Kabanata 19

1 0 0
                                    

Ilang beses kong tinawagan si Storm pero hindi pa rin sumasagot.

Me:

Storm. I'm sorry.

Me:

You misunderstand everything.

Me:

You know me well right?

Nakahiga ako sa kama habang umiiyak. Bakit hindi nila ako pakinggan? Wala naman akong ginagawang masama ah.

Kung makahusga parang alam nila ang buong kwento. Bakit walang picture nung tinulak ko si Calvin at sinampal. Plinano ba ito?

Namumugto ang aking mga mata pero nag review pa rin para sa seminar bukas. Seminar pa naman tapos ganito ang bubungad sakin?

Hindi na ako nag-agahan dahil kabado na sa seminar. Dinala ko ang aking laptop at flashdrive.

Maaga akong pumunta ng school at wala na kaming pasok dahil seminar naman. Naghintay akong bumukas ang library para doon na makapag study.

Isi-save ko sa flashdrive ang ppt namin nang may lumapit sa akin.

"S-Snow. Tinawag ka ni Ma'am Salvaro." si Sam. Ka grupo ko sa seminar mamaya.

"Oh ano raw? Pagkatapos nito pupuntahan ko siya." Tinukoy ang pag transfer ng ppt.

"Ngayon na daw sabi ni Ma'am."

"Sige. Bantayan mo muna ito ah. Hindi pa tapos. Huwag mong gagalawin." Sabi ko at tumango siya. Lumabas ako ng library at nagtungo sa faculty.

Hinanap ko si Ma'am Salvaro, isa siya sa pannelist mamaya pero wala naman siya. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala parin kaya napagdesisyunan kong bumalik muna sa library.

Nang nakabalik ay wala na si Sam. Iniwan ang laptop ko!

Nang nakaupo ay napansin kong wala na ang flashdrive!

Hinanap ko sa ilalim ng mesa pero wala. Naglakad-lakad ako pero wala akong makitang flashdrive. Tangina! 9am magsisimula ang seminar!

Nakita kong papasok sa library si Sam at papunta sa gawi ko. Napaawang ang labi ko.

"Sam? Nasa'yo ba ang flashdrive?" Tanong ko baka nasa kaniya.

"Ha? Sorry Snow lumabas kasi ako dahil tumawag Mama ko." Simple niyang sabi.

"Nawala kasi dito diba pinabantay ko sa'yo?" Medyo iritado kong tanong.

"Ah eh sorry talaga Snow tumawag kasi si Mama." yumuko siya.

Umupo ako ulit at napamura ako ng nakitang wala na ang ppt sa laptop ko!

I searched everything pero wala na talaga. Letche naman oh!

Halos sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung anong gagawin ko. Tiningnan ko ang wristwatch at 10 minutes na lang magsisimula na ang seminar. Kami pa naman ang unang grupo!

Niligpit ko ang aking mga gamit. Pumunta na ako sa AVR 1 at nakitang may mga tao na. Nahagip ng aking mga mata ang aking kagrupo.

"Snow ano ba 'tong sabi ni Sam na naiwala mo raw ang flashdrive?" Galit na sabi ni Millenia. Tumingin ako kay Sam na nakayuko lamang.

"Nawala rin sa laptop." Walang gana kong sabi.

"Eh pano na 'to? Anong isasagot natin mamaya? Kainis ka naman! Sana sa iba mo nalang pinagawa kung hindi ka pala responsable!" si Millenia.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now