Chapter 18:

990 50 0
                                    

Elizabeth's


Natapos ang ilang mga araw at ngayon na ang simula ng pagtayo ng Gomez' Indoor Waterpark. Sa mga ganitong panahon ay hinahayaan kong ang engineer muna ang mamahala at tumingin-tingin sa paggawa ng structure since trabaho niya naman talaga 'yon.



Oras ko lang bumisita kapag gawa na yung pinakabuilding at designing kemerut nalang.




Nasa mall naman ako ngayon at tumitingin tingin ng kung ano ano. Busy kasi yung tatlo kaya't 'di ko maaya. Ako naman nung nakaraan ang busy kaya't 'di rin kami makapagkita uli.




"Elizabeth?"




Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Medyo nagulat ngunit napangiti rin nang makita ang mommy ni Ethan at Olivia.




"Tita!!!" sabi ko at yakap kay tita.




"Anak!! I am so glad that you are fine now. Pinag-alala mo ko." sabi nito at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.



"Tita, pasensya na po nung nakaraan ha."



"Nako anak!! No worries. Wala sainyo ang may kasalanan sa nangyari. I'm glad that you're fully recovered!!"



"Salamat po."





"Uhm Elizabeth? Okay lang ba if I invite you for dinner. I missed you e!" nakangiting sabi ni tita.



Napatigil naman ako sandali at napaisip pero agad naman akong pumayag dahil ayoko namang tanggihan si tita. Pagkatapos magkamustahan ay nagpaalam na si tita at umalis. Doon lang mag sink in sa akin ang lahat. Baka magtaka si Ethan! Anong iisipin non? Gosh.




Pagkarating sa condo ay humanap agad ako ng maisusuot. Naisip ko rin na baka wala naman si Ethan sa bahay nila. At kung magtaka man siya ay di ko nalang papansinin. Duh, I'm his sister's bestfriend kaya.



Tinext ko si Olivia na pupunta ako sakanila. Excited naman si gaga. Magdala raw ako ng pantulog, doon daw ako matulog sakanila since wala siyang pasok kinabukasan.




Napagdesisyunan kong mag black top at denim maong skirt. Minessy bun ko naman ang buhok ko. Chineck ko muna ang sarili
ko sa salamin bago dumiretso sa kotse.



"Elizabeth!!!" excited na tawag sa akin ni Olivia nang makita akong kakababa lang sa kotse ko.




"Di halatang excited?" pangaasar ko. Napatingin ako sa bahay nila. Walang nagbago. Same awra.




"Elizabeth, nariyan ka na pala." sabi ni tita.




"Elizabeth, ikaw na ba yan? Mas gumaganda ha." pambobola nanaman ni tito. Natawa naman ako sakanila.



Umupo muna kami sa sala at doon napagdesisyunang magkamustahan.



"Elizabeth, kamusta naman sina kumare at kumpare?" pangangamusta ni tita.



"Nako po ayon, ganon pa rin po. Kahit nasa ibang bansa po ay puro pang filipino po ang niluluto." natatawang sabi ko.



"Nako si kumare talaga oh. Nakakamiss. Pwede ba kaming bumisita roon minsan."



"Oo naman po, matutuwa po sila."



Nagkukwento si tita nang marinig namin na may isang busina galing sa labas. Di ko nalang ito pinansin at nakinig sa kwento ni tita.



"I'm home."




Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang sa sala. It's Ethan. He is wearing a navy blue longsleever and black pants at may hawak siyang black bag sa kanang kamay.




Nakita kong napasulyap muna ito sa akin bago dumiretsong naglakad palapit kanila tita at tito para magmano. Pagkatapos magmano ay nakita 'kong pumanik ito sa taas.



"Let's eat dinner" masiglang sabi naman ni tita.




Pagkakain namin ng dinner ay hinila na ako ni Olivia sa kwarto niya. Nagpalit muna kami ng damit at nagkwento na siya about a guy, bwisit daw. Ang yabang at ang mapangasar daw. Sarap daw sapakin.




Natawa naman ako. Nanood lang kami ng kung ano anong palabas at napansin kong nakatulog na si Olivia. Bumaba naman ako nang mapansing nanunuyo ang lalamunan ko. I need water.




Pagkarating sa kusina ay napaatras ako nang makita si Ethan na nakasandal sa may stool, umiinom ng tubig habang nagcecellphone. Napaangat naman ang tingin niya nang mapansing may tao.



"A-ano kukuha l-lang ako ng tubig." nahihiyang sabi 'ko. Nakita kong nakatingin lang ito sa akin kaya't lalo akong nahiya.



Kumuha ako ng baso at isinalin ang tubig dito. Pagkaharap ko ay muntik na ako masamid. He is staring at me intently.



Pagkainom ko ng tubig ay ilalagay ko na sana sa lababo ang baso nang mapansing malapit siya rito. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa lababo at sakaniya.



Naamoy ko siya nang madaanan, ang bango halatang bagong ligo. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa pulsuhan ko.




"Elizabeth."




Napatingin ako sakaniya. Nakatitig lang siya sa akin at parang naguguluhan. Di ko napansin na napatitig din ako sakaniya, napansin kong lumambot ang tingin niya.



"Elizabeth, come back to me please."



Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon