Kabanata 14

0 0 0
                                    

Alam kong guwapo na ako pero mas naghanda pa ako para ako lang ang guwapo sa paningin ni Snow.

Then I used my perfume na minsan ko lang ginagamit kapag may okasyon.

Nagpaalam na ako sa Mommy ni Snow nung aksidenteng nakasalubong ko siya sa Mall para bumili ng bagong sapatos.

Masaya nga ang kaniyang Mommy na may ka date si Snow at kilala rin ng Mommy niya si Mama.

"Condolence pala Storm."

Ngumiti lamang ako sa kaniya.

Nang pinapasok ako ng guard sa kanilang mansiyon ay agad akong bumaba sa aking sasakyan. Kumatok ako at ang nagbukas ng pinto ay si Tita Tatianna.

"Good evening Tita." Bati ko.

"Good evening Storm! Pasok ka. Pupuntahan ko lang si Snow. Mukhang tapos na iyon.

Umakyat na si Tita Tatianna and I walk back and forth, hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.

Then suddenly I heard her voice, "Someone? Who? I'm not expecting a visito-."

I gasped in awe at napatitig ako kay Snow. Wow. She looks so pretty in that ombre dress! It perfectly suits on her pale skin.

"Akala ko hindi kakasya 'tong suot ko dito sa sasakyan mo." Snow chuckled.

"Oh baby I won't let that happen." At natahimik siya.

"Ohh ba't ka tahimik." Tumingin ako sa kaniya na namumula.

"Kailan kayo nag meet ni Mommy? Parang close kayo ah?"

"Magiging close talaga kami. Mother-in-law ko kaya 'yon." At biglang hinampas ni Snow ang balikat ko.

I laughed, "Oh bakit? Totoo naman."

"Ewan ko sa'yo!"

I winked at her, "Kinikilig ka naman."

"I'm not kinikilig!"

Tumawa ako. Conyo eh.

Sa gym ng aming school gaganapin ang prom. At nang naipark na ni Storm ang sasakyan sa parking lot ng aming school ay dinig na namin ang malakas na music galing gym.

"We're here." Anunsyo niya.

Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ngunit napakahirap tanggalin.

"Ako na." Damn that baritone voice! It's making me crazy!

"Thanks."

Naitanggal niya iyon at bubuksan ko na sana when he held the door.

"Storm-."

Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil ang kanyang mukha ay ilang metro na lang ay mahahalikan na niya ako!

Tumitig pa siya sa akin at kapagkuwan ay bumaba ang kaniyang mga mata sa aking labi.

"Don't you dare Storm. Don't ruin my lipstick!"

"Oh melove I'd like to ruin your lipstick right now." With that, he kissed me.

Nagulat ako at ang bilis ng tibok ng aking puso. His kisses continue at ipinikit ko ang aking mga mata.

Nakakabaliw ang kaniyang halik. We kissed passionately. I'm not even sure if I am doing it right! Basta tinugon ko ang kaniyang mga halik yun na yun! Damn you Storm.

I pulled the kiss. I awkwardly looked at him.

"Storm I- ." I was about to confess when he put his index finger on my lips.

"Sshh melove. I don't want to hear it." Mapait siyang ngumiti sa akin. Ano? Hindi niya gusto marinig na gusto ko siya? Aba edi huwag!

Galit akong lumabas ng sasakyan at padabog na isinarado ang pintuan. At nauna nang maglakad.

"Snow, hey... wait for me!!"

"Wait mo mukha mo!"

At nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Hey beautiful wait."

"Beautiful mukha mo!"

"I'm handsome not beautiful but okay." He grinned.

I rolled my eyes at him.

Bago kami makapasok sa gym ay hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. My anger fade away as he smiled at me.

Sabay kaming pumasok, akala namin nag umpisa na dahil nawala ang music pero may inayos pa pala, kalahati ng gym ay mga round tables at upuan, mayroon ding disco lights at ang kalahati naman ay bakante ito, siguro espasyo para sa gustong sumayaw mamaya. Ang mga tao ay nakatingin sa gawi namin.

"Omg... sila na ba?"

"Ang guwapo ni Storm!"

"Ang ganda ng gown ni Snow. Saan kaya niya nabili?"

"Kumikislap ang gown. Siguro mahal pa 'yan sa buhay ko!"

"Ang ganda ni Snow! Bagay sila!"

At marami pa akong narinig na mga papuri ng bigla kaming sinalubong ni Kyara at Millenia.

"Oh my cousin and my bestfriend!" sigaw ni Kyara.

"You look gorgeous in that gown Snow!" Dagdag niya.

Ang suot ni Kyara ay isang maroon trumpet gown at may glitters din ito. Ang kay Millenia naman ay black slit dress na off shoulder.

"Thank you. Bagay sa'yo ang gown." Ngiti ko.

"Something's fishy." si Millenia na nakatingin sa aming kamay.

Akmang i-aalis ko ang aking kamay kay Storm ng hinigpitan niya ang hawak nito at napatingin ako sa kaniya. His jaw clenched at that.

"Hey bro!" Biglang sulpot ni Riley at tinapik ang kaniyang balikat.

"Wooahh Snow ang ganda mo." puri ni Yuri.

"Shut up Yuri kung ayaw mong mabulag." pinandilatan siya ni Storm at natawa na lang si Yuri.

Biglang nagpatugtog ng kanta, "Alright ladies and gents, settle down, the program will start in 10 minutes." Sabi ng MC na si Mr. Brett.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now