Kabanata 11

0 0 0
                                    

Ang bilis talaga ng oras kapag tayo ay masaya. Hindi na natin namamalayan ang panahon.

It's Tuesday. Nandito kami ngayon sa eskwelahan at abala kami sa mga gawain na ibinigay sa amin at kailangan na iyon maipasa bukas dahil sa Thursday wala na kaming pasok para daw makapaghanda na because on Friday, it's our Seniors prom.

Excited na ako at gusto ko ng matapos lahat to para beauty rest na.

Pumasok ang aming Philosophy teacher. Ang sabi'y may i-didiscuss lang siya sa amin at hindi na magbilin ng gawain dahil performance task na raw ang sumali sa prom. I sighed in relief.

"Wala na bang magpapasa?" Sigaw ni Millenia since siya ang inutusan ni Sir Aris na ihatid lahat ang notebooks sa faculty at nandoon na lahat ang assignments namin.

"Wala na!" sigaw ng mga classmates namin.

"Uy Storm patulong naman oh." si Millenia.

Tumango lamang si Storm at binuhat na ang iilang notebooks at sinamahan na si Millenia.

Oras na ng uwian at pinulot ko na ang aking bag. Hinintay ko si Kyara at Millenia na lumabas ng classroom.

Si Storm ay naglakad palapit sa akin. Then my heart started to thump crazily.

"Punta lang ako ng gym. Napag-usapan namin nila Riley at Yuri na maglaro ng basketball." Paalam niya.

Napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi and he only chuckled.

"I-Ingat ka." Tanging nasabi ko.

He smiled at nilampasan na ako. Oh heart why are you beating so loud? Siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito.

"Tara na?" si Millenia at naputol ang pag-iisip ko.

Ngumiti lamang ako at naglakad na kami.

"Huwag muna tayo umuwi. Girls talk muna tayo! Hindi na tayo masyadong nag-uusap dahil busy sa school." si Kyara.

"Eh si Millenia lang naman ang palaging wala."

At tumawa lang si Millenia.

"I'm sorry I couldn't be with you guys. Sadyang timing lang talaga na kapag nag-aaya kayo ng lakad ay pumupunta kami sa bahay ng aking Lola."

"It's okay. We understand." Ngiti ko.

Napagdesisyunan namin na pumunta sa PreTea para doon na mag-usap.

Umorder si Kyara at alam na niya kung ano ang madalas na i-order namin dito at siya na rin ang nagbayad.

Ilang minuto ay dumating na ang order namin at umupo na si Kyara sabay lapag sa straws.

"Alam n'yo ba, may nanligaw sa akin pero binasted ko!" si Kyara.

"Traydor ka! Ba't ngayon mo lang sinabi?" Awat ko.

"I forgot kasi eh." Tawa niya. At natawa na rin kami ni Millenia.

"Ako meron din pero binasted ko dahil iba ang gusto ko." si Millenia.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now