Kabanata 9

0 0 0
                                    

After playing basketball at kumain ng snacks. Napag-isipan naming tatlo na pumunta sa pool side para doon na makapag-relax.

"Storm ligo tayo!" si Riley.

"Mauna na kayo. Susunod rin ako."

Kapagkuwan ay dumating si Kyara at napaupo sa sun lounger. Medyo makulimlim kaya napagdesisyunan kong maligo na.

I swim back and forth.

"Storm! May surpresa ako sa'yo mamaya!" Tawa ni Kyara.

Surprise? Ano naman kaya 'yon? My brows furrowed, bumalik ako sa paglangoy at hindi ko na alam kung ilang minuto 'yon, kaya umahon na ako. Pag ahon ko ay inabot ko ang tuwalya at pinunasan ang aking katawan nang nahagip ng aking mga mata ang isang babaeng nakatayo di kalayuan.

And then there's Snow standing na para bang nakakita ng multo. I stared at her at ilang segundo ay namumula na siya.

"Oh nandyan kana pala Snow!" Masayang bati ni Kyara at binalingan siya ni Snow.

Mabilis siyang naglakad patungo kay Kyara at nanggigigil itong nagsalita sa kaniya. Mahina akong natawa.

Binalingan ko naman ang dalawang loko na may mga panunutya sa mga labi. Umiling na lamang ako at naglakad palapit sa inuupuan nila Snow.

"You're here Snow! Miss me?" I teased her at tiningnan niya ako ng masama.

"Miss mo mukha mo!"

"Bars." si Yuri.

Umahon silang dalawa ni Riley at nagpunas na rin ng kanilang katawan. Kung alam ko lang na pupunta si Snow sana hindi ko na lang pinapapunta 'yong dalawa dito!

"Snack ka muna." si Kyara.

"Nasaan ba si Millenia?" Tanong ni Snow.

"Ewan ko sa babaeng 'yon. Hindi ko matawagan eh."

Tumango na lamang si Snow at nagsalin ng juice sa baso at uminom.

Damn I wanna kiss those lips!

"Stop staring at me bagyo!"

Napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi at pinagtawanan ako nila Yuri at Riley.

"Damn 'wag pahalata bagyo!" si Riley.

"Naku naku bagyo." humagalpak ng tawa si Yuri.

"Hoy niyebe bawal bang tumingin?" This time, sinapo nila ang kanilang mga tiyan at umupo sa sahig na natatawa.

"Ang sweet n'yo naman!" si Kyara.

Ilang minuto ay nakapag move on na rin sila sa kakatawa nang magsalita si Riley.

"Bro pahiram ng brief."

"What the fuck?"

"As you can see, short at t-shirt lang ang dala ko."

"Ako rin Storm pahiram." si Yuri.

"Bahala kayong umuwi ng walang brief! Pinagtawanan n'yo nga ako eh."

"Bro naman!" Sabay na reklamo ng dalawa.

Umiiling-iling ako at nakapameywang na tumingin sa kanilang dalawa na namomroblema talaga.

I rolled my eyes at them, "Sumunod na nga kayo!"

"Yes!" Sigaw nilang dalawa.

Naligo si Riley dito si ibaba at sa ikalawang palapag naman si Yuri. Pumasok ako sa aking kwarto at hinanap ang mga extra kong brief.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now