Chapter 11

1K 51 1
                                    


Elizabeth's

Today is my first day in work. Hinihintay ko ngayon si Ethan dahil hahatid niya raw ako. Hindi kasi siya sa kompanya didiretso dahil may trabaho raw siya sa school namin dati. Yung auditorium, 'di pa kasi 'yon tapos.

"Are you nervous?"

"Sakto lang, i'm excited." nakangiting sabi 'ko.

He smiled, "good."

Nang maaninag ang malaking building ay doon lang ako kinabahan, sana maayos ang pakikitungo sa'kin ng mga magiging katrabaho 'ko.

"Goodluck, kaya mo 'yan." he smiled assuringly to me, kaya't nabawasan ang kaba sa akin.

Nakangiti akong pumasok sa building, pagkarating sa tamang floor ay sinalubong  ako ng maganda at sexy na babae.

"You're Elizabeth Labejo?" mabait na tanong niya. I noticed her accent, I bet she's from other country. Half filipina I guess? And she looks rich, may pagkasosyal din kasi ang pananalita.

"Yes po."


"I am Shane Rodriguez. The team leader of The Architecture Team. Welcome!!" ngiting bati niya.

So, lagi silang nagkakasama at usap ni Ethan? Parehas silang team leader. Infairness maganda toh ha tsaka sexy. Malaki pa ang hinaharap. Isinama niya ako sa magiging cubicle ko at napatingin kaming dalawa sa cellphone niya nang magring ito.


"Ethan?.............yes.........omg you're so funny...... .......sige lunch........hihi okay bye love you." sabi nito at humahagikgik. Napakunot ang noo 'ko, there is something weird on how she say the name 'ethan.' Kakaiba ang accent.


Nang mapansin niyang nakatingin ako sakaniya ay napangiti siya. "That's my boyfriend hihi."


Napalunok nalang ako at pilit na ngumiti. Is the Ethan that Maam Shane's talking about is my Ethan?! Humanda ka sakin Ethan pag nagkita tayo. 'Di pa nga tayo ay nagtwotwo time ka na? Napailing naman agad ako, baka ibang Ethan 'yon Elizabeth, chill.

Pagkauwi ko sa bahay ay napahiga agad ako sa kama. Grabe, nakakapagod. Napatingin ako sa phone ko nang makita ang text ni Ethan.


From: Ethan

How's your day? Call me.

Di ko ito pinansin at umirap nalang, nakakainis. 'Wag siyang sumabay sa pagod 'ko. 'Di pa rin ako makamove on sa i love you na yon!


Bigla namang pumasok sa isip ko na baka may gusto lang sakaniya si Maam Shane? Baka katulad lang toh sa mga napapanood ko sa mga korean novela? Baka tamang hinala lang ako?

Nagiisip pa ako nang kung ano ano nang biglang tumawag si Ethan.


"Oh? Napatawag ka?" mataray na tanong 'ko.


["Tss, sabi ko diba tumawag ka pag nakita mo yung message ko. You are hurting my feelings Elizabeth!!"] malokong sabi ni Ethan.



"Your girl is hurting my feelings too!!" inis na sabi ko at binabaan siya ng telepono. Nakita ko naman agad ang text siya sa akin.

From: Ethan

So you are hurting your own feelings? Gulo mo Elizabeth.


Natawa naman ako, ba't ganon? Kahit galit ako ay 'di ko mapigilang matawa sa lalaking 'to? Bumuntong hininga nalang ako at napagdesisyunan nang matulog dahil maaga pa ako bukas.


Kinabukasan ay nagulat ako nang ipatawag ako ni Maam Shane. Agad naman akong pumunta sa office nya dahil nakakahiya kung magpatagal pa ako.

"Pinapatawag niyo raw po ako?" nakangiting tanong ko.

"Oh yes!! May good news ako!!" tuwang tuwa na sabi sa akin ni Maam Shane.


"Ano po yon?"


"Someone requested you to design his house. Isn't it amazing."


Napangiti ako dahil sa tuwa. I can't believe gagawin ko na ang first project ko. At naexcite rin akong malaman kung sino ang nagrequest sa akin. 'Di ko tuloy mapigilang ngumiti nang malawak.

"Uhm may I know po kung sino?"

"It's Ethan!! My boyfriend." conyo na sabi niya.

Nawala bigla ang ngiti ko nang marinig yon. Napansin nya naman yon at nalungkot din siya. "Hey, what's wrong? I thought matutuwa ka?"


"A-ah opo masaya po ako maam." sabi ko at pilit na ngumiti. Nagpaalam naman ako sakaniya pagtapos.


Nang mag break time ay matamlay ako habang kumakain. Amg lungkot naman. Napaayos ako ng upo nang mapansing lumapit sa akin si Maam Shane habang nakangiti. She's really friendly.


"Taste this!!! Masarap yan!!" alok sa akin ni Maam Shane.

"Ay nakakahiya naman po Maam Shane."


"Nako, pag tayong dalawa lang ay Shane nalang ang itawag mo sa akin. Di ka na naman iba sa kin." sabi niya at tumawa. Nagtaka naman ako agad, 'hindi ka na naman iba sakin?' Umiling ako at kinalimutan ang sinabi ni maam.

Sinabi rin sa akin ni Maam Shane na maguusap daw kami ng boyfriend niya bukas para mapagusapan yung about sa bahay. 'Di ko naman napigilan na kabahan, mamaya 'ko makikita kung sino ang boyfriend niya. I hope it's not Ethan though.



Pagpunta ko sa condo ay naaubtan ko si Ethan doon na may dalang bulaklak. Nagulat naman ako at nagpigil ng ngiti.


"Kanina ka pa rito?" pilit na walang ganang tonong tanong ko.


"No, ngayon ngayon lang." he smiled.

Napatango naman ako at pinapasok siya sa loob, nagorder nalang kami ng pagkain, tinatamad kasi ako magluto.


"Magpapagawa ka na ng bahay?"

"Ha?"

"Wala." inis na sabi ko sakaniya. Napansin kong napaisip siya at napangiti na para bang may naisip at napailing bigla.


"Weird mo." sabi ko at inasar siya.


"Atleast gwapo." pabebeng sabi niya with baklang boses. Natawa naman ako sakanya dahil do'n.


"Uhm..see you nalang sa office ni miss Shane bukas? Humanda ka sa'kin." sabi ko sakaniya at sinamaan siya ng tingin. Halata namang nagtaka siya.


Doon tayo magtutuos kung sino talaga ang mahal mo sa aming dalawa!



"Nababaliw na ata ang baby ko." narinig kong bulong niya.

Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon