Chapter 33

26 2 0
                                    

Chapter 33

Shakira Joyce

KAHIT alam kong masamang nagmamadali sa harap ng pagkain ay alam kong ring nagmamadali si Nj. Ito na lang ang magagawa ko sa kanya ngayong araw dahil hindi ko na itatanggi ay napasaya niya ako ngayong araw.

"I'm done." Sabi ko at inilapag ng maayos ang baso ng halo halo.

"That fast?" Hindi makapaniwalang sambit ni Nj.

"Yeah. Nagmamadali ka diba? Bilisan mo na rin dyan." Sabi ko naman kay Nj at binuksan ang bottled water para uminom ng tubig.

"Okay, wait for me. Mabilis na lang ito." At mabilis nga natapos si Nj. Pagkatapos niya ay tumayo na kami at dumiretso sa parking lot.

Sumakay na kami sa sasakyan, ako na ang nagkabit ng seatbelt ko para hindi na kamj tumagal. "Wag mo na akong ihatid sa bahay. I can manage naman. Dumiretso ka na sa pupuntahan mo." Sabi ko kay Nj pero hindi siya sumagot.

Hinihintay ko siyang sabihin na ibaba na niya ako ngunit wala. Hindi rin ito ang daan papunta sa bahay namin. At halos trenta minutos na rin kaming nasa byahe.

"Nj, where are we going?" Tanong ko kay Nj habang tinitignan ang daan na tinatahak namin. Pero hindi ako sinagot ni Nj. Nanatili na lang akong tahimik hanggang sa pumasok kami sa isang parking lot.

Mabilis na pinark ni Nj ang sasakyan at bumaba. Sumunod ako sa kanya at inoobserbahan ko na ang paligid.

Kasama pa ito sa date namin ni Nj! Nasa isang concert hall kami ngayon ngunit hindi ko alam kung sino ang magpe-perform. "Nj, sino ang magpe-perform?"

"Baby, it's a secret." Pumasok na kami sa loob ng concert hall at naglakad. Napansin kong sa V.I.P. Area itong lugar na ito.

"Nate!" Tawag ng isang lalaki kay Nj. Lumingon kami at napangiti naman si Nj.

"Chris! Mamaya ha!" Sabi ni Nj at ngumiti naman ang lalaking tinawag niyang Chris.

"Siya ba yung nililigawan mo? The happy-go-lucky Dela Vega is now courting a woman huh?" Sabi ng lalaki at tumingin naman sa akin. "Pahirapan mo si Nate ah!" Ngumiti ako bilang sagot sa lalaki. "Una na ako, busy ako masyado." Sabi ng lalaki at kumaway bago umalis.

Naglakad na kami ni Nj papunta sa V.I.P. Standing Area, pumwesto kami sa malapit sa stage at naghintay.

"Let's welcome Ben&Ben!" Napatingin ako kay Nj dahil doon. Kaya pala niya ako tinanong tungkol sa Ben&Ben dahil may plano.

Sinimulang tugtugin ng banda ang bago nilang kantang Lifetime. Sumasabay ako sa pagkanta nila. After nilang iperform ang kantang iyon ay nagpakilala isa isa ang banda.

Nagpatuloy ang pagtugtog hanggang sa umalis sa stage ang banda para sa fan events. "Baby, C.R. lang ako." Sabi sa akin ni Nj na lumapit pa para mapakinggan ko. Mahirao makarinig dahil sa lakas ng sigaw ng mga tao sa concert hall na ito.

Lumabas muli ang Ben&Ben at nagsimulang tumugtog ng paborito kong kanta. Wala pa rin si Nj kaya nasasayangan ako.

Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, oh, mahiwaga

Sumasabay ako sa pagkanta nila at ninanamnam ang bawat lyrico na lumalabas sa bibig nila.

Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?

Kay tagal ko nang nag-iisa
And'yan ka lang pala

Patuloy lang ako sa pagsabay sa pagkanta nila. Ngunit wala pa rin si Nj, kaya lumilingon lingon na ako. Baka naman ay hindi na ako mahanap ng lalaking iyon?

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw

Narinig ko ang pamilyar na boses ni Nj kaya napalingon ako muli sa stage. Nakita ko doon si Nj, nakatitig sa akin habang kinakanta ang mga linya na iyan.

Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin

Pagpapatuloy ni Nj sa pagkanta niya, mariin pa ring nakatitig siya sa akin. Nagsisimula nang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang kasunod na chorus ay kinanta na ng Ben&Ben. Nagpatuloy sila sa pagkanta na dinu-duet nila.

"Palakpakan natin si Nate Dela Vega!" Sabi ng isa sa mga bokalista ng banda at nagsitilian naman ang mga kababaihan kay Nj.

Bumaba naman sa stage si Nj at hinarap ako. "Do you like my surprise?" Tanong niya sa akin habang nakangiti. Kinunotan ko siya ng noo. "I don't like it —," pinutol ni Nj ang sasabihin ko.

"W-Why? You d-don't l-like it?"

"Because I love it." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Tila naman nawala ang pasan ni Nj noong marinig niya ang sinabi ko.

In-enjoy namin ang concert ng Ben&Ben hanggang sa ito ay matapos. "Did you enjoy our date?" Tanong ni Nj, nandito na kami sa sasakyan at tinatahak ang bahay pauwi.

"I enjoyed it. Thank you for today, Nj." Sinsero kong sabi at ngumito pa sa kanya. Lumingon sa akin si Nj at sinuklian ang ngiting binigay ko. Tahimik na kaming bumyahe hanggang sa makarating kami sa bahay.

Inalalayan akong bumaba ni Nj sa sasakyan niya na hindi na bago para sa akin. "Salamat Nj. Mag-ingat ka sa byahe." Sabi ko kay Nj at naglakad