Chapter 17

995 41 0
                                    

Elizabeth's



Nagyaya sila Maddie magbar ngayong biyernes. Wala naman silang pasok ng sabado kaya't ayos lang daw. #fridaynight daw. Natawa naman ako. Minsan lang naman 'toh kaya't pumayag ako. Gusto ko rin magpakasaya ngayon. Life is short.




"Cheers!!!"




Agad ko namang inistraight ang alak na nasa baso at agad nag chaser. Naka ilang alak din ako bago nagyayang sumayaw sa dancefloor.



"Wow, ang wild ata natin ngayon." pangaasar ni Hazel sa akin.



"Oo nga, noon paupo upo ka lang sa isang tabi tapos ngayon ikaw pa magyayaya." natatawang sabi ni Maddie.



Tinawanan ko lang sila at sumayaw nang sumayaw. Hanggang pabalik ng upuan ay g na g parin ako sa pagsayaw. Kaya pa kembot akong lumalakad papunta sa upuan. Habang parang baliw na sayaw nang sayaw ay napatingin ako sa isang sofa.




Agad akong napatigil nang makita ko si Ethan na seryosong nakatitig sa akin. He is watching me. Nakakahiya!! Agad akong napaupo.




"Oh napatigil ka?" tanong ni Olivia.



"A-ano wala, gusto ko nalang uminom. Napagod ako hehe"



Habang umiinom ay napatingin uli ako sa gawi nila Ethan, Shit!! Pinapanood nga niya ako!!




"Hey miss, can I get your number?"



Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa may gilid ko. Tinaasan ko ito ng kilay.




"Sorry mister, but no." sabi ko habang nakangiting sarcastic. Ngumiti lang din ito at umalis na. Napailing nalang ako.




Napatingin uli ako kay Ethan at nakita kong sumisipsip ito ng alak sa baso niya habang nakatingin. Napansin kong napangisi ito.



Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Nakita ko namang nawiweirdohan na sakin yung tatlo kaya tumagay nalang uli ako.



-------




"Bahaaayy namiiin maliit laaamanggg pero pero pero malaki toooo" natatawang kanta ko.




"Sumasakit ang ulo 'ko sayo Elizabeth!!" naiiling na sabi ni Maddie.




"Lasing na lasing!!" dagdag pa ni Olivia.



"Di ako lasheng!!!!" galit na sabi ko. Nakita ko namang natawa sila. Bakit sila natatawa?




Naramdaman ko namang inakay nila ako at nagpabigat naman ako kaya natumba kami.



"Aray ko!!" sabi ni Hazel.




"HAHAHAHHAHAHA" tawa lang ako nang tawa nang tawa nang tawa hehehshhajak




"Akin na si Elizabeth, ako na."





Kahit napipikit na ang mata ay pinilit kong buksan ito nang marinig ang boses ni Ethan. Ang pogi hehe.




"Mabuti pa nga kuya!! Lakas ng trip niyang si Liz pag lasing. Kastress!!" reklamo ni Olivia. Nakita ko namang tumango yung dalawa. Taksil kayo huhu.



Naramdaman ko namang binuhat ako ni Ethan. Napakapit ako sa leeg niya. Tinitigan ko rin ng malapitan ang mukha niya.




"Elizabeth, wag mo nga kong tingnan." supladong sabi nito.




"Ayaw!! Pogi mo kaya heheehhe." sabi ko at inilapit ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango niya kasi.



"Sh't" narinig kong bulong niya.




"Ethaaan diba di naman ako lasheng?" pacute ko sakaniya.




"Oo nalang, tss."




"Sabi ko na nga ba eh! Ba't nila pinipilit na lasheng ako."




"Nabaliw na." bulong nito.




"Ethaaaan, love mo ba ko?" malambing na tanong ko habang buhat niya pa rin ako. Naramdaman kong napahinto siya sa paglakad pero after ilang seconds ay naglakad uli.




"Ethaaan, sarap mo ikish hehshs" sabi ko uli.





"Elizabeth." mariing sabi nito. Natahimik naman ako dahil natakot.




"Ethaaan, ingat ka sha pagdadrive. Ayoko mamatay ka." sabi ko uli nang maramdamang nasa passenger seat na ako.




"I will." maikling sabi nito.




Nagulat naman ako nang ilapit niya sa akin ang mukha niya para ayusin sa akin ang seatbelt 'ko. Napatitig ako sa mukha niya. He is so handsome. Dahan dahan 'ko naman siyang hinalikan sa pisngi.



Dahil sa ginawa 'ko ay nakita 'ko ang sobrang gulat na mukha ni Ethan, "I love you." bulong ko at di namalayang nakatulog na.





----------






Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Napatingin ako sa paligid. I'm in my condo unit. Sino nga ba uling naghatid sa akin kahapon? Baka sila Olivia. Agad naman akong uminom ng maraming tubig at naghanda ng makakain. Napahawak ako sa ulo ko at napaisip.



Sana naman wala akong ginawang kalokohan kagabi.





Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now