Chapter 7:

1.1K 64 0
                                    

Elizabeth's



Napatingin ako kay Ethan na nakatingin sa'kin at nakikinig ng kwento 'ko. Tuwing umaga kasi ay lagi kaming magkasabay nagkakape ni Ethan. Nakasanayan na namin, at lagi akong pinipikon nito.




"What? Isang bote lang ininom mo noon?" di makapaniwalang sabi niya.


"Oo bakit?" walang ganang sabi ko.


"Oa naman ng alcohol tolerance mo. Akala mong isang case nainom."



Sinapok ko naman siya. Natawa naman siya. Pagkaubos ng kape ay napagdesisyunan na naming umalis. Ganto ang set up namin tuwing umaga. Nakwento niya nga rin pala sa akin na bukas na ang start ng gagawing malaking auditorium sa may likod ng school kaya magiging busy siya.



Ngiting ngiti naman ako habang papunta ng room. Napahinto naman ako nang may nakangiting lalaki na sumalubong sa akin.Nginitian ko ito pabalik at hinintay  na umalis ito sa harap ko pero hindi ito umalis.



"Uhm? Excuse me?" tanong ko.



"Ay sorry!! I'm Rafael!! Tayo magkapair sa project natin." sabi niya na parang nahiya.



"Ahh, I'm Elizabeth."




"I know!! You're famous here!!" sabi ni Rafael. Natawa nalang ako at nahihiya.





"Uhmm, by the way. Can I join you for lunch? Pagusapan natin yung about sa project?"




"Oh suree." sabi ko sakaniya at ngumiti. Napansin ko nung mga nakaraang araw ay nangingitian ko na rin ang mga lalaki.



Inaasar kasi ako ni Ethan na mukha daw akong pugong nakanguso pag nakasimangot. At napapansin kong nagiging rude na ako sa mga lalaki pag kinakausap ko sila habang nakasimangot.



Pagkatapos ng klase ay lumapit agad sa akin si Rafael at inaya ako canteen.


"Nako, mahirap hirap ang project." sabi niya sa akin.

"Kaya yan!" pagmomotivate 'ko sakaniya. Tumawa naman siya.



Nagorder na kami ng pagkain at naupo na. Nagkukwento lang siya sakin ng kung ano ano. Tawa lang ako nang tawa. Parang bano!





"Gusto mo?" sabi ni Rafael at abot sa akin ng cheese stick. Umoo naman ako at kumain. Nagthank you ako sakaniya.




"Sa linggo tayo magsimula sa project? Saan tayo?" tanong ko.




"Ikaw bahala."




Bigla naman akong napatingin sa may bandang likod. Nahagip ng mata ko si Ethan na naglalakad. Kakawayan 'ko na sana ito nang makitang may lumapit sakaniya na prof na maganda. Napataas naman bigla ang kilay 'ko.



"So, Elizabeth saan tayo?" sabi ni Rafael.


"Ha?" tanong 'ko habang nakatingin pa rin kanila Ethan at prof. Tila inaaninag ang ginagawa nila.



"Saan natin gagawin yung project?" he smiled.



"A-ah ano sa condo ko nalang. Mauna na ako ha, may bibilhin pa ako e." sabi ko naman at ngumiti pa sakanya bago umalis.



Pasimpleng lumapit naman ako sa may pwesto nila Ethan at kunwaring may bibilhin. Napansin ko namang napatingin sa akin si Ethan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Kala mo ha! Lalandi ka pa. May boyfriend ka nang Ethan ka.




Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now