Chapter 5:

1.1K 59 14
                                    


Elizabeth's

Hindi ko na tiningnan ang natitira niyang ig story dahil sa gulat. Kaya ba hindi siya madaan ng ngiti ko? Kaya di siya maapektuhan ng titig ko? Nakakainis! Bakit ba ang manly niyang tingnan? Di ko nahalata! Ba't ba ako naiinis? Omg, am I having a crush with Ethan?


Kinabukasan ay matamlay akong pumasok. Napatingin naman ako kay Olivia na katabi 'ko sa canteen. Alam ba niya? Alam ba niya na ganon ang kuya niya?


Kaya ba nung tinanong ko kung may girlfriend ang kuya niya noong nagsleepover ako sakanila ay hindi ang sagot niya? Kasi may BOYFRIEND?


"Olivia." tawag ko sakaniya.

"Why, my dear?" tanong ni Olivia sa akin habang tinatanggal ang balot ng burger niya.



"Tara. Daylight's bar tayo mamaya."


------


"Omg, is this real? Is this real?"

Napasimangot ako. Kanina pa kasi kanta nang kanta si Maddison kasi sumama ako sakanila nang walang pilit. At ako pa daw nag yaya. Tuwang tuwa naman silang tatlo lalo na si Maddison.



"Anong nakain mo Liz? Bat naisipan mo magdaylight's?" curious na tanong ni Hazel.



"Wala, gusto ko lang mag enjoy. Malapit na graduation."


Tumango naman sila at mukhang nakumbinsi 'ko.


"Oh by the way, Nameet ko yung brother ni Olivia. He is so gwapo!" sabi ni Maddie. Palihim naman akong umirap. Nako, Maddison. Off limits na 'yan.



"Ay oo ako nameet ko din!! Siya pala ang engineer sa ipapatayong bagong auditorium ng school."


Napalingon naman ako sakaniya. Kaya pala parati kong nakikita si Ethan sa school?


Tahimik lang akong nakikinig sakanila sa pagkukwentuhan habang nakatingin sa labas ng kotse. Naguusap sila tungkol sa kagwapuhan ni Ethan Harrison Salves.


"May mas maganda akong chika!!" biglang sabi ni Olivia. Napatingin naman kaming lahat.


"Si Elizabeth! Interesado sakaniya!" dagdag nito.


"Hoy hind---"


"HOY WEH FIRST TIME TO!!!!" tuwang tuwa na sigaw ni Maddison.



"Alam niyo ba! Apura tanong 'yan sa akin about kay kuya. Ilang taon na daw ba, may girlfriend na daw ba and many many more" sabi ni Olivia habang tumatawa



"Nako, kailangan natin itong i-ig story!" sabi ni Hazel at itinaas ang cellphone, nagboomerang silang lahat. Kasama ako pero di ako nakingiti, at nakasimangot lang ako habang nakatingin sa bintana.



"Omg!! Finally!!" tuwang tuwang sabi ni Maddison habang papasok kami sa Daylight's.



"I'm so proud of you!!" sabi ni Hazel sabay yakap sa akin, napatawa nalang ako.



Pagkaupo namin sa upuan ay nakita 'kong nagorder na silang alak. At ayon na madami na talaga! As in! Pinicturean ko naman ito at pinost sa ig story with text na 'gonna drink hard tonight.'




Pagkatapos ay itinago ko na ang cellphone at nagsimula nang uminom. Napansin 'ko ang tingin nila nang makita akong dire-diretsong uminom.


"May problema ka ba Elizabeth?" nagaalalang tanong ni Olivia pero tumawa lang ako.


"Nako, lasing na." rinig kong sabi ni Hazel.



Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon