Chapter 2

77 7 3
                                    

Chapter 2

Nate Justine's Point of View

NANG talikuran ako ni Shakira ay sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong umupo siya sa isang sulok habang may pinagmamasdan. Sinundan ko naman ng tingin ang kanyang pinagmamasdan.

Isang chinese na mukhang manyakol!

"Tsk!"

Patuloy ko pa ring pinagmamasmadan si Shakira hanggang sa tumayo siya at lumapit sa manyakol na iyon. Umupo pa siya sa hita ng manyak na iyon!

Tumalim ang tingin ko kay Shakira na tila di naman napapansin ang titig ko sa kanya. Pero nagkakamali ako! Napatingin siya sa gawi ko at nagtitigan kami. Umiwas na lang ako ng tingin at umalis na lang doon, pumunta na lang ulit ako sa VIP Room para doon na lang uminom.

Maya maya ay narinig akong kaguluhan sa ibaba, nakita kong napapalibutan ng mga lalaking may armas si Shakira. Nakita ko ring nakabulagta na ang manyak na matandang iyon.

Bababa na sana ako at pupuntahan ang pwesto ni Shakira pero pinigilan ako ni Michael.

"Tumabi ka dyan, Michael!"

"Wag ka na lumapit doon! Madamay ka pa! Parating na ang mga Pulis!" Pasigaw na sabi ni Michael dahil sa maingay na paligid.

"Pero—," Di ko na natuloy pa ang sinasabi ko ng makita kong makipag-laban si Shakira sa mga lalaki.

"Wala nang pero-pero! Umalis na tayo dito!" Di ko na naintindihan pa ang mga sinabi ni Michael dahil natulala na ako kay Shakira.

Ang galing niyang makipaglaban! Lalo pang umusbong ang aking kagustuhang makilala siya. Hindi nga siya naapektuhan sa kagwapuhan ko, sa mga lalaking kaharap pa kaya niya ngayon siya maapektuhan? No, I don't think so.

Shakira Joyce Rodriguez, you caught my attention.

Nang mahila ako ni Michael, ay nagpatianod na lang ako. Na kay Shakira pa rin naglalakbay ang isip ko, kung paano ko makukuha ang atensyon niya.

Lumayo na ang mga tao sa bar, para hindi madamay. Nawala ang kalasingan ng lahat, tila bumalik ang diwa nila dahil sa nangyari.  Rinig pa din dito ang putukan ng baril, kaya nandoon pa rin ang pagpapanic ng lahat.

Hanggang sa nakarinig na kami ng sirena ng mga Pulis. Kaya doon napanatag ang lahat, at kami namang magpipinsan ay umalis na lang sa lugar na iyon.

Si Shakira pa rin ang nasa isip ko, kung paano siya makipaglaban. At kung maayos lang ba siya at di nasaktan. Kaya ang ginawa ko ay inikot ko ang aking sasakyan sa bar, nakita ko doon nakita si Shakira may katabing babae, pareho silang nakarap sa dalawang lalaki. Nang makita kong maayos ang lagay ni Shakira ay dumiretso na ako ng uwi.

Bakit ba ako umikot doon?

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako ng kwarto, humiga muna ako ng ilang minuto saka ako naligo. Inabot din ng 20 minutes ang pagligo. Nagbihis na ako ng komportableng damit.

Humiga na ako sa aking kama saka kinuha ang aking cellphone, at tinawagan ang aking bestfriend para i-kwento sa kanya ang nangyari kanina.




Shakira Joyce's Point of View

PAGKADATING ko sa bahay ay naligo na ako agad at nagpalit ng pantalon at maayos na blouse dahil makikipagkita pa ako kay Natnat.

Nang maayos na ako ay umalis na ako sa bahay namin at sumakay sa aking sasakyan para puntahan si Natnat sa restaurant kung saan niya ako hinihintay.

