Kabanata 3

2 0 0
                                    

"Long time no see, Snow." A baritone voice filled my ears.

The whole cafeteria went silent and I started to hear gossips.

"Umuwi ka na pala." I smirked.

Nang tuluyan na siyang nakatayo sa aking harapan ay pinagmasdan ko siya. Hindi nagbago ang kaniyang buhok, medyo curly hair ito at may kaunting blonde, ang kaniyang mga mata ay kulay hazel, he has dark and thick eyebrows too, matangos din ang kaniyang ilong and he has this perfect jaw. Hindi ko pa nakita ang kaniyang parents pero nalaman ko noon sa kaniya na half-brazilian ang kaniyang Mama kaya kakaiba ang kulay ng kaniyang mga mata. At tumangkad siya lalo.

"Uyyy-."

Hindi pinatapos ni Storm si Kyara.

"Can I eat with you?"

Hindi ko siya sinagot at inirapan ko siya. Kapal talaga!

Si Storm ay nasa aking harapan umupo at lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Yuri Melendrez at Riley Montero with their foods.

I just ate silently but I can feel there are pair of eyes who keep staring at me. Binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa pagsubo.

"Tahimik mo ah." Biglang sambit ni Kyara.

"Shut up Kyar." mariin kong bulong sa kaniya.

"So kumusta sa Switzerland Storm?" Tanong ni Millenia.

"Boring?"

"Boring talaga kasi- ." Hindi natapos sa pagsasalita si Kyara dahil isinubo ni Storm ang sandwich nito.

"Enjoy eating cous." And I can sense sarcasm.

Umiling na lamang kami.

Panay ang kwentuhan nila Storm, Yuri at Riley dahil sa ilang taong hindi pagkikita. Nakinig na lamang ako sa kanila.

Habang nagkukwentuhan sila ay tahimik parin ako. Ayokong magsalita baka ano pa ang masabi ko.

Kunot-nuong binalingan ako ni Kyara, "Hoy ba't ang tahimik mo?"

"Ang gwapo pa rin ni Storm." Bulong ko.

"Naks yan ang gusto ko sa'yo. Straight-forward."

Inirapan ko na lang si Kyara hangga't sa matapos kaming kumain at umalis na sa Cafeteria. Balik klase nanaman ngayong 1pm. Ugh sana uwian na.

Habang naglalakad kami sa hallway ay may mga nagtitilian parin. Hanggang ngayon iba talaga ang dating ng trio na yan sa mga babae. Lalo na't bumalik na si Storm. Siguradong magkakandarapa ang mga babae sa kanya.

Tumigil ako sa harap ng locker ko at kinuha ang iilang gamit para sa Math namin. Ini-lock ko ito at napatingin ako sa gawi ni Storm na nakatingin na sa akin.

Parang nag slow motion lahat. Napakalakas ng tibok ng aking puso. Remember Snow you're mad at him for leaving you hanging!

At ako na ang umiwas ng tingin ng nilapitan ako ni Millenia.

"Tara na?" She said coldly.

"Anong nangyari sa'yo?"

"W-Wala."

That's new.

Binalewala ko na lamang iyon at naglakad na kami patungo sa aming classroom.

"Good afternoon class, please turn your book to page 176." Sabi ni Mr. Aris, ang Math Teacher namin.

Magtatanong na sana ako kung alin ang sasagutin ng biglang bumukas ang pintuan at natahimik ang lahat.

Halos maestatwa ako ng pumasok si Storm na may dalang bag. Bumaling si Sir Aris sa kanya at ngumiti sa amin.

"Okay everyone. May transferee pala today." at bumaling siya kay Storm. "Introduce yourself."

Eh Sir mukhang ikaw lang yata ang di nakakilala nyan. Kilala na namin siya.

Ngumiti si Storm sa harap namin "Hi I'm Dwayne Storm Montreal, nice to meet you." then he stopped at tumingin sa akin. My heart started to beat wildly when he spoke again, "all." Dagdag niya.

Damn you Storm!!

Nakita niyang halos lumuwa ang mga mata ko and he chuckled. Mamamatay yata ako ng maaga!

"Have a seat Mr. Montreal."

Pinagmasdan ko siyang papalapit sa gawi ko at bumaling ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Shit naman oo!!

As if on cue, nakita iyon ni Storm.

"Ohh sakto may bakante. Tabi kayo ni Ms. Scieller."

Naglakad palapit si Storm at umupo na. Nginitian niya ako at inirapan ko na lang siya. Then he chuckled again.

Time passes by so quickly, the class ended.

"Kyar kita na lang tayo sa locker." Sabi ko at hindi na pinasagot si Kyara at nauna ng lumabas. Nahihiya ako sa kaniya.

Palapit na ako sa aking locker ng may biglang humawak sa aking palapulsuhan. Bumaling ako and my heart started to pump crazily again when it's Storm.

"Iniiwasan mo ba ako Snow?" Damn his voice!

"Bitawan mo ako." I said coldly.

Hindi niya ako sinagot at basta niya na lang akong hinila at naglakad. Nasa hallway pa lamang kami ng may bulong-bulongan na.

"Ano ba Storm! Bitawan mo ako!"

Hindi niya ako sinagot hanggang nasa labas na kami ng gate at huminto sa isang sasakyan na kulay black. Mercedes Benz.

"A-Anong- ."

"Sakay na."

"W-What??"

"Ihatid kita sainyo."

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na lamang ako. Wala ng magawa.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now