Kabanata 12

0 0 0
                                    

Maganda ang aking gising. Napabaling na naman ako sa ball gown ko. Malaki ang aking ngisi na bumangon at lumabas na ng aking kwarto.

Nadatnan ko pa si Mommy and Daddy na kumakain at naka formal attire na. Pupunta na siguro sa kompanya.

"Good morning Mom! Good morning Dad!" I kissed them on their cheeks.

"Oh alas sais y media pa lang ah. Aga mo nagising anak?" si Dad.

Nagkatinginan kami ni Mommy at tumawa.

"May hindi ba ako nalalaman? May boyfriend ka na anak?"

Nanlaki ang aking mga mata at namumula, "Dad!"

"Ohh ba't ka namumula?"

"E-Eh kasi wala akong boyfriend! And Mommy bought an elegant ball gown for me. For the prom on Friday." ngisi ko parin.

Tumango si Daddy. Nagsimula na akong kumuha ng ulam at nagsalin ng gatas sa aking baso at uminom.

"Sweetie wala bang nag aya sa'yo ng date sa prom?" si Mommy.

With that, muntikan na akong masamid sa aking ininom.

"W-Wala eh."

"Ohh sa ganda ng ball gown mo at sa ganda mong 'yan! Dapat may ka date ka!" si Mommy.

"No Tatianna. I won't allow our daughter to have a date!" si Daddy.

"Kris naman. It's normal for the teenagers na makaranas ng ganyan. You even asked me for a date before! Sa prom natin!"

"Still a no."

"Dad, don't worry. Walang mag-aaya sa akin. Wala akong magiging date." I smiled at him.

Malungkot akong tiningnan ni Mommy at kumain na lang kami.

Habang nagbibihis ng aking uniporme at napabaling na naman ako sa aking ball gown at napangiti. So elegant.

Naglakad na ako sa hallway at pumunta sa aking locker. Pagbukas ko ay may letter na nahulog.

Sino naman kaya ang nagbilin nito?

Binuksan ko ang letter.

Napakurap-kurap ako sa nabasa. Nag effort pa talaga ah. Natawa ako sa sulat kamay, parang binagyo pero mababasa pa rin naman.

And it says "Be my prom date- Storm"

Nanlaki ang aking mga mata. S-Storm? Is he telling me or asking me?

Namula ang aking pisngi at napangiti.

"H-Hi Snow!" May biglang nagsalita at itinago ko agad ang letter sa aking likod.

Si John pala. Sa kabilang section and he's one of my suitors.

"Will you be my prom date?" Tanong niya sabay hawak sa batok na parang nahihiya.

I widened my eyes. Naghintay siya sa aking sagot.

Biglang napadaan si Storm sa amin at tumingin pa sa amin at tila alam na niya kung bakit nandito si John sa aking harap and then he smirked.

Hilaw akong ngumisi, "Uhmm k-kasi may d-date na ako John. I'm sorry."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni John at tumango.

"G-Ganun ba." At umalis ito.

Isarado ko na sana ang locker ng may lalaki na naman sa aking harapan. Hindi ko ito kilala, matangkad at naka eye glasses.

"Be my prom date please?" Tanong niya.

"Naku!" Mapait akong tumawa. "May date na kasi ako eh."

He only smiled, "S-Sino?"

"Ako." His baritone voice sent shivers down my spine. And I'm red as tomato right now.

"Oh S-Storm. I-Ikaw pala. Sige alis na ako. Pasensya na Snow." At umalis ito.

I feel guilty alright! Pero ayoko naman silang paasahin at isa pa hindi ko sila type at may.... nauna na.

"Oh boys tryin' to ask my woman." Umirap siya.

At napatingin ako sa kaniya.

"Ba't ba kasi ang ganda mo?" dagdag niya.

Napatitig ako sa kaniya and there's my heart again, beating so crazily.

Then he smiled at me, "So? Be my date then?"

Mahina akong tumango at iniwas ang tingin sa kaniya and he chuckled.

"Cute."

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now