"Sorry I'm late, Nat." Bungad ko kay Nat atsaka hinalikan ang kanyang pisnge.

"It's okay, Sj." Sabi ni Nat. Sj ang tawag niya sa akin dahil para sa kanya masyadong mahaba ang Shakira.

"No. I feel bad." Sagot ko kay Nat.

"I mean it. It's okay. I understand your job. And I love you. Hmm?" Marahang sabi sa akin ni Nat, hinawakan ni Nat ang aking pisnge at ngumiti ng ngiting nagsasabing naiintindihan niya ang lahat.

I'm really lucky to have this girl. Natalie Perez, my girlfriend.

"I love you too." Sabi ko kay Nat ng puno ng lambing.

Isang taon at kalahati na ang relasyon namin ni Natalie at hanggang ngayon ay di namin pinapaalam ang relasyon namin sa aming magulang. Ayaw lang namin ipaalam.

"Let's order?" Sabi sa akin ni Nat.

"Yeah."

Habang inaantay namin ang aming pagkain ay kinuwento ko sa kanya ang nangyaring aksidente kanina, ang pagbunggo ng lalaking iyon sa kotse ko.

Sinabi ko sa kanyang nagkita kami nung lalaking iyon habang ginagawa ko ang misyon ko. Alam ni Nat na isa akong Pulis, pero hindi niya alam na isa akong secret agent ng gobyerno.

Narinig ko namang may tumawag sa kanya. Sinagot naman ni Nat ang tawag.

"Hello, Justine?"

Kausap niya ngayon si Justine, ang bestfriend niya. Hindi ko pa nakikita si Justine dahil sa masyado kaming busy ni Nat. Hindi rin ako nakakaramdam ng selos kay Justine dahil alam kong wala silang interes sa isa't isa.

Hindi ko na lang pinansin ang tawag ni Nat, dahil alam ko namang privacy niya iyon. Tinignan ko na lang muna ang aking cellphone, binuksan ko ang aking mga social media account at chineck kung may bago ba doon. Ngunit wala akong nakitang bago kaya binaba ko na lang ulit ang phone ko.

Narinig ko namang tumawa si Nat kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Tumititig sa akin si Nat, at tumawa muli. Kaya binigyan ko siyang nagtatakang tingin.

Pagkababa ni Nat sa cellphone niya, ay agad ko siyang tinanong.

"Bakit ka tumatawa?"

"Feeling ko, nagkita na kayo ni Justine." Tatawa tawang sabi niya.

"Huh? Kailan?"

"Ang nakabangga ba sa kotse mo kanina ay lalaking matangkad, may dimples, at may itsura?" Tanong sa akin ni Nat tungkol sa lalaking nakabangga sa kotse ko.

Inalala ko naman ang mukha ng nakabangga ng kotse ko.

"Ah Oo, ganon yung itsura."

"Si Justine 'yon!" Sabi ni Nat at tumawa.

"Yung mayabang na 'yon! Yun ang bestfriend mo!" Gulat kong sabi kay Nat.

"Oo, si Justine 'yon. Tumawag si Justine para i-kwento ang parehas na kwento na kinuwento mo."

"Bakit siya pa ang naging kaibigan mo? Psh!" Umirap pa ako pero tawa lang ang sinagot sa akin ni Nat.

Patuloy pa rin ang tawa ni Nat, tumigil lang nung dumating na ang pagkain na in-order namin.

"Kumain ka na, wag ka ng tumawa dyan." Sabi ko kay Nat.

"Natatawa pa rin ako pero, kakain na ako. Stop na ako." Sagot ni Nat sa akin.

Kumain naman kami ng payapa. Pagkatapos naming kumain ay binayaran ko na ang bills namin at hinatid ko na pauwi si Nat.

"Bye. Ingat ka ha. I love you." Paalam sa akin ni Nat.

"Opo. I love you too. Pumasok ka na." Hinintay ko namang pumasok si Nat bago umuwi ng bahay.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now