Chapter 22

1K 36 1
                                    


Elizabeth's



Fastforward





Nakangiti ako habang napapatingin sa kalendaryo. Ngayon ang first anniversary namin ni Ethan. Balak 'ko sana na supresahin ito.



Kinuntsaba 'ko naman ang mga kaibigan 'ko para sa surprise na magaganap. Hindi 'ko rin pinansin si Ethan kahapon at nung isang araw para sa surprise. Medyo nahirapan tuloy ako maghanda dahil apura kulit at suyo sa akin ni Ethan.



Napatingin naman ako sa condo ko at napangiti. Ang ganda ng kinalabasan. Sana matuwa si Ethan. Pinaghirapan din naman kasi namin ito nila Hazel.




Ang plano namim ay pupunta ako sa construction site at magkukunwaring makikipagbati, pero maiinis ako at magwawalkout. Paparinig ko na uuwi nalang ako sa condo. Tapos ayon, susundan daw ako ni Ethan tapos magugulat soya kapag nakita ang condo 'ko.



Si Hazel nga pala ang nakaisip niyan. Ewan 'ko ba kung bat ko pinatulan.



Bago umalis sa condo ay naghanda muna ako ng mga pagkain. Carbonara, chicken and liempo. All set.



Binuksan 'ko ang phone 'ko para tingnan ang oras at napangiti ako nang makita ang wallpaper 'ko. It's a picture of me and Ethan. I can't believe na sa tagal naming pagsasama ay mas lalong napatibay ang relasyon namin. Napahinto lang ito ng aksidenteng nangyari noon, edi sana ay ilang taon na kami ni Ethan.




"Pengeng carbonara pag may natira ha." natatawang sabi ni Olivia, binatukan ko naman ito. Ang takaw talaga ng babaeng 'to.




"Sige, pauwian kita sa kuya mo." natatawang sabi 'ko.



"Kinakabahan ka noh?" pangaasar ni Hazel.




"Malamang, parang palpak plano mo eh." sabi sakaniya ni Maddie.




"Watch and learn!!" pagmamayabang ni Hazel. Napangiti naman ako sakanila.



"Himala naman at natagalan mo ang kuya ko." sabi naman ni Olivia.



"Ganoon talaga, mahal ko eh."



Pagkasabi ko non ay agad silang nagreact. Nagsuka sukahan pa ang iba. Eww daw, ang cheesy ko. Natawa naman ako. Oo nga naman, I am not like this before. Grabe talaga ang love, kung ano anong nagagawa.

"Huwag kayong mag-alala, magiging ganyan din kayo, baka nga mas malala pa sa'kin." I laughed, puro irap lang naman ang natanggap 'ko. Napakababait talaga ng mga 'to.



Agad naman akong dumiretso sa may full body mirror 'ko at nagpractice sa salamin ng ilang beses kung paano sasabihin para mamaya pero natatawa lang ako. Gosh, paano ba magacting? Di ako sanay!



Nang mapagod kakapractice ay napagdesisyunan ko nang pumunta sa sasakyan. Agad ko itong pinaandar papuntang construction site.



"Oh Architect, napadaan po kayo?" sabi ng isang manggagawa.



"Pupuntahan ko lang po si Engineer." nakangiting sabi ko rito. Agad naman akong binigyan ng hard hat bago pumasok sa may site.



Nakangiti ako habang nakikipagkwentuhan kay kuyang manggagawa, he is telling me some stories about the site. Nagkwento rin siya na laging goodmood si Ethan kaya't nagtaka ako. Diba ang alam nya ay galit ako sakaniya? Ba't pa siya goodmood. Agad naman akong napahinto nang makita si Ethan.





I saw Ethan, hugging a girl. He is smiling widely and the girl is smiling too, and that girl is Janice.




"S-shit." napamura ako. Agad namang napatingin sa akin ang dalawa at gulat na binaklas ang pagyayakapan. Di 'ko na napigilan ang luha ko at agad na tumakbo. Anong meron? Nagkamabutihan sila sa mga panahong di ko siya pinapansin?





"E-elizabeth!!" tawag nito sa akin pero di ko ito pinansin.





Why are you doing this to me Ethan? I loved you so much. Why are you hurting me always? Am I not enough?



Agad akong sumakay ng kotse at nagdrive. I need to unwind. I am too hurting to talk to him. I may say some words that is not needed to hear.


Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon