Kabanata 24

0 0 0
                                    

Maaga akong bumangon para pumasok na sa trabaho. Napatingin ako kay Snow na mahimbing ang tulog. Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang buhok.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Napatingin ako sa kama at tulog parin si Snow. Napagod yata kagabi.

Bumaba na ako para makapaghanda ng almusal. Hotdog at fried egg ang niluto ko. Nagtimpla rin ng gatas para kay Snow.

Dinalhan ko siya sa kwarto at nag-iwan ng note.

Umalis na ako ng bahay at tinawagan na si Kyara kung nakahanda na ba ang lahat para sa surpresa mamaya.

Kaharap ng aking opisina ay isang convention hall na may mga decorations na sa loob at mga petals sa labas ng pintuan. Inilaan talaga ito ni Papa para sa tuwing may salo-salo sa kompanya ay dito gaganapin.

"Doble ang sweldo ko rito ah!" si Kyara habang inaayos ang mga bulaklak.

"You want me to triple it?" I pursed my lips.

"Yess!"

"Then work hard." I smirked.

Biglang bumusangot ang mukha at natawa na ako. Pinaalam na raw ni Kyara sa mga employees ang mangyayari mamaya kaya it will be a success.

May kumatok at pumasok si Yuri.

"Oh Yuri good morning!" si Kyara.

"Walang good sa morning ko." At dumiretso na sa akin na may dalang maliit na paperbag.

"At talagang tinawagan mo ako ng madaling araw para bumili ng singsing?" at nilapag ang maliit na paperbag sa mesa ko.

Natawa ako, "Thanks bro."

"Ano ba kasing ginagawa mo at bakit ako pa ang inabala mong bumili ng singsing?"

Lumapit si Kyara sa amin, "Nakuuu alam ko na kung bakit." At siniko si Yuri. Nagkatinginan sila kapagkuwan ay bumaling sa akin na malaki na ang ngisi.

"Umalis na nga kayo!"

"Wtf bro you're blushing!" si Yuri.

"Tsskk." I rolled my eyes.

"Alis na ako. Duty ko pa. Goodluck mamaya, sana sagutin ka." aniya.

Babatuhin ko na sana siya ng mabilis niyang isinarado ang pinto.

"Hoy ikaw huwag kang papalpak mamaya ah." tinuro ko si Kyara.

"Oo na. Bakit may mga decorations at petals? Eh kasi may mag popropose na employee at pumayag naman si Storm." si Kyara na papalit palit pa ng position.

"Kung magtatanong kung tumulong ako?" tanong ko.

"Edi syempre sasabihin kong tumulong ka"

"Tss alam ko namang kahit papalpak ka ay sasagutin ka naman non." Dagdag niya.

I smirked at that.

"Pero baka nga hindi ka sagutin ni Snow."

Namutla ako at kinabahan, "B-Bakit naman?"

"Kasi pumangit ka." Bago pa ako makaangal ay tumakbo na siya. Ang babaeng 'yon talaga!

"Ang guwapo ko kaya." Sabay tingin sa salamin.

Bumaling ako sa paperbag at kinuha ang velvet box at binuksan ko ito. Napangiti ako sa nakita at the same time kinakabahan.

Nagising ako at nakitang wala na si Storm sa aking tabi. Bumangon ako at nakita kong may pagkain sa bedside table, may kasamang note.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now