Chapter 21:

1K 42 0
                                    

Elizabeth's



Natapos ang ilang araw at naging ayos na kami ni Ethan, parati na rin kami magkasama pag kakagaling lang niya sa trabaho. Minsan naman ay bago siya pumunta sa construction site ay nanggugulo sa condo ko.



"Ethan, huwag ka na pumunta rito. Mahahassle ka pa niyan." sabi ko sakaniya.



"Di naman." sabi nito at kumuha ng cheesestick sa akin.




"Pumupunta ka rin dito kahit pagod ka na galing sa trabaho."



"Ayaw mo ba?"



"Di naman sa ganon. Ayoko lang na makaistorb---"




Napahinto ako nang halikan niya ako sa noo.




"Never kang naging istorbo sa'kin."




------




Nagluluto ako ngayon ng pananghalian at nang matapos ay inilagay ito sa baunan para ibigay kay Ethan mamaya. Agad naman akong sumakay sa kotse at pumunta sa construction site nang matapos ang lahat ng pagpeprepare.




Habang papunta ako roon ay nakita ko si Sir William, kumaway naman ito sa akin nang makita ako.




"Titingnan mo yung ginagawa?" nakangiting bati niya sa akin.




"Ah oo."




"Woah, pagkain? Para sakin ba yan?" pangasar na sabi niya.





"A-ano kase--"




Napatingin ako sakaniya nang matawa siya. "Just kidding. Alam kong kayo ni Engineer."



"Ahh." sabi ko at natawa.





"Actually I like someone."




"Sino naman? Share mo naman sakin Sir William." pabirong sabi ko.



"She's actually your friend." sabi nito at napakamot sa ulo.




"Woah, sino don." naging interesadong tanong ko sakaniya.




"Olivia."




Nanlalaki naman ang mata ko at gulat na gulat sa nalaman 'ko. He likes Olivia?! Magkakalovelife na ba si loko?




"Magpapalakad ka?" natatawang tanong ko rito, natawa ako lalo nang nahihiya itong tumango.



Nakilala 'ko si sir William na confident na tao, ngayon ko lang itong nakitang mahiya ng ganito. Kay Olivia lang pala titiklop.




"Yun sana sasabihin ko sayo nung nakaraan sa meeting room, kaso andon si Engineer. Buti nasabi ko na sayo."



"Ano yung nasabi mo sa kaniya?"




Napalingon naman kaming dalawa ni Sir William kay Ethan na nakataas ang kilay sakin at nakahalukipkip. May suot siyang puting hard hat. Ang suplado ng dating ng baby ko.




"A-ano kase." paninimula ko. Napahinto ako nang mahinang tinunggo ako ni Sir William na para bang ayaw niyang sabihin ko kay Ethan dahil kapatid ito ni Olivia. Natawa naman ako.



Pagtingin ko kay Ethan ay nakatingin ito sa balikat ni Sir William na pinangtunggo sa akin.





"Ano kase...uhm---"





"Mauna na ako Architect, see you around." sabi ni Sir William at nginisian si Ethan. Iwan ba naman ako magisa para magexplain. Ethan just glared at him. Lakas ng loob netong si Ethan! Sinamaan ng tingin ang ceo.




"Hi Ethan!!" bati ko naman sakaniya nang makaalis si Sir William. Tiningnan lang niya ako at tumalikod. How rude tsk.




Sinundan ko naman agad siya. "Galit ka na niyan?" natatawang sabi ko sakaniya.




Humarap naman siya sa akin at sumimangot. Natawa ako lalo, he looks like a kid na inagawan ng candy.




"Cute mo." pambobola ko sakaniya. Nakita 'ko naman na umaliwalas ang mukha nito kaya't lalo akong natawa.



"Yabang nito." sabi niya at umupo na sa may bench. Napangiti naman ako sakaniya.



"Dinalhan kita ng lunch tas sasabihan mo ko ng yabang? How rude." pangaasar ko.


"Edi thank you." sabi nalang niya. Natawa ako. "Seloso." bulong ko.



"Ganda mo kasi, dami tuloy nagkakagusto."



Natawa ako, kung alam mo lang na sa kapatid mo nagkakagusto si Sir William. Sinamaan niya naman ako ng tingin nang makita na natawa ako.



"Tumatawa ka riyan?" supladong sabi niya.



"Ay hindi, umiiyak." sabi ko.


"Tss."


"Ay may paganon?" sabi ko, nagulat naman ako ng halikan niya ako sa pisngi.



"You. Are. Mine." mariing bulong niya sa akin.



----



Nagsalo kami ni Ethan sa pagkain na ihinanda ko. He keeps saying some compliments about my cooking, halatang nambobola. Habang kumakain naman ay napangiti ako nan may naalala ako.



"Ethan, malapit na birthday ni Hazel." pagtatopic ko.



"Oo nga, sa Daylight's daw." sabi nito bago sumubo ng kanin.



"Samahan mo 'ko bumili ng regalo sa sabado ah."



"Sure baby."




-----



"Ano bang magandang ibili kay Hazel?" tanong 'ko kay Ethan habang naglalakad lakad kami sa mall.




"Malay ko. Mas matagal kang kaibigan non, di mo alam?" sabi nito. Sinamaan ko ito ng tingin, natawa naman siya.



"Damit? Sapatos? Pangdoktor na gamit?' dire-diretsong suggest nito nang napansin natahimik ako.



"Aha!! Boots nalang." ngiting sabi ko.



Agad naman kaming nagpunta sa shoes section. Ingat na ingat ako maghanap ng boots, maporma rin kasi si Hazel.



Habang naghahanap ay umupo si Ethan sa may upuan at nilabas ang cellphone at naglaro. Mas mabuti nang gumanyan kesa mainip.



Nang makahanap ng boots ay agad akong tumabi kay Ethan at niyakap siya. "Oh? Buti naisipan mong matapos." pabarang sabi nito sa akin. Inalis ko ang yakap at hinampas siya. Napakasama talaga netong lalaking toh.


"Ethan?"



Napaangat naman ang tingin naming dalawa nang may makitang magandang babae. Kaano ano toh ni Ethan?



"Oh Janice ikaw pala yan!!" kinakabahan na sabi ni Ethan. Napataas naman ang kilay ko sakaniya.


"I saw you earlier and I thought kamukha mo lang tapos ikaw na pala yan. How are you? I missed you!"



"I'm fine." alinlangang sagot ni Ethan bago sumulyap sa akin. Dahil sa pagsulyap ni Ethan sa akin ay napatingin din tuloy ang babae sa akin. I smiled at her,



"Hi, I am Elizabeth, Ethan's girlfriend." nakangiting sabi ko. Napangiti rin naman siya sa akin. "Hello!! I am Janice, Ethan's friend." sabi naman nito.



Medyo nagkamustahan lang sila at nagpaalam na ang babae. Sinamaan 'ko naman ng tingin si Ethan bago nangunang maglakad. Enjoy na enjoy sila mag-usap ah.




"Nako patay, nagselos na." narinig kong bulong nito.




Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now