Chapter 16:

977 44 0
                                    

Elizabeth's



Dumating ang mga kasali sa meeting at agad naman itong pinangunahan ni Mr. Gomez. Pinakilala muna kami sa isa't isa. Nonsense rin na hindi ko sinabi ang pangalan ko kay Ethan. Nagexpect pa nga ako na mahihimatay ito pero wala, no reaction at all.


Natapos ang meeting, the week after next week daw kailangan yung designs and kailangang ipapaliwanag ko sa next meeting. Hindi ko ba alam kung mahihiya ako o ano. Basta!!


Sinimulan ko na ang pag gawa ng layouts. Gusto ko kasing marami akong magawa for more choices. Pinaliwanag na rin sa akin ni Mr. Gomez na gayahin ko lang din daw yung designs sa waterpark niya sa U.S pero gawin ko lang daw na may pagka Filipino Style.


Pagkatapos ng paggawa ay tinext ko ang mga bruha. Napanguso nalang ako nang sabihin nilang busy sila.


Si Maddie nasa trabaho, siyempre CEO siya kailangan ay hands on at lagi siyang nandoon. Si Olivia ay manager, kailangan niya ring bantayan ang mga co-workers niya.



Nagorder nalang uli ako ng pagkain at itinuon ang atensyon sa mga designs. Mas papagandahin ko 'to.



------


"These are the layouts and designs for the indoor waterpark. There are many choices for you to choose which is the best among of them. There are modern styles and classic styles." confident na sabi ko.


"Wow, impressive. Ang hirap pumili. Lahat magaganda." sabi ni Mr. Gomez habang tintingnan ang mga layouts. Napangiti naman ako.


Napasulyap naman ako kay Ethan na tinitingnan din ito. Wala siyang reaksyon.


"Di ako nagkamali na piliin ka." dagdag pa ni Mr. Gomez.



------

Pagkatapos ng meeting ay isa isa nang umaalis ang mga nandito sa meeting room.


"Architect, maiwan ka muna saglit. I will talk to you." nakangiting sabi ni Mr. Gomez.


Nakita ko namang sumulyap si Ethan sa amin at supladong itinaas ang kilay bago umiwas ang tingin.



"Sige po." sabi ko at nililigpit ang mga papel na inilabas ko kanina.



Napansin 'ko naman na umalis na ang lahat maliban sa akin, kay Mr. Gomez at kay Ethan.




"Engineer, what are you still doing here? Do you need something?" tanong sakaniya ni Mr. Gomez





"No, I believe sir that I need to be informed too about what are you gonna say to Architect since I am the engineer." seryosong sabi nito kay Mr. Gomez. Nakita ko naman napatawa si Mr. Gomez.




"Hmmm, oo nga naman." sabi naman ni Sir Gomez habang nakangisi.



"Sir Gomez ano po yung sasabihin niyo?" curious na tanong ko.



"Don't call me Sir Gomez, William nalang." sabi nito, tumango naman ako.




Napatingin naman ako kay Ethan na nakatingin sa ballpen na hawak niya at pinaglalaruan ito.




"Ah s-sige, William."




"I just want to say that I love your work. And since the engineer is here also, let's decide together kung alin ang pipiliin natin na design." sabi ni William.




"Isn't that your work?" mahinang bulong ni Ethan. Napatawa naman ako ng mahina, mukhang ako lang ang nakarinig at buti 'di narinig ni William. Loko talaga.




"Tara, let's have lunch together. Pagusapan natin ang about sa pagpili." nakangiting sabi ni Sir William. Wala kaming nagawa kundi pumayag.


-----



"So, you two are same with my age right?" sabi ni William.



"No"

"No"



Napalunok ako nang sabay naming sabihin ni Ethan ang salitang 'no' Putek!! Baka magtaka siya kung bakit ko alam.




"I am 2 years older sir." sabi naman ni Ethan.



"Oh I see, so may girlfriend ka na? Asawa?"




"I don't have a wife yet but I have a girlfriend."




Shoot. Bigla naman akong nalungkot. Oo nga naman, 5 years na ang nakalipas. Sino ba naman ang di maghahanap ng girlfriend lalo na't gwapo siya.





"Wow, that's great. Eh ikaw Architect? Do you have a boyfriend."




"Wala po." simpleng saad ko habang hinihiwa ang steak.




Napansin ko namang natahimik. "Kayo po ba? Meron?" pagtatopic ko. Natawa naman siya.



"Wala rin eh."



"Nako, sir tatanda kayong binata niyan."




"Ikaw rin tatandang dalaga." natatawang sabi nito.



Nagtatawanan kaming dalawa nang marinig namin ang padabog na baba ni Ethan ng utensils. Napahinto kami at napatingin sakaniya.



His eyes are dark. I can familiarize this kind of emotion that I am seeing right now, but I don't want to assume lalo na't nabanggit niya na may girlfriend siya.




"I need to go." sabi nito at dire diretsong umalis.






Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now