Chapter 5

1.8K 107 16
                                    


Abby's POV

After we ate ay pumunta na rin sa next class ang iba. While the me and the others went to the library since it's our vacant.

I have one hour vacant since absent 'yung prof sa next subject ko.

Pagkaalis ng mga kasama ko ay pumunta muna ako sa cr at chineck ang sarili.

I stared at the big rectangular mirror inside the comfort room and fix myself. Usually, lagi kong hinuhubad ang coat ko at naglalakad sa hallway nang nakapolo lang pero hindi ngayon.

Habang inaayos ko ang aking buhok ay natigilan ako. I just remembered what I heard a while ago.

So 'di pa siya kumakain?

Puntahan ko kaya? Puntahan ko ba? Should I make a move?

Aysh! Ba't mo ba iniisip 'yan Abby, 'di ba nga magka-away kayo?

Hayst! Bahala na nga.

Bumalik ako sa cafeteria at wala na rin namang gaanong tao rito. Habang nasa counter ay nakatitig lang ang babaeng nasa cashier sa akin.

Two minutes na kasi akong nakatayo rito but I haven't ordered yet.

Nakatingin lang ako sa menu pero walang mapili. Hays, ano bang gusto nu'n?

Shake... Milktea... Ice Tea... Coke... Ah! Since mukhang paborito naman ng mga girls ngayon ang milktea, I'll go with water.

Gulo ko 'no? Well, for me I personally preferred water at tsaka baka mamaya kung anong mabili ko jan 'di naman pala niya gusto. E 'di baka nasermonan pa 'ko nu'n.

After ten minutes ay dala-dala ko na papuntang office 'yung two waffles and one bottled water for her.

'Wag niyo na 'ko tanungin kung ba't ko ginagawa 'to kasi hindi ko rin alam. Ewan ko, after all, it's still my fault kung ba't 'di siya makalabas dahil sa sumasakit niyang kamay...

I checked my watch and I still have forty-five minutes remaining para sa next class ko.

I still have time.

Nakarating din ako sa tapat ng pintuan ng students' council but I hesitated to open the door and barge in.

Ba't ka ba kinakabahan Abelaine? E dire-diretso ka nga lang pumapasok jan sa kwartong 'yan 'pag may nagagawa kang kasalanan.

I stepped forward and knocked on the door.

Alam kong siya lang mag-isa ang tao rito kasi I was with Alice and Jem a while ago at sumabay na sila sa iba papunta sa next classes nila.

"Come in." natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang mala-anghel na boses nito mula sa loob ng room.

This is it!

I held the doorknob and twisted it to open the goddamn door.

Finally, I saw her typing something on her laptop but she didn't see me. She's so focus on her work kaya tinitigan ko lang ito.

She's wearing a light pink off-shoulder partnered with her faded jeans. But to add the school ID she's wearing right now will actually complete the package.

But she has a band-aid on her right knuckles. Kasanalanan mo 'yan Abby!

Hays, ano ba 'yang pinagsasabi mo Abelaine. Andito ka para ibigay sa kaniya 'yang dala mo, nothing more.

Napatingin naman ako sa kanang kamay ko na nakatago sa likuran ko dahil nahihiya pa akong ibigay sa kaniya ang mga dala ko.

Duh, syempre. Malay natin she'll think that I'm courting her or something! Ah, basta.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon