Chapter 2:

1.8K 64 8
                                    


Elizabeth's




"Totoo nga kasi!! Ang ganda kaya ng porma mo!!" sabi sa akin ni Hazel. Sinimangutan ko naman siya. Pupunta kami ngayon sa bar, nahila ako ng tatlo.


Hindi talaga ako mahilig magpunta sa bar at uminom. Ngayon lang talaga 'to dahil sobra sila sa pagpilit sa akin. Pumayag nalang ako. Minsan lang din naman.

Nang makarating kami sa daylight's bar ay umupo kami sa upuan. Inabutan naman ako ni Maddison ng milkshake. Sabi ko kasi magmimilkshake nalang muna ako bago alcohol.

Napalingon naman ako sa paligid, madaming nagpapaparty party. Napatingin naman ako kay Olivia nang tumayo. "Makiki sayaw lang ako doon ha." pagpapaalam niya. Tumango naman kaming tatlo.


Nagkukwentuhan lang kami nang mapansin 'kong naubos yung milkshake ko. Palihim ko itong tinago dahil alam kong aabutan ako ni Maddison ng alak pag nakita niyang ubos na 'to.

"Huli!!!" sabi ni Hazel sa akin habang tumatawa. "Kala mo ha, tago ka pa." sabi ni Maddison at inabutan ako ng alak. Di ko alam kung ano tawag dito. Napasimangot nalang ako at kinuha ito.


Inistraight ko naman ang binigay sakin ni Maddison. At nangasim ang mukha ko di dahil maasim yung ininom ko kundi dahil parang may gumuhit sa lalamunan ko!!!


Lalo akong napasimangot nang makitang tumatawa yung dalawa. "Omg, you're so cute Elizabeth!!" tawang tawang sabi ni Maddison.


Inirapan ko nalang sila at tumingin sa paligid. Napatingin ako sa grupo ng mga lalaki. Infairness, ang gagwapo. Napasulyap ako sa lalaking ngingisi ngisi. Napataas ang kilay ko sakaniya. Baliw ba 'to?

Pasalamat siya he has a broad shoulder, Thick eyebrows and brown eyes!! Ang pogi ha. Nakita 'kong may katabi itong babae. Tss, mukhang playboy. Ekis!!!



"Huy Elizabeth, kanina ka pa nakatulala riyan?" sabi ni Maddie sabay abot ng isa pang drink. Buwiset talaga itong si Maddison, lalasingin ako.


Napatingin uli ako doon sa lalaki. Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita itong napasulyap sa akin. Umiwas naman ito ng tingin at ngumisi uli bago sipsipin ang iniinom nitong alak. Bakit ang hot niya tingnan?


Dahil sa pagkatitig at pagkadistract ko rito ay 'di ko napansin na napalagok ako sa hawak kong baso. Nakalimutan 'kong alak nga pala ang laman nito!!!

"Ang pangit ng lasa!!!!"

Natawa ang dalawa sa harapan 'ko nang marinig ang pagrereklamo 'ko at nagcheers pa talaga sa harapan 'ko. Napakagagaling.


At natapos ang gabi na pasulyap sulyap ako doon sa lalaking pogi. Grabe, masaya pala mag bar?

---

Hinatid kami ni Olivia pauwi ng condo dahil hindi siya masyadong uminom. Nagtaka pa nga ako, malakas din daw kasi siya uminom. Ba't ngayon puro sayaw lang ang inatupag niya?


Kinabukasan, nang pagkagising ko ay ubod ng sakit ng ulo. Grabe, ganito pala ang hangover? Ayoko na mangyari uli. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata nang makitang 10:35 na! Gosh 11 pasok ko.


Dali dali akong gumayak at pumunta sa banyo para maligo. Kahit masakit pa ang ulo ko ay pinilit kong balewalain. Ba't kasi nakalimutan ko magalarm? Dumaan muna ako sa starbucks bago dumiretso sa school para medyo mawala ang sakit ng ulo 'ko at ang antok.



Nang makapunta sa parking ay napasimangot ako nang makitang napakaraming nakapark na kotse. Medyo nerbyosa pa naman ako sa pagpapark, lalo na kapag maraming sasakyan. Baka kasi may mabangga ako. Sumabay pa itong pagmamadali at sakit ng ulo 'ko.


Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now