Chapter 3:

1.4K 64 11
                                    


Elizabeth's pov

Grabe itong week na ito, puro projects ang pinapagawa sa amin tapos next week ay exam na. Babaliwin ba nila kami?

Kaya nang matapos ang plates na ginagawa 'ko ay tuwang tuwa ako. Itinabi ko na agad 'to dahil baka mabasa pa or what. Napatingin naman ako sa orasan. 4 na pala kaya't ipinahinga ko nalang ang sarili.

Kinabukasan, ay dumiretso ako sa coffee shop dahil sobra ang puyat 'ko. Pagkatapos magpahinga ay nag-aral na agad ako at 'di ko namalayan na late na pala.

"Maam, name po?" tanong sa akin ng barista.

"E.H. nalang lagay mo." sabi ko.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari  nung nakaraan, napahiya ako. Akala ko ay wala na akong makakapareha sa Liz. Nang tawagin ang Liz, ay agad akong lumapit. Tapos Elysse pala yung sinabi nung barista pahiya tuloy ako. Tuwing Elizabeth naman ay may nakakapareha rin ako.

Naupo na agad ako. Isa din, kung bakit E.H ang sinabi ko ay dahil ang daming tao dito sa coffee shop na 'to. Ako lang ata may ganong first letter sa first and second name.

Nagscroll muna ako sa cellphone habang naghihintay sa order 'ko. Tamang facebook at instagram lang. Napatingin naman ako nang biglang lumabas sa notif ko ang chat ni Maddison,

From: Maddison

Pre!! Si Olivia!! Grounded! HAHAHAHHAHA

Agad ko naman siyang tinanong kung bakit, napakaloko talaga ni Maddie, tinatawanan pa si Olivia grounded na nga. Napalingon naman ako sa barista nang tawagin ang ibinigay 'kong pangalan.

Tumayo naman ako upang kunin yung order 'kong caramel machiatto. Habang papunta sa counter ay nagvibrate nanaman ang cellphone 'ko kaya't agad 'ko itong binuksan,

From: Maddison

Loka!! Nagwala kasi sa bar!! Nagwala sa public. Tapos minura lahat sa bar gagi!! Lt pre HAHAHHAHAHA. Nahuli siya nang kamaganak niya ata. Galit na galit pre.


Napailing naman ako habang nakatingin sa cellphone, iba talaga ang nagagawa ng alak. Nagtatype na ako nang message kay Maddison nang,

"Shit!"

Hindi sinasadyang napamura ako nang bigla 'kong makabunggo ang kaharapan 'ko ngayon. Inis na itinaas ko ang tingin ko at nagulat nang makita na si Mr. Mangaagaw ng parking spot ang nakabunggo ko!

"Sorry ha, di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." he sarcastically said.



"Apology accepted." I rolled my eyes.


"Edi wow." he smirked.



Pagkasabi niya non ay dumiretso na rin siya sa counter. "E.H.?" tanong pa ng barista. Nilahad ng barista ang kape habang nakatingin sa resibo na parang may binabasa. Kinuha ko naman agad ito.

Nagulat ako nang dumampi ang kamay 'ko sa kamay ni mang-aagaw ng parking spot. Kinuha niya rin ito. Bali, kaming dalawa ang may hawak sa venti na caramel machiatto. Agad akong napabitaw at pinamewang ang isang kamay sa bewang.


"Pati ba naman dito aagawin mo ang akin?" mataray na sabi ko sakaniya.


"What are you saying?" kunot noong sabi nito sa'kin.


"Ikaw? Diba mang-aagaw ka? Wag ka mag-alala, bibilhan nalang kita ng kape mo kawawa ka naman kasi e, pati kape 'ko inagaw mo." pangaasar ko.


Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon