Chapter 9:

1K 57 3
                                    

Elizabeth's


Nakatingin ako ngayon kay Ethan habang kumakain ng menudo. Tintingnan ko ang magiging reaksyon niya. Kung masasarapan ba siya o hindi.




"Sarap." simpleng sabi niya.



Napasimangot naman ako. Dami niyang sinabi ha. Nappreciate niya ba yung luto ko? Di ko madetermine eh. Pagkakain ay nagprisinta siya na magurong. At dahil tinatamad ako ay pumayag naman ako.


Pagkatapos naman naming magligpit ay umupo na kami sa sofa. Binuksan ko ang tv at nanood dito ng netflix.



"I-ig story mo ako."


Napalingon naman ako kay Ethan habang nakakunot ang noo nang marinig ang sinabi niya.


"Ha?" nagtatakang tanong ko.


"I-ig story mo ko." ulit niya.

"Ha? Why?"


"Bakit? Bawal?" masungit na tanong niya kaya't napatawa nalang ako.


I immediately get my phone from the side table and focused the camera from the tv to Ethan. Natawa naman ako kasi para siyang bata ngayon!



"Ba't pala gusto mo magpa ig story?" natatawang tanong ko habang pinopost ang boomerang sa ig story 'ko.



"Bawal? Ba't si Rafael pwede?" masungit na tanong niya habang nakatingin sa tv. Natahimik naman ako bigla at napaiwas ng tingin.


"Bakit? Nagseselos ka?" natatawang pagbibiro 'ko.


"Yes."


Napatigil at napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya. Nang makita itong sumulyap sa akin ay napalunok ako at iwas ng tingin.


"S-sumbong kita sa boyfriend mo." sabi ko sakaniya at hinaluan ng tawa para kunwari ay pabiro ang sinabi 'ko.



"Boyfriend? Ano tingin mo sakin bakla? Sa gwapo kong toh?" mayabang na sabi niya.



"Bakit? Hindi ba? 1st anniversary niyo nga nung nakaraan diba. Wag ka painosente. Be proud."



Nagulat naman ako nang makita siyang tumawa nang tumawa. Napasimangot naman ako sakanya. Tawanan ba baman ang sinabi 'ko? I am motivating him to be proud.


"Saya ka ghorl?" inis na sabi ko sakaniya at hinagisan siya ng mini pillow ng sofa.


"I get it! Gets na kita Elizabeth!" natatawa niyang sabi.


"Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka ba?" naguguluhan kong tanong.


Di niya ako pinansin at may kinuha sa bulsa niya. It's his phone. Kinalikot niya naman ang cellphone niya at inakbayan ako para malapit ako sa kaniya. Napasinghap naman ako dahil masyado siyang malapit at naamoy ko ang pabango niya.



"A-ano ba." kunwaring naiinis na sabi 'ko. I heard him chuckled.


"Look here baby."


Pinakita niya sa akin ang mga highlights niya sa instagram. Napasimangot ako nang makita yung picture na happy 1st anniv daw.


"Oh ano, yan yon ano--"


Napatahimik ako nang bigla niyang i-next. Makikita don na nagtatawanan sila at nakacaption na punishment lang yung picture at caption na happy 1st chuchu.


"Nagtruth or dare kasi kaming magtotropa. Dinare ako na landiin daw yung babaeng sexy tas kunin number. At siyempre ayoko naman kaya ayon." pagpapaliwanag niya.

Napatingin naman ako sakaniya, halata sakanya na nagsasabi siya ng tao, he is looking directly in my eyes while he is explaining things.


"Bakit naman ayaw mo?"


"Kasi." sabi niya at tumingin sa akin. "May iba akong gusto, ayokong maging taksil 'no." sabi niya habang nakangiti. Napaiwas naman ako ng tingin.



"A-at sino naman yung malas na babae n-na 'yon?"


"Ikaw."



Nanlalaki ang mata akong napatingin sakaniya. Napansin kong pati siya ay nagulat sa nasabi niya.




"A-ano, ikaw? Ikaw ba? S-sino ang malas na lalaki ang gusto mo?"


-----

Nagpatuloy ang pagsasabay namin magkape ni Ethan. Napapansin ko rin na mas lumalalim yung pagkaka-crush 'ko sakaniya. He do always look hot whith his button down longsleeves.


"Kamusta naman maging engineer?"

"Ayon, masaya mangutos." pabirong sabi niya. Binatukan ko naman. Puro biro kasi!


"Aray ko naman babe, di ka maawa sa asawa mo--aray!!"


"Kung maka babe ka wagas, bata bata ko pa nilalandi mo na ako."



"Wow, wag kang feeling bata Elizabeth. Dalawang taon lang agwat natin. Wag mo kong ituring na gurang." sabi nito.


"Ano pong sinasabi nyo Kuya Ethan?" inosenteng sabi ko sakaniya.


"Wala 'yon baby. Uminom ka na riyan at papasok ka pa." nakangising sabi niya.



Pagkatapos magkape ay umalis na kami at naghiwalay na para pumunta sa kailangang puntahan. Ganito lang ang set-up namin tuwing umaga, coffee talk then go.

--

"Okay class, Next week is exam week. Be ready. Malapit na kayo gumraduate, make your parents proud." sabi ng prof namin.



Kinabahan naman ako bigla. Kailangan kong magaral nang magaral, kung hindi masasayang lahat ng pinagpaguran ko. Tinext ko naman si Ethan about do'n and naiintindihan naman niya. May trabaho rin daw siya kaya okay lang. Ako naman ay nagbabad magaral.


Pagkatapos naman ng exams ay napangiti ako dahil results nalang at graduation ang iniintay. Sabik na sabik na ako gumraduate! I can't wait to be an architect.



Kinabukasan ang kuhanan ng graduation picture kaya't aayusan kami sa school. Napatingin ako sa istura 'ko. My hair is curled, and I have some makeup na bumagay sa'kin.



"Elizabeth smile, 1 2 3."



Ngumiti naman ako sa camera. After non ay naguwian na. Ang bilis ng oras. Sasakay na sana ako ng parking nang may biglang humawak sa bewang ko at hinila ako palapit sakaniya. Napangiti naman ako.


"Ganda mo naman." he whispered in my ears. Agad naman akong namula at napaiwas ng tingin.



"H-huwag ka masyadong m-magandahan, baka maging crush mo a-ako." pangaasar ko para mawala ang hiya.

Napasinghap naman ako nang mas lalo niyang ako inilapit sakaniya habang nakahawak pa rin sa bewang 'ko. Nilapit pa nito lalo ang mukha niya sa may tenga 'ko sabay bulong,



"Don't worry, I like you since then, matagal na."


Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now