Kabanata 6

5 0 0
                                    

Monday came and it's our exams already. I'm confident enough to answer because I studied everything the other day and reviewed again last night.

Dumiretso ako sa hapag-kainan ng nadatnan ko si Kuya na kakatapos lang kumain.

"Mornin' Kuya. Where's Mom and Dad?"

"They left early for work. And I need to go. Meetings." Tumango lamang ako at umupo na at nagsimula nang kumain.

Pinagbuksan ako ni Manong Rudy ng sasakyan at pumasok na ako.

Nasa hallway pa lamang ako nang may umakbay sa akin.

"Hey there beautiful." he winked.

Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat at tiningnan siya ng masama.

"Pwede ba Storm? Don't act as if we're friends. Matagal ko nang pinutol ang pagkakaibigan natin."

At umakto siyang nasasaktan sabay hawak sa kaniyang dibdib. "Ouch Snow."

Nauna na akong naglakad sa kaniya at tumigil sa aking locker. Pinasok ko sa loob ang aking bag at ang tanging dala ko lang ay maliit na notebook at pouch kung saan nandun yung mga ballpen at pencils ko.

Sinarado ko na ang aking locker at naglakad na patungo sa aming classroom. Pagpasok ko ay nakita ko na si Kyara at Millenia na nag re-review.

Bumaling ako sa upuan ni Storm pero wala pa siya. Saan kaya ang mokong 'yon?

Ilang segundo ay pumasok na si Storm at ngumiti sa akin.

Hindi ko na siya pinansin at kapagkuwan ay pumasok na ang aming proctor. Answer dito, answer doon. At hindi ko namalayan na uwian na pala. Napakabilis talaga ng oras.

"Ang hirap nung Math ah! Buti sumilip ako sa papel ni Snow ayun may naisagot ako." At tumawa si Kyara.

Baliw talaga ang isang 'to!

"Pwede ba tayong mag-usap Snow?" Tanong ni Storm.

Bumaling ako sa kaniya na walang emosyon sa mukha, "Wala tayong pag-usapan Storm."

"Stop it you two. Umuwi na nga tayo." Biglang singit ni Millenia.

"Anong uwi? Pwede bang labas muna ta'yo? Na-stress ako sa exams no!" Sabay hawi ni Kyara sa kaniyang buhok.

"Last day bukas sa exams, bukas na ta'yo hangout." Sagot ko at lumabas na sa classroom at tumungo sa aking locker upang kunin ang aking bag para makauwi na.

"Snow." Biglang sulpot ni Storm.

"Pwede ba Storm tigilan mo na ako? Pagkatapos ng lahat iiwan mo lang ako sa ere? Tapos ngayon babalik ka na parang wala kang nagawa sa'kin?" napataas ang boses ko.

Bigla siyang yumuko, "I'm sorry."

"Tigilan mo na ako."

Niyakap niya ako, "I won't."

"Why?" humikbi ako. Bakit siya ganito sa'kin! Hindi ko siya naiintindihan!

Hindi ko gustong aminin but my heart started to beat so fast. His embrace made me calm. Tumigil ako sa pag hagulhol at kumawalas sa yakap niya. Pinalis ko ang aking mga luha at tumingin sa kanya.

"Please. 'Wag mo na akong kausapin. Ang galit ko sa'yo Storm, nandito pa rin." Tinuro ko ang aking dibdib, "Kung ayaw mong magalit pa ako sa'yo lalo, lumayo ka na sa'kin."

"I thought we're okay." May lungkot sa kaniyang boses. Tama ba ang narinig ko?

Tumawa ako, "We'll never be okay Storm."

Suminghap siya at nagtiim bagang na tiningnan ako, "Just wait Snow, I'll make everything okay."

With that, umalis siya sa'king harapan na may mga ngiti sa labi.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now