Kabanata 27

0 0 0
                                    

"Hah! Ang kapal talaga ng mukha at tayo pa ang sisihin sa kabaliwan niya?" habang naghahapunan sa hapag ay patuloy pa ring nagsasalita si Kyara.

"Kyar nasa hapag tayo." saway ko sa kaniya.

"Oh sige mamaya na lang sa sala." sagot niya at umiling na si Storm.

Nang nasa sala kami ay nagkwento siya ulit.

"Hindi kaya nag switch siya ng strand from HUMMS to ABM dahil gusto niya si Storm?"

"Napaka-imposible naman yata." sabi ko.

"Hindi talaga eh! Nasabihan ko kasi siya noon na uuwi na si Storm at balak nitong makipag-classmate sa atin." anito.

Natigilan ako. Somehow.. it makes sense.

Nagpaalam na si Kyara sa amin at sumakay na sa kaniyang sasakyan. Sabay kaming pumasok ni Storm at ini-lock na ang pintuan.

"I didn't expect Millenia would do that." si Storm nang nakahiga na kami sa kama.

"Ako rin. Kailan pa siya nagkagusto sa'yo? I mean, nakakagulat lang."

"Sshh. Huwag na nating isipin iyon. Makakasama kay baby." at hinaplos niya ang aking tiyan.

"I know. Try niya lang agawin ka sa akin at makikita niya talaga kung paano ako magalit."

He kissed my forehead, "Let's just sleep."

Tumango na ako at nakatulog na.

Morning came at sinabihan na ako ni Mommy na bibisita daw siya rito. Wala si Daddy dahil nagpapahinga pa.

Storm and I cuddled while watching movie ng tumunog ang kaniyang cellphone.

"Yes Kyar?" sagot niya rito.

"Cancel it." Dagdag niya.

He groaned, "Okay. Tell them to wait." at in-end call.

"Work?" tanong ko.

Tumango siya, "Yeah. Emergency meeting. Mamaya na ako aalis kapag nandyan na si Mama." hinalikan niya ako sa labi at tumango na ako. As if on cue, may nag doorbell na.

Tumayo si Storm at siya na ang nagbukas ng pinto.

"Sweetie! I missed you!" agad niya akong niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Missed you too Mommy." ngiti ko.

Napakamot ng batok si Storm ng makalapit sa amin, "Ma. Kailangan ko kasing pumunta sa kompanya dahil may emergency meeting raw. Maiwan ko muna kayo ng saglit ni Snow. Babalik rin ako kaagad."

"Naku walang problema Storm! Sige na ako na ang bahala sa mag ina mo." tinapik ni Mommy ang balikat ni Storm.

"I'll be right back baby." Hinalikan niya muli ako sa noo.

"Take care please." tanging sabi ko at umalis na siya.

Pumunta kami ni Mommy sa kusina at nasa counter ako, pinanood ko siyang nagluluto.

"Kumusta si Dad, My?"

"Ayun nagpapahinga sa bahay."

"Buti naman."

Pumunta si Mommy sa ref para magpasok ng ulam nang binasa niya ang mga notes ni Storm.

"Oh so sweet." tukso ni Mommy at namula ang pisngi ko.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now