ang ulo ko dito.

Narinig ko namang nag-salita 'tong katabi ko, "'Bby, okay ka lang?"

I didn't say anything and instead, I grabbed her left hand 'cause she's on my right side and intertwined it with my right hand.

Hindi naman nito binawi ang kanyang kamay bagkus ay sinermonan pa ako. "'Yan kasi. Ba't ba late ka pumasok kanina, ha?"

"Just shut up and hold my hand," I mumbled.

I heard her scoffed that made me smile, "Sus. Teka, absent ka kahapon 'di ba? Abby... Sinasabi ko sa'yo. Why were you absent yesterday?" nang-iintrigang tanong nito.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon