Kabanata 16

0 0 0
                                    

Isang buwan na pala ang nakalipas when Storm asked me out. Hindi ko in-expect iyon. Dahil doon ay alam na ng lahat na kami na. Syempre sino ba namang hindi makakaalam nang inanunsyo ni Storm sa harap ng aming batch.

Dumating na ang finals at busy na kaming lahat sa mga tatapusing paperworks. Kahapon ay pumili ang aming adviser ng 10 ka tao sa aming classroom at hinati sa dalawang grupo dahil 2 weeks from now may seminar na magaganap sa AVR 1.

Kasali ako sa napiling speaker kaya abala ako ngayon sa paggawa ng ppt. Environmental Issues ang nabunot na topic ng aming grupo kahapon kaya madali lang ito. Kagrupo kami ni Millenia kaya okay lang.

Busy ako sa pagtitipa nang may humalik sa pisngi ko. Nanlaki ang aking mga mata at tinapunan ng masamang tingin si Storm. Ang lalaking 'to talaga!

"Ano ka ba! Nasa library ta'yo!" diin kong bulong sa kanya.

He smiled, "Bawal bang humalik sa girlfriend ko?"

"PDA ka."

Tumawa lamang siya at umupo sa'king harapan. Umiling na lamang ako at muling nagtipa sa laptop.

"Ba't ka nga pala nandito?"

"Bakit? Ayaw mong makita ang guwapo mong boyfriend?"

"Woww. Lakas ng hangin."

Tumawa lamang siya at tumayo.

"I want to treat you somewhere pero alam kong busy ka kaya sa susunod na lang. Ayokong maka istorbo sa pag-aaral mo kaya aalis na ako. I know you can do it. Just text me when you're done alright?" Tumingin ako sa kanya. He patted my head and smiled. Kapagkuwan ay umalis.

He really never failed to make my heart beat so fast.

Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na uwian na pala. I closed my laptop at nagligpit na ng mga gamit. Hahawakan ko na sana ang aking bag nang naunahan ako ni Storm at isinuot ito sa balikat.

"Ako na nito at ito rin." Tsaka kinuha ang laptop.

"Kaya ko naman."

"So? Ayaw kong mapagod ka." He smiled.

Ngumiti ako. This guy really.

Sabay kaming lumabas sa library at naglakad na patungo sa labas dahil doon na kami magkikita lahat.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng gate at hindi na naman naiwasang may mga tumitingin sa gawi namin. Tumingin ako kay Storm pero parang wala lang sa kaniya.

Nakita na namin sila Kyara at kumaway pa ang bruha.

Napatingin si Millenia sa kamay namin at ngumiti, "Na miss ko tuloy si Calvin."

"Nasaan ba siya?" Tanong ni Kyara.

"Nag away kami kaya." Nagkibit siya ng balikat.

Sinagot pala ni Millenia si Calvin nung araw ng prom din. Masaya ako para sa kanila.

"Ako lang yata ang walang lovelife dito." Ani ni Kyara.

"Hindi lang ikaw no." Sabay na sabi ni Yuri at Riley.

"Hoy hindi ka pa pwede mag boyfriend no. Dadaan muna sa akin." si Storm.

"Dadaan rin sa akin!" si Riley at binatukan siya ni Kyara.

"Nakss naman ang swerte ni Snow!" si Millenia.

Tumawa lamang ako at napagdesisyunan namin na umuwi na dahil marami pang gagawin. Simula nung kami na ni Storm ay palagi niya na akong ihahatid sa amin.

Nang makauwi sa bahay ay dumiretso na ako sa aking kwarto at binuksan ko ulit ang laptop. Kaonti na lang matatapos na ang ppt namin. Isesend ko mamaya ang file para makapag study na rin ang aking ka grupo at maging handa.

Tumunog ang aking cellphone at tiningnan ito. A text from Storm.

Storm:

I'm home, melove. Text me later when you're done :*

My heart started to beat faster. Itong lalaking 'to talaga!

Nangingiti akong nagtipa ng reply sa kaniya at napawi ang ngiti ko nang narinig ang basag galing sa kabilang kwarto.

Since last week ay napansin ko na nag-aaway si Mommy at Daddy. Maybe because of work. And today they're arguing again.

"Wala nga kaming ginagawang masama Tatianna! Trabaho lang!"

"Really? May nakakita sainyong lumabas ng hotel trabaho pa rin?"

"Private meeting iyon!"

"At bakit kayong dalawa lang ha?"

May babae ba si Dad? Pero hindi niya naman magagawa iyon? Maybe Mommy is just hallicunating and misunderstood everything! Pero kahinala-hinala rin dahil late na rin umuuwi si Dad.

No, Daddy would never do that to Mommy. He won't betray us. I'm sure.

Lumabas ako ng kwarto dala ang aking laptop at pumunta sa aming library. Tahimik pa roon. Walang ingay.

Sa wakas ay natapos ko rin ang ppt. I-sinend ko na ang file sa aming GC. Nag seen lang sila. Wow naman.

Then I typed, "Study na kayo in advance. Maaga ko talagang tinapos ito para maging handa tayo. Goodluck sa atin!"

Pero seen pa rin sila. I sighed.

I turned off my laptop at lumabas na.

"Oh? Madilim na pala." Bulong ko.

"Oh hija tamang-tama at tapos na ang niluluto ko. Halika na at kumain ka na." si Manang.

"Sige po. Salamat."

Nakita kong nakaupo na si Mommy at Kuya Yosef. Where's Dad?

"Where's Dad, My?"

Nagkatinginan si Mommy at Kuya.

"Uh he left for work. Tambak kasi ang trabaho sweetie." Mommy smiled.

"Oh okay po." I smiled back.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now