Chapter 12:

1K 46 1
                                    

Elizabeth's



Kinakabahan akong sumakay ng elevator. Iniisip ko kung susugurin ko ba si maam or wag nalang? Baka kasi matanggal ako sa trabaho. Medyo kinakabahan ako.


Pagkarating ko sa architecture's floor ay may mga sumalubong sa akin na dumiretso raw ako sa office ni maam. Huminga naman ako ng malalim bago pumasok. Agad namang nanlaki ang mata ko pagpasok sa office ni Maam Shane.


"Elizabeth!!!"



"Kuya Nathan!!!!" sigaw ko sabay yakap sakaniya, natawa naman ito sa'kin.


"Kamusta ka nang bata ka." sabi niya at ginulo ang buhok ko.



"Ayos lang po, ano pong ginagawa niyo rito?"



"Akala ko ba nasabi na sayo ni babe?"


"Ha?"



"Hay Elizabeth, nakakatampo haa. Diba sinabi ko naman sayo." sabi ni Maam Shane sabay kawit sa braso ni Kuya Nathan. Oh my gosh!!! So It's Nathan not Ethan!!!  Tuwang tuwa naman ako at tila natanggalan ng tinik sa puso.

--

"Inaapi ka ba netong si Shane?" pangaasar ni kuya habang nakatingin kay Maam. Si Maam Shane naman ay nakapout sakaniya.

Nandito kami ngayon sa coffee shop. Dito namin pinaguusapan ang about sa bahay. Pero hindi yata puro tungkol sa bahay lang napaguusapan namin dito. Personal ang mga napaguusapan namin eh.



"Balita ko nililigawan ka ni Harrison ha." pangaasar sa akin ni Maam Shane. Harrison? Ahh si Ethan. Ethan Harrison nga pala ang panagalan ng baby ko.


"A-ay opo."


"Wag ka na mangopo. Para namang hindi tayo mag cousin in law noh!!" nakangiting sabi ni Maam Shane at hinalikan siya sa pisngi ni Kuya Nathan. Nang maglayo silang dalawa ay natawa ako at inasar sila.


Tinawanan naman ako ni kuya, "Iba talaga ang lahi nating mga Salvero." natatawang sabi ni kuya sabay tingin sakin.


"Oo ng----"




"Babe."



Napalingon kaming tatlo nang makita si Ethan na nakatayo sa likod ko at nakatingin sa akin. He slightly glared at Kuya Nathan that's why I slightly laughed.



"Oh Engineer Harrison!! Nandito ka pala. Upo ka sa tabi ni Architect Liz." ngiting ngiti na sabi ni Maam Shane at tila inaasar ako.


At ang loko naman ay umupo sa tabi ko. Kala mo naman invited siya talaga dito.



"Who's this?" supladong tanong naman ni Ethan at si Kuya Nathan ang tinuturo.



"Baket, tol? May problema ba tayo?" maangas na tanong ni Kuya Nathan. Nakita ko namang palihim na natawa si Maam Shane.


"Wala naman pero kung gusto mong magkaro'n, why not?" ngisi ni Ethan kay Kuya.

"Ba't? Girlfriend mo si Elizabeth?" tanong ni kuya.


"Oo pre, off limits na 'yan." ngisi ni Ethan sabay akbay sa'kin.


Dahil sa ginawa niya ay natawa si Maam Shane pati si Kuya Nathan. Napangiti rin naman ako at tila nahahawa sa tawanan nila.



Napatingin ako kay Ethan na nakatingin sa amin  na para bang naguguluhan kung bakit kami tumatawa. I saw his brows furrowed.



"Galing pala mambakod. Magaya nga yan pagdating kay Shane." natatawang sabi ni Kuya.

"Ethan, he is Kuya Nathan. Pinsan ko." bulong ko kay Ethan. Agad naman itong napaayos ng upo.


"Kuya Nathan, Sorry. I thought--"



"Wow kuya agad." sabi ni Kuya Nathan at natawa rin naman ako. Napatawa rin naman si Ethan sabay iling.

"Just kidding, you can call me kuya Nathan, boto ako sa'yo tol." Kuya Nathan laughed.

I saw Ethan smirked, "Paano ba yan? Boto na sa'kin ang magulang at pinsan mo? Ikaw nalang ang iniintay 'ko." he winked.


Pagkatapos ng plano at usapan tungkol sa bahay ay inalalayan ako ni Ethan sumakay sa Innova niyang sasakyan. Dalawa kasi sasakyan neto. Yabang noh?



Habang nagdadrive ay nagkukwento si Ethan kung paano siya kabahan nang malaman na pinsan ko pala yon, nakakahiya raw. Natawa naman ako sakaniya. Natahimik naman kaming dalawa pagkatapos magkwentuhan, ang tugtog nalang mula sa radio ang naririnig namin.



"Ethan." biglang pagtawag ko.



"Hmmm?" sabi niya habang nakatingin pa rin sa harap.


"Thank you."

"Para saan?" he smiled.


"For supporting me and for being there." nangingiti 'kong sabi.


"You're always welcome baby, i'm always here for you, I know that you know that I can do everything for you, I love you." he said and slightly looked at me before focusing his gaze on the road.



"I love you too."



Nagulat naman ako nang biglang huminto si Ethan sa isang tabi at gulat na gulat na napatingin sa akin. Mabuti nalang at wala kami sa main road kaya't pwedeng magparking sa gilid.



"What did you just said? Ulitin mo nga?" nakangiting sabi nito habang nakatitig sa akin.



"I said I love you, sinasagot na kit---"





*POOT POOT


Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now