Chapter 13

1.6K 92 6
                                    


Sela's POV

Dumaan ang mga araw pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalaman ko mula kay Mari.

Pero dahil sa pinapakita namang pagbabago ni Abby ay unti-unti ko na lang din inalis sa isip ko ito.

At least now, she's doing better.

Anyways, Sunday ngayon at may lakad sana kami ni kuya kaso may appointment pa raw ito.

Siya raw ang in-assign ni dad to meet our new investor. Hindi ko na lang siya kinulit pa kasi baka si dad pa ang magalit sakin. Important matter eh.

"Fine, I'll go by myself." I stumped my feet and ready to go when kuya stopped me.

"Ba't ikaw lang?"

I stopped right at the entrance door and faced him, "Ayaw mo 'ko samahan eh." I pouted.

"No, what I mean is ba't ka aalis nang walang kasama. Mga friends mo, si Alice? Malay mo hindi busy 'yon."

He knows Alice kasi nga lagi kaming magkasama nu'n ni Margarita. Minsan din kapag dito kami gumagawa ng school works sa bahay.

Umupo naman ako sa sofa at malungkot na sumagot, "But she's not free. My family outing daw sila. As a matter of fact, Friday night palang umalis agad sila."

"Hm... I see." Patuloy lang ito sa pagbabasa ng dyaryo kaya lalo akong na-stress.

"Kuya!!! Bawal ka ba talaga? Mamaya pa namang lunch meeting mo eh. Hindi ba p'wedeng pakiusapan si dad?" pagmamakaawa ko rito.

He just chuckled, "Haha, hindi nga. Tsaka ayokong ma-late sa appointment ko 'no. We both know that if I'm going to accompany you there, siguradong male-late ako sa meeting mamaya. So it's a no no."

"'Di ba may kaibigan kang maliit? Why don't you try asking her?" he suggests.

I stared at him in wonder, "Brei?"

"I honestly don't know... Basta 'yung maingay?" Ah. I knew it.

"Ah, si Sheki. Wait, I'll try to call her." I opened my phone and dial Sheki's number.

On The Phone

Hello?

Sheki, this is me. Sela.

Oh, Sela. Why? May kailangan ka?

Uhm, yes. Actually, may pupuntahan kasi ako, and I don't have anyone to accompany me. So, free ka ba?

Huh? Uhm—Evans 'wag mo 'kong bugbugin!

Sheki?

S-Sela, ano kasi eh. Andito kami nila Gabb ngayon kayna Dana. We're currently playing xbox. Sorry, 'di yata kita masasamahan..

A-Ah. Gano'n ba. S-Sige...

Pero si Abby! 'Di busy 'yon! Baka natutulog lang 'yun sa bahay nila ngayon, pero libre 'yon. Try calling her.

H-Huh? Ahm, 'wag na nakakahi–

Sige na, baba ko na 'tong phone ah? Natatal—Ecka!!!

End Of The Call

Hindi ko na narinig ang kabilang linya kaya alam kong binaba na nito ang tawag.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon