Simula

9 0 0
                                    

Tumakbo ako at pumasok sa C.R. Naglabas ako ng tissue galing sa aking bag at pinunasan ang basa kong blouse. Hindi mawala ang mantsa kaya naisipan kong tumawag sa Mayordoma namin.

"Manang? Magpapadala po sana ako ng extra na blouse. Natapunan po kasi ng juice itong blouse ko at basang basa."

"Oh hija? Bakit natapunan?"

"Ahh eh nadulas po kasi ako kaya ganoon po. Maghihintay po ako sa labas Manang. Salamat po." At pinatay ko ang tawag.

Ni isa ay wala akong kaibigan. Siguro napapangitan sila sa akin kaya ni isa ay wala man lang gustong makipag kaibigan sa akin.

Napatingin ako sa salamin at tumulo ang aking mga luha. Straight at shiny ang buhok ko, ang kilay ko ay okay rin naman pero may malalaki akong pimples at namumula ito.

Bakit ba kasi ang pangit ko? Lagi na lang akong binubully dahil sa aking hitsura.

Mayaman naman kami pero hindi pa kasi ako komportable na maglagay ng mga kolorote sa mukha. I even don't know how to dress up properly or even comb my hair. Grade 6 pa ako ngayon kaya wala pa sa aking isip ang pag aarte sa mukha at suot.

Pinalis ko ang aking mga luha. Wala namang magbabago kung iiyak lang ako. Magmukha lang akong kawawa.

Nanghilamos ako at napatingin ulit sa salamin. Kaya ko 'to. Wala lang ito. I am Venize Snow Scieller after all.

Kinuha ko ang aking bag at isinuot ito. Lalabas na sana ako ng may biglang pumasok na tatlong babae.

"Nandito lang pala ang bruha!" si Daniela. Siya ang nagtapon ng juice kanina.

Hindi ko na siya pinansin at lalagpasan ko na sana ng bigla niyang hinawi ang buhok ko.

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko.

Tumawa ang dalawa niyang kasama na si Mitch at Kyla.

"Bitiwan mo ako Daniela!" Sigaw ko at binitawan niya ako.

"Tingnan mo 'tong sapatos ko oh. Marumi na! Ang mahal pa naman nito! Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo. Anong silbi ng eyeglasses mo!" Sigaw niya.

Tiningnan ko ang kanyang sapatos, "Ano bang brand nyan?"

"Celine! Bakit?"

"Mine is Manolo Blahnik. So cheap. I can buy you a new one." Sabi ko. Mitch and Kyla chuckled.

Namilog ang kaniyang mga mata, tumiim ang kanyang bagang at napasinghap.

Akmang hahawakan niya ulit ang aking buhok ng tumakbo na ako.

"Balik ka rito nerd!" Dinig kong sigaw habang hinahabol nila ako.

Takbo ako ng takbo at nang nakita kong naiwala ko na sila ay tumigil ako sa likod ng aming campus. Habol ang aking hininga sabay hawak sa aking mga tuhod ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Kinuha ko ito sa bulsa at sasagot na sana ng may biglang kumuha at itinapon ang cellphone ko!

Namilog ang aking mga mata ng natanaw ang durog na na cellphone.

"Hi nerd." May apat na lalaki ang humarang sa akin.

"Ang kapal rin ng mukha mo na awayin ang girlfriend ko?"

"Sino ka?" Tanong ko. Sino ba tong lalaking to? Wala na ba itong katapusan?

Mapakla itong tumawa, "Aba sumasagot sagot ka pang pangit ka?"

"Bakit? May bibig naman ako?"

Napikon ang lalaki at inangat niya ang kaniyang mga kamay. Napasigaw ako at pumikit ng mariin. Hinintay kong may lumapat na kamay pero walang masakit.

Unti-unti kong inangat ang aking tingin at napasinghap ng may biglang sumulpot.

"S-Storm." May bahid na takot sa boses ng lalaki.

"Run. Before I'll call a plastic surgeon to fix your face." Aniya at nagkandarapa ng takbo ang mga lalaki.

Ng mawala na ang mga ito ay hindi ko namalayang umiyak na pala ako.

"Are you- ."

Humagulhol ako at tumalikod. Nakakahiyang umiyak sa harap ng isang Dwayne Storm Montreal!

Pinaharap niya ako at yumuko lamang ako.

"Everything will be okay. I'll be here for you." He smiled.

"Let's be friends?" Sabay lahad sa kamay.

"I'm ugly. Why bother?"

"For me, you're beautiful inside and out."

Gumaan ang aking loob at ngumiti.

Magkaklase kami pero hindi naman kami close pero napapansin ko minsan ang pasulyap-sulyap niya sa akin. Mula nuong sumulpot si Storm ay natahimik na rin ang buhay ko. Wala ng nambubully sa akin. Mayaman rin sila tulad namin. At kilala ko siya dahil he's a famous in this campus.

Masaya siyang kasama. Hindi nga ako makapaniwala na makikipagkaibigan siya sa isang tulad ko.

Magaan ang aking loob na kasama siya. Sobrang bait ni Storm at para na kaming magkapatid.

Months has passed, ganoon pa rin kami. Masaya akong pumasok sa aming classroom. Tiningnan ko ang aking bagong cellphone kung may reply na ba si Storm pero ni isang mensahe ay wala.

Weird. He's never been late. Nakalipas ang nagdaang araw. Hindi ko na siya muling nakita. Hindi na rin siya nag rereply at sumasagot sa mga tawag ko. Takot at pag-alala ang nararamdaman ko.

Lunch time came pero ni anino ni Storm ay wala. Tiningnan ko rin ang cellphone ko pero wala pa rin siyang mensahe. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage na.

How funny when I felt so uncomfortable eating alone. Nasanay na ako na may kasama akong kumakain dito sa cafeteria.

Napatigil ako sa pagsubo ng may nagbuhos ng pagkain sa blouse ko!

"Opss. Pano ba yan? Wala na ang prince charming mo?" Tawa ni Daniela.

Kumunot ang aking noo. Hindi naiintindihan ang kaniyang sinabi.

"Alam mo bang wala ng liligtas sayo? Feeling maganda ka rin eh no? Pwes, tigilan mo na yan dahil hindi na dadating si Storm!"

Nanginginig ang aking mga kamay na kinuha ang aking cellphone at tawagan si Storm pero hindi ito sumagot, binaba ko ang aking cellphone.

Tinawanan ako nila Daniela, "See? Pampalipas oras ka lang ni Storm. Hindi naman talaga siya mabait eh, naaawa lang sayo kaya ganoon."

Tumayo ako at tumakbo. Kahit umulan ay pumara pa rin ako ng taxi at pinalis ang aking mga luha. Hindi ko maiintindihan. Hindi ko sila naiintindihan!

Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis akong bumaba at tumakbo patungo sa kanilang gate.

Sarado ito at nakita ang security guard nila.

"Storm!! Storm!"

May lumapit na lalaki na naka raincoat at payong.

"Manong!!" Tawag ko.

"Nandyan po ba si Storm?"

"Anong ginagawa mo rito bata? Ang lakas ng ulan!"

"Asan po ba si Storm? Gusto ko po siyang makausap." Iyak ko.

Bigla niyang itinikop ang payong at ibinigay sa akin.

"Umalis ka na bata. Wala na sila Maam at Sir Storm. Umalis na sila."

"A-Anong u-umalis p-po? Hindi k-kita maiintindihan M-Manong."

"Umalis na sila papuntang Switzerland kaya huwag ka nang bumalik rito."

Ibinagsak ko ang aking mga balikat. Minsan, ang pinakasakit na iyong mararamdaman ay iyong iniwan ka ng hindi man lang nagpapaalam. I thought he is my true friend but why did he left me hanging?

A Beautiful DreamKde žijí příběhy. Začni objevovat