Chapter 7

1.7K 96 7
                                    


"Mine!" nasalo ni Gabb ang bola na syang hudyat naman ng paghahanda ko.

She passed the ball to Jaydee and Jaydee set the ball for me.

Pagtalon ko naman ay siyang pagtama ng bola sa palad ko. Dahil sa lakas ng palo ko ay rinig sa buong gym ang bagsak ng bola sa kabilang side ng court.

"Wooooah!"

"Nice one, capt!"

"Lakas nu'n ah! May pinaghuhugutan ba tayo jan kapatid?" natawa naman ako kay Sheki at pabirong inilayo ang mukha niya gamit ang kamay ko.

"Baliw." pumunta muna ako sa bench at kinuha ang Gatorade sa bag ko at
tsaka uminom.

Tumabi naman sa akin sina Coleen, Ecka, Gabb, at Sheki at nagpahinga rin. Ang iba naman gaya nina Daryll at Jaydee ay naiwan sa court dahil tinitrain nila ang mga rookies namin.

Wala si Coach ngayon dahil may importanteng meeting daw ito kaya iniwan muna sa'kin ang team ngayong weekend training.

It's Saturday and we wouldn't waste our time for something that is not even important so might as well use it on training.

Ewan ko ba. Nagbabago na ba talaga ako? Like, seriously? Marsela Mari Guia! Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin? Hays. May saltik na yata ako.

"Huy!"

"AY SALTIK!" nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Ecka at muntikan ko pang maibuga sa kaniya ang iniinom ko, "Jusko naman Ecka! Hihimatayin ako sa'yo eh!"

Humawak naman ito sa dibdib na parang na-hurt, "Wao. Saltik talaga? Aray ha! Alam kong nakakatawa 'tong mukhang 'to, pero grabe naman sa saltik beks! SORRY HA."

Natawa naman kami sa sinabi nito dahil umaakto talaga ito na parang nasaktan. Typical Ecka.

"HAHAHAHAHA! May saltik ka pala mars eh." Sheki teases her.

Ecka looked at her in disbelief, "Ay? Iba... Kung ako saltik, ano ka pa?" we all laughed together except Sheki who is now proudly flipping her hair.

"E 'di cute, ano pa ba? HAHAHA! Cute ako." 'kala ko dito na matatapos ang tawanan pero bumanat pa si Ecka.

"Duwende. Ayun ka mars, duwende."

Dahil sa narinig, Sheki's eyes went big and started to chase Ecka while the latter being ready, quickly ran to the other side of the gym.

Napuno ng tawanan ang loob ng gym hanggang sa nagka-ayaan nang umuwi dahil 2pm na rin naman.

If you haven't asked yet, Saturday lang kami may training 'pag weekends dahil family day naman ang Sunday. And weekend training starts at 10am to 2pm.

"Oh, pa'no ba 'yan? Kita-kits na lang sa monday! Thank you for your hard work, guys! 'Di niyo talaga 'ko binibigo." I smiled at them one by one which they also did in return.

"Sus, wala 'yun ate Abby! Ay, captain pala hehe." isa siya sa mga rookies, pagkakatanda ko Dian yata ang name niya. Natawa naman kami nila Coco rito.

"That's one thing pa pala. Inside the court wala akong pake kung tawagin niyo 'kong captain or capt, okay? Basta outside the court, please, drop the formality na. You can call me whatever you want, okay? Sige na, magsi-uwi na tayo at baka hinahanap na kayo ng mga parents niyo." sabi ko.

"Bye capt!" they all went to the door to leave with their gymbags hanging on their shoulders.

"Bye! Take care!" sumunod na rin naman kami nila Daryll dito at sinarado ang pintuan ng gym. 'Di na kami nag-abala pang ikandado ito dahil si kuyang guard naman na ang gumagawa nu'n.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon