Kabanata 23

0 0 0
                                    

"Storm naman! Ba't may pa job interview?" si Kyara sa aking harapan.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin, "Palagi kang late at minsan wala ka sa mga meetings ko at ni minsan nga hindi ko alam kung may meeting ba ako o wala!"

"Sorry na nga eh. Hindi na mauulit promise!" nagpataas pa siya ng kamay.

"So.. why would I hire you?"

"Because I'm your cousin dammit Storm!"

"Is that how you answer your boss?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Boss naman!" may pa iyak-iyak pang nalalaman.

At biglang may pumasok, nakatuon ang mga mata ko kay Tito at tumakbo si Kyara patungo rito.

"Daddy oh! Si Storm pina job interview pa ako!"

Tumawa si Tito, "Buti nga para matuto ka."

"Daddy naman I thought you're on my side!"

Para matahimik na si Kyara ay nagsalita ako, "Ang ingay mo! You're hired." I rolled my eyes.

Lumapit siya sa akin at biglang pinisil ang aking pisngi.

"Thank you cous! I mean boss!" Tumawa ito.

"Yeah whatever."

Umupo si Tito sa sofa at umupo na rin ako sa kaniyang harapan.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong niya.

"Okay na po Tito, salamat sa pagtulong."

"Anong okay na ang lahat?" si Kyara na nakakunot ang noo.

"'Yang pinsan mo, mag-aasawa na ata!" humalakhak si Tito.

"A-Anong... hoy pakasal na kayo ni Snow? Hoy bridesmaid ako ah!"

"May pinatayo siyang bahay isang oras ang layo rito." ngumiti si Tito na para bang kinikilig, umiling na lamang ako.

"Ipapakita ko sa kaniya mamaya at sana magustuhan niya." tanging sabi ko.

"Malamang sino bang hindi matutuwa kapag may sariling bahay na kayo 'no! Baliw kaya sa'yo 'yon!"

"Huwag kang mag-alala at patatayuan ka rin ng bahay ni Riley." I teased her.

Nakita kong namula siya, "Can you not mention him? Matagal ko na siyang tinanggal sa sistema ko no!"

"Oh really?" tinaasan ko siya ng kilay.

Suminghap siya at nag-iwas ng tingin.

Nagpaalam na si Tito at matalim akong tiningnan ni Kyara habang nakaupo sa sofa. Tumayo ako at bumalik sa aking swivel chair.

"So... bahay pala ha."

"Oh shut up Kyar." Inirapan ko siya at tinuon ko ulit ang atensyon ko sa mga pinirmahan kong papel.

It's almost 3pm at hindi pa tumatawag si Storm. Tinapos ko na ang mga kailangang tapusin ng biglang tumunog ang cellphone ko, malaki ang ngisi ko at dali-dali ko itong hinawakan at napawi ang ngiti ko nang si Kyara lang pala.

"Hoy Snow!" bungad niya.

"Oh? Kumusta first day sa trabaho?" Tumawa ako.

"Che! Alam mo ba.. si Storm? Naku! Alam ko na kung saan ka niya dadalhin- ." Hindi ko na nakuha ang sinabi niya ng biglang pumasok si Storm sa opisina at may dalang boquet. Malapad akong ngumiti.

In-end call ko kaagad ang tawag at sinalubong si Storm.

"Hey there beautiful." Pinalibot niya ang kaniyang kamay sa'king beywang at hinalikan ako sa labi.

Binigay niya kaagad sa akin ang boquet.

"Thank you." I smiled.

"Let's go shall we?" Anyaya niya.

Mabilis akong tumango at lumabas na kami ng kompanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaharurot na niya ang sasakyan.

"Saan mo ba ako dadalhin ha?" kuryoso kong tanong.

"You'll see." He winked.

Isang oras yata ang binyahe namin. Wala akong ibang makita sa daan kundi mga puno lamang. Kung may mga bahay man ay ilang kilometro pa ang distansya ng mga ito.

And then the car stopped infront of a huge house. Napaawang ako sa ganda ng disenyo. Color white, black at gray ang combination sa labas. Nakita ko kaagad ang napakalawak na pool at may mini-garden.

"Whose.. house is this Storm?"

"Ours baby."

"Oh my..." napatakip ako sa aking bibig.

Sa saya ko ay tumalon ako para yakapin si Storm at humalik sa kaniya na tinugon niya naman.

"W-When.. H-How.. oh God. Thank you." I pecked on his lips.

Tumawa lamang siya, "Pasok na tayo." at tumango ako.

Naka digital pa ang door lock then he entered the passcode. Birthdate naming dalawa.

Pagpasok ay mas lalong napaawang ang labi ko nang nahagip ng aking mga mata ang malaking frame naming dalawa, picture namin noong prom. The design of the house just perfectly suits my taste.

Malaki ang sala, may malawak ring TV at pagliko naman ay kitchen at may mini bar pa. Pumunta rin kami sa second floor. Napansin kong anim ang kwarto.

"Ba't ang dami naman ng kwarto?"

"Well kwarto natin, ang isa guestroom, ang isa naman ay mini gym, at ang tatlo para sa mga anak natin."

Natawa ako, "Tatlo talaga?"

Nang nakapasok kami sa aming kwarto at napakalaki nito, nakita ko kaagad ang king size bed at mini sofa bed sa paanan. A color white dressing table is placed just near the sliding door of the balcony na may anim na bulbs na nakapalibot sa bilog na salamin.

Pinasok ko ang bathroom at napakalawak nito. A white and black combination, made of granite rin ang sink, may nakasabit na ring dalawang bathrobes at mga towels. Binuksan ko ang sliding glass at pumasok na sa loob, may bathtub rin, color black sa loob at napangiti ako sa ganda.

Pagkatapos ng bathroom ay pumunta na kami sa balkonahe at bumungad sa akin ang sariwang hangin at napaka-ganda ng view, may jacuzzi pa.

"Do you like it?" si Storm nang niyakap ako mula sa likod.

"I love it." I smiled.

Nang hindi pa lumubog ang araw ay lumabas kaming dalawa kapagkuwan ay may kinuha si Storm sa trunk ng sasakyan, DSLR at may stand pa.

Nag set siya ng timer at nag picture kaming dalawa kasama ang bahay. Sumunod ay sa gilid ng pool, sa loob ng bahay at pati na rin sa balkonahe at nalibang na kami sa pagkuha ng picture sa bago naming bahay. Ipapa-frame namin ang ibang larawan bukas.

Nagluto ako ng hapunan namin. Baked macaroni. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Natawagan ko na si Mommy at sinabihan sa nangyari ngayong araw. Tuwang tuwa siya sa narinig at alam na pala nila na bumili ng bahay si Storm dahil nagpaalam na raw ito sa kanila ni Daddy.

Pagkatapos ng tawag ay sabay na kaming naligo ni Storm at inangkin na naman niya ako sa ilalim ng shower at pagdating sa kama ay inangkin na naman ako.

He really never failed to make my heart thump crazily. Masaya kaming naghahapunan ni Storm at ipinagdasal ko na sana hindi na ito matapos.

A Beautiful Dreamحيث تعيش القصص. اكتشف الآن