Chapter 6

1.1K 56 3
                                    


Elizabeth's



Pagkagising ay naramdaman 'ko ang pagkasakit ng ulo ko. Tumayo ako agad at nagbanyo. Nagsuklay ako ng buhok bago bumaba. Napansin 'kong iba na ang suot ko, pinalitan siguro ni Olivia.


Napansin ko ring walang maingay. Nasaan na kaya sila Olivia?



Dumiretso ako sa sala pero walang tao. Kaya napagdesisyunan kong pumunta sa kusina. Napatigil naman ako nang makita si Ethan na nakaupo sa stool habang nagcecellphone. Nakakunot ang noo.



"Ethan." tawag ko sakaniya. Tiningnan lang ako nito at tumingin na uli sa cellphone.


"Asan sila Olivia?" tanong ko rito.

"Ewan." he said, not looking at me.


"Ah ewan." panggaya ko sakaniya.


"Kumain ka na. May soup diyan." walang ganang sabi ni Ethan at umalis na. Bad mood ata toh?



"Elizabeth hija!" sabi ni Manang Flora sa akin.



Napangiti naman ako nanag makita si manang. Ka close ko kasi ang mga kasambahay dito. Lalo na si kuya Berting, ang driver nila.


"Nako hija, umalis na sila maam Olivia. Pumasok na. Kanina ka pa raw nila ginigising pero 'di ka magising kaya hinayaan ka nalang." sabi ni manang habang hinahanda ang kakainin ko. Tinulungan ko naman siya.


"Hay nako po, nalasing po kasi ako kagabi." sabi ko sakaniya.


"Nako hija, hinay hinay sa paginom ha. Masama sa atay yan. Maiwan na kita diyan Elizabeth ha. Maglilinis pa ako."



Nagpasalamat naman ako Manang. Palagi kasi ako dito sa bahay nila Olivia. Nalulungkot kasi. Lagi wala sila tita at tito. May trabaho sila.


Pagkakain 'ko ay namroblema ako kung saan ako sasakay. Nakakainis. Nakalimutan ko! Wala akong dalang pera. Nakakaiyak. Cellphone ko lang ang dala ko. Ang tanga mo Elizabeth!



"Oh napapano ka nanaman?"




Napalingon ako kay Ethan na may hawak na folders habang nakataas ang kilay sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.




"Eh kasi naman, sa kotse kasi ako ni Olivia sumakay. Wala akong dalang pera." naiiyak na sabi ko sakaniya. Napatitig naman siya sa akin.




"Mahal gatas, iyak ka pa riyan." sabi niya at diretsong naglakad papuntang pinto. Lalo naman akong naiyak sa inis! Para talaga siyang bata.



"ETHAN!!" sigaw ko sakaniya. Gulat naman siyang napalingon sa akin dahil sa sigaw ko.


"Ano?" yamot na tanong niya.


"Pwede favor?" ngiti ko sakaniya.


"What is it?" sabi niya sabay tingin sa orasan.



"Pwedeng ano, hehe pwedeng pautang?"



Amused naman siyang napatingin sa akin at natawa. Ako naman ay nakasimangot. Bakita ba siya tumatawa?


"Sorry, I thought magpapasabay ka, mangungutang lang pala ako." sabi niya at tumawa uli.



"Sige, Pasabay nalang!!" sabi ko. Walang hiya hiya ngayon! Gipit na ako.



"Okay, follow me." he said, naglakad na kami palabas ng bahay nila. Napatingin naman ako sa kotse niya, naalala ko nanaman tuloy yung pag-agaw niya sa spot ko!!



"Wala ka naman sigurong balak na basagin yung bintana ng kotse ko diba?" natatawang sabi nito. Napansin niya sigurong ang nakasimangot ako habang nakatingin sa kotse niya.



"Grabe ka naman, ivavadalize lang naman." sabi ko at nginisian siya.





Pagkasakay ng kotse ni Ethan ay sinabi ko sakaniya kung saan ang condo ko at agad niya naman akong pinagdrive papunta roon.





"Wala ka bang klase?" tanong nito sa akin habang nasa harap ang mata.




"Wala."




Tumahimik naman na uli ang sasakyan, tinanong ko pa sakaniya kung pwede ko bang buksan yung radio niya, umoo naman siya. Nang makarating sa bahay ay agad akong nagpasalamat sakaniya. Tumango lang naman siya. At agad na siyang umalis.




Kinabukasan ay pumunta ako sa coffee shop para magkape, maya maya pa naman kasi ang klase 'ko. Nagulat naman ako dahil habang nagcecellphone ay may naupo sa harapan 'ko. Mumurahin ko na sana kaso napatigil ako nang makitang si Ethan ito.


"Good morning, can I sit here?"


"Nakaupo ka na e, may magagawa pa ba ako?" sabi ko, natawa naman siya.


"Sorry, pero kung nakakaabala ako aalis nalang ako."


"Hindi ka nakakaabala." sabi ko, nakita ko namang napangisi siya. Tumingin nalang ako sa phone at humigop ng kape.


"Lagi ka rito?" biglaang tanong nito kaya't napaangat ang tingin 'ko sakaniya.



"Oo, masarap ang kape rito. Tuwing umaga ako rito bago pumasok."



"Woah, we are the same. Dito rin ako lagi." sabi niya sa akin.



"Ayos pala e, ano pa hinihintay mo? Ilibre mo na ako." natatawang sabi ko sakaniya.



"Okay, tomorrow."



"Weh? Talaga? Totoo ba yan engineer?"




"Yes, architect. Let's see each other every morning."







Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon