Kabanata 26

0 0 0
                                    

Nasa balkonahe ako at tinanaw ang magandang tanawin. Hinaplos ko ang aking tiyan at masayang-masaya ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Biglang may yumakap galing sa likod at hinalikan agad ako ni Storm sa aking leeg. Nakikiliti ako at humarap sa kaniya.

"Our little boy's room is done. Wanna see it?" Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya at napangiti ako doon. Agad akong tumango at magkahawak-kamay kaming tumungo sa kabilang kwarto.

"Mukhang mas excited ka pa yata kesa sa akin ah." tukso ko sa kaniya.

"Syempre melove. Lalaki ang panganay natin at medyo gumaan ang pakiramdaman ko dahil ilang taon pa akong hindi mabigyan ng sakit sa ulo." he chuckled.

"What if kung babae nga? Baka namali lang si Doc?"

"Ofcourse I will still be happy. Pero maghahanda na ako sa mga lalaking sakit sa ulo sa magiging prinsesa natin."

Humalakhak ako at binuksan na ni Storm ang pintuan. I gasped.

"Wow." Tanging nasabi ko sa nakita.

Silver grey, white at blue ang loob. May oval crib, ang ceiling ay galaxy ito na kulay blue ang background, hammock chair sa gilid, may bookshelves na rin at nakaayos na ang mga laruan. Sa kaliwang bahagi ay may mini tent na napalibutan ng lights at may mga throwing pillows sa loob nito at ang ginamit sa ilalim nito ay isang kulay grey na anti-skid hairy carpet. May mga maliit ring bola at maliit na basketball ring.

Niyakap ko si Storm, "Thank you for your time and effort in arranging all of these. I really appreciate it."

"Anything for my baby.. and to our little baby." hinaplos niya ang tiyan ko.

Narinig namin na may nag doorbell. Si Kyara na siguro iyon. Gusto daw niyang pumunta rito at makita ang nursery room na design ni Storm.

Sabay na kaming bumaba ni Storm at pinagbuksan si Kyara ng pintuan.

May dala pa itong pizza at ice cream.

"Ta daaaa!" malaki ang ngisi niya at napailing na lamang ako.

Diretso na siyang umupo sa sala na tila'y bahay niya ito.

"Wow bahay mo?" sarkasmo kong tanong.

"Ano ka ba! Para namang hindi kita bestfriend! Anong gusto mo manatili akong tumayo sa pintuan dahil nahihiya akong pumasok? Gusto mong sabunutan kita?"

"Try mo nga. Baka hindi na kitang gawing Ninang."

"Joke lang! Hehehhe."

"Storm can you please make a watermelon shake? I'm craving." bumaling ako kay Storm.

"Okay baby." hinalikan niya muna ako sa noo at umalis na siya papuntang kusina.

Binuksan ni Kyara ang box ng pizza at nagsimula ng kumain.

"Alam mo... parang may kakaiba kay Millenia." si Kyara.

"Why?"

"Nung baby shower? Napansin kong iba ang titig niya kay Storm eh."

Kinabahan agad ako.

"Millenia won't do that." Inirapan ko siya.

"I know pero Snow, I trust my instincts! May kakaiba talaga sa mga titig niya!"

"Wala ka bang napansin sa kaniya?" dagdag niya.

"Wala naman. Baka namalik mata ka lang."

A Beautiful DreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora