Chapter 15:

985 44 0
                                    


Elizabeth's


Today is the day, I am currently looking at my luggage. I will make my stay in the Philippines worth it. Pagkarating sa Departure Area ay agad kong nakita ang Family Driver namin na may hawak na welcome back.Napangiti naman ako at agad  na nilapitan siya.




"Hala Ms. Elizabeth, di po kita nakilala. Lalo po kayong gumanda." pambobola ni Manong, natawa naman ako.



Natulog lang ako sa sasakyan at nagpahatid  ako sa may condo. Pumasok ako sa elevator habang dala ang malaking maleta. Pagkabukas ko ng condo ay napasinghap ako nang bumalik sa akin lahat nang memories na nangyari rito.



Naalala ko bigla ang parating pagtambay nila Olivia rito. Naalala ko rin tuwing pinagluluto ako ni Ethan. Naalala ko yung panahon na gusto niyang i-ig story niya ako.


Muntik pa nga akong mapakanta ng 'memories bring back memories bring back you.'

And after how many years, I felt complete again. Inayos ko naman na agad ang mga gamit ko at nilagay sa cabinet ang mga gamit sa maleta. Tinext ko naman agad sina mom at dad na nasa condo na ako para mapanatag sila.


Nagorder muna ako ng makakain dahil gutom na gutom ako sa byahe. Gustong gusto ko na rin magpahinga. Ang tagal ng byahe from U.S to Philippines. Ang sakit sa pwet!!!

Nagscroll scroll muna ako sa social media ko habang naghihintay ng pagkain. Nakita ko ang iilang posts nila Maddie.

Nagpunta ako sa account ni Maddie. Agad akong nagdirect message sakaniya. Pagka message sakaniya ay kanila Olivia at Hazel naman ako nagmessage.


elizabethyyy: Coffeeteria tomorrow, 10 am.

----



Nakatingin ako ngayon sa labas ng Coffeeteria, the coffee shop wherein me and Ethan became close before. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa coffee shop. Napangiti ako ng maamoy ang pamilyar na amoy nitong coffee shop, walang pinagbago.




"LIZ!!!"


Gulat naman akong napatingin sa isang table, nakita ko yung tatlo at tumakbo papunta sakin at agad akong niyakap. Nakita ko pang si Olivia na nahihiya pa bago yumakap pero hinila ko rin siya at niyakap.



"Gaga ka!! Di ka na nagparamdam." sabi ni Hazel.



"Sorry na, babawi ako promise!"


"Nako, siguraduhin mo lang." sabi naman ni Maddie. Nagtawanan muna kami bago kami umupo sa isang tabi.


"Kamusta ka na?" pangangamusta ni Olivia.



"Ayon, maganda pa rin." panloloko ko. Inabot naman sa akin ni Olivia ang Frap ko. Nagorder na pala sila ng para sakin habang wala ako. Grabe, kilalang kilala na talaga ako ng mga 'to.


Nagkwentuhan naman kami sa mga nangyayari sa buhay namin habang umiinom ng kape at medyo nanghinayang ako nang hindi sila nagkwento about kay Ethan.



Meron na ba siyang girlfriend?


----


Napagdesisyunan nilang pumunta sa condo ko at doon magpalipas ng araw. Namiss daw nila tumambay doon. Pero bago pumunta sa condo ay nagdrive thru muna kami ng mga pagkain.


"So, hanggang kailan ka rito?" tanong ni Hazel.


"Hanggang matapos yung waterpark, bahala na. Ewan ko ba." sabi ko habang nakangiti.


Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now