Kabanata 8

1 0 0
                                    

Tinawagan ko si Kyara kung nasaan siya dahil nabo-bored ako pero hindi sumagot ang bruha. Sunod kong tinawagan si Millenia pero may lakad daw sila ng Mommy niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at humiga sa aking kama. Inisip kung ano ang maaaring gawin. Biglang nahagip ng aking mga mata ang box kung saan ko nilagay ang diary ko.

Kinuha ko ang susi sa drawer ng aking study table at binuksan ang box. Kinuha ko ang aking diary at binuksan sa unang pahina.

Binasa ko ang mga araw ng pambubully sa'kin noon. Na habang kumakain sa cafeteria ay may nagtapon sa akin ng juice at pinagtawanan.

Sa susunod na araw ay nakatulog ako sa loob ng classroom at paggising ko ay nai-lock na ito. Tapos sa library na sinadyang ilagay ang bubble gum sa upuan at ayaw kong malaman nila Mommy noon kaya bumili ako ng ready made na palda.

Hindi pa iyon, nilagyan rin ng bubblegum ang aking buhok kaya pina parlor ko iyon at umiksi ang aking buhok. Marami pa akong naranasan noon pero dumating ang aking Knight in shining armor, si Storm.

Sobrang bait ni Storm sa akin. Kahit pangit ako ay kinakausap niya ako, kahit sobrang tahimik ko noon dahil ayaw kong magtiwala pero hindi niya ako pinabayaan, tumigil ang pambubully sa'kin dahil sikat siya at maraming takot sa kaniya. Palagi akong pinapatawa ni Storm at masaya ako sa presensya niya. He brought my confidence back, not until he left me hanging.

Umasa ako na baka absent lang siya. Nung nalaman ko sa iba na umalis patungo Switzerland ay nasaktan ako at gumuho ang mundo ko.

Bumalik na naman ang pambubully sa akin simula nung nawala si Storm. Napatanong ako sa sarili ko kung naging tunay ba siyang kaibigan sa'kin dahil sa pagkakaalam ko'y ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan.

Natutunan kong tayong lahat ay may mga rason kung bakit nagawa ang isang bagay, pero puno ako ng hinanakit kay Storm at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya.

Napabuntong-hininga na lang ako at binalewala ang inisip, ilang segundo ay tinawagan ko si Kyara.

Sinagot niya, "Oh ba't napatawag ka?"

"I'm bored. Where are you?"

"I'm at Storm's house. Wanna come?"

"No, thanks."

Akmang bababain ko na sana ang tawag kaso nagsalita ulit si Kyara, "Wala siya dito, umalis sila nila Yuri at Riley."

"Sigurado ka?"

"Oo nga! Ako lang dito iniwan nila ako." May pa iyak-iyak pang nalalaman.

"Okay sige maghahanda lang ako."

Matapos maligo ay binuksan ko ang aking walk-in closet. Marami akong mga damit pero ang hirap pumili, wala akong mapili! Ilang minuto pa ang lumipas at nakapag desisyon na ako, kinuha ko ang isang beige trouser, white halter croptop and white sneakers.

Kinuha ko ang aking purse at inilagay ang mga importanteng gamit.

Lumabas na ako ng mansiyon at tamang tama na naglalakad si Manong Rudy.

"Ah manong, papahatid ho sana ako sa bahay ng aking.... classmate."

"Oh? sige Ms. Snow."

Ilang minuto ay nakahanda na ang SUV namin at sumakay na ako. Nakapunta na rin naman ako doon kaya kabisado ko na ang daan.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng gate at bumaba na ako. Pinasalamatan ko si Manong at sinabihan na itetext ko lang siya mamaya kapag magpapasundo na ako.

Hindi pa ako tuluyang nakalapit ay pinagbuksan na ako ng gate. Looks like Kyara told them that I'll be here.

Nang nakapasok na ay lumilinga-linga ako sa napakagandang paligid, napakalawak ng kanilang bakuran at may mini garden sa right wing. A marble fountain in the middle at nagsilbi itong entrance at exit kapag may papasok na sasakyan. Hindi ko naisip na ganito pala kaganda rito, sa sobrang lakas kasi ng ulan nung una kong punta dito ay hindi ko na napansin. Nang nakarating sa harap ng pintuan ay bigla itong bumukas.

Bumungad sa akin ang nagngingiti na matandang ginang. Ang Mayordoma rito sa bahay nila.... Storm. Naikwento na siya ni Kyara sa akin kaya kilala ko na siya.

"Hi po Manang." Bati ko.

"Tuloy ka Ms. Snow."

"Manang naman huwag mo na akong tawaging ganyan, Snow nalang po."

"Hija na lang."

Ngumiti ako, "Hija de puta." Then I giggled on my own thoughts.

"Ano yon hija?"

"Ah wala ho manang." Bawi ko.

The interior of the house screams wealthy.

"Nasaan ho si Kyara?"

"Ah nandun sa pool. Hinihintay ka."

Hinatid ako ni Manang di kalayuan sa pool at nagpaiwan na ako. Kalahati pa ng pool ang nakikita ko kaya patuloy pa ako sa paglalakad.

Nang lumiko na ako ay laking gulat ko na lang ng makita si Storm na kakaahon lang.

I gasped and swallowed hard when I saw a water is dripping down his neck, to his absolute abs and his V line showed. Nagpunas siya ng towel sa kaniyang katawan at napansin yata ang pagdating ko kaya napabaling siya sakin.

My heart started to beat to fast as he stared at me, damn that intimidating eyes!

Narinig ko ang tawa ni Kyara kaya sa kaniya tumuon ang atensiyon ko.

"Oh nandyan kana pala Snow!" Masayang bati ni Kyara.

Humanda ka sa akin Kyara Laureen Montreal!

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now