Chapter 23

1.1K 43 0
                                    


After 5 years





Napangiti ako nang malungkot habang tulala. Ang tagal na pala. Another 5 years.
Grabe, napakahirap ng mga nararanasan ko ngayon. Gusto ko nang maiyak. Gusto kong magreklamo. Pero hindi pwede,



Hindi pwede dahil nanay na ako. Ang tanda 'ko na magrereklamo pa ba ako dahil nataehan ng 1 year old anak ko ang kamay ko?

At tingnan mo nga naman ang bwisit kong asawa, tinatawanan lang ako. Napaka kapal ng mukha.

"Lumayas ka sa paningin ko!!!" sigaw ko rito. Agad naman itong napalabas ng wala sa oras dahil sa takot.


5 years ago, I saw my husband hugging other girl. Siyempre sino ba namang babae ang 'di magagalit? Lalo na't ang ganda ng babaeng kayakapan niya.


Iyak ako nang iyak non habang nagdadrive at nasaktuhan na walang gas. Lalo tuloy akong naiyak dahil naabutan ako ni Ethan.


Hindi ako lumabas ng kotse dahil ayaw ko siyang makausap pero hindi ko natiis, dahil napakainit sa loob ng kotse. Mamamatay ata ako nang wala sa oras.


At ayon nagkausap kami. Habang naguusap ay nagulat ako dahil bigla itong lumuhod. Sasapakin ko na sana nang biglang magsalita.


Sinabi niyang nagpatulong siya kay Janice, dahil balak niyang magpropose sa akin sa Boracay. May kakilala raw si Janice sa Boracay kaya't bongga ang mangyayari. Kaya napayakap daw siya sa tuwa kay Janice which is wrong.


Tapos sinabi niya na will you marry me? At ako namang si marupok umoo agad. Tingnan mo tuloy nangyayari sakin ngayon, pinagtatawanan lang ako ni Ethan.


Napatingin ako sa pintuan nang makita si Ethan na sumisilip silip sa pintuan. Napatingin rin ako sa panganay naming si Eloisa na pumasok sa pinto.


"Mommy, dad said sorry. Siya na raw maghuhugas ng tae ni baby." inosenteng sabi nito. Napangiti naman ako. My panganay is so beautiful. Marami tong mapapaiyak na lalaki! I swear.


"Anak, tell your dad na pumunta agad dito, kung hindi lagot siya sakin."

Wala pang isang segundo ay agad pumasok si Ethan at agad na tinulungan akong linisan si Erin. Pagkatapos namang maglinis ng kwarto ay agad akong naghiwa ng gulay.

"Sipag naman ng misis ko." sabi ni Ethan at agad akong niyakap mula sa likod.




"Siyempre, ikaw lang naman ang tamad." pangaasar ko.




"What? Ako? Tamad?" nakasimangot na sabi nito. Natawa naman ako dahil di naman talaga siya tamad. Ngayon nga lang siya napahinga mula sa trabaho eh.



"Oo, tamad ka." sabi ko pa. Natawa naman ako nang makitang tinalikuran ako nito at umalis. Nagalit agad. Pikon talaga, may dalawang anak na eh.


Inaya ko nang kumain sila Eloisa. Nagtaka ako nang makitang si Eloisa lang ang pumunta sa hapag kainan.


"Where's your dad?"


"Papainomin daw po ng milk si baby Erin. Mauna na raw po tayo" sabi nito. Napatango lang naman ako.


Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng plato. Nakita ko naman si Ethan na kumuha ng plato at nagsandok ng kanin.


Binilisan ko naman ang paghugas ng pinggan at agad nagsalin ng tubig sa pitsel para sakaniya. Inabot ko ito sakaniya.


"Thanks." simpleng sabi nito.


Agad naman akong umupo sa harap niya at pinanood siya habang kumakain.


"Wag mo nga akong panuorin kumain, masama yan di magkakaasawa ang anak natin"


"Weh?"



"Sabi ng matatanda."



"San nanaman nanggaling yang nalaman mo"



"Sa'kin."


"What?"


"Bakit? Sabi ko yan, matanda na ako diba? Sabi ng matatanda, sabi ni Ethan. Bagay?"


Sinamaan ko naman ito agad ng tingin. Puro kalokohan at idamay ba naman si Eloisa.


"Just Kidding." sabi uli nito.



"Ethan, sorry nga pala kanina ha." sabi ko rito at napanguso. Napatingin naman ito sa akin. Natapos ang ilang minuto na nakatitig lang ito.



Lumapit naman ako sakaniya at niyakap ito, "Sorry na po." paglalambing ko.


"I love you." sabi ko pa rito sabay halik sa pisngi nito. Pagkatapos kumain ay hinugasan niya ang pinggan, naghintay naman ako na matapos sya.


Pagkatapos magurong ay sinalubong ko ito ng yakap. "Hoy, sorry na." sabi ko uli.


"Di ka naman talaga tamad, jinojoke time lang kita."


"I know."



"What?" inis na sabi ko at napahiwalay ng yakap.



"Alam kong jinojoke mo lang ako. Pag may kasalanan ka lang malambing, sinulit ko na." natatawang sabi nito. Hinampas ko naman agad ito.



"Bwisit."




"Oh wag nagagalit. I love you." sabi nito at niyakap ako.




Kahit bwisit at lagi akong pinipikon nitong si Ethan. I really love him. I can feel like he is my home. He is my comfort zone. I love all of him...


Spring Love (Season Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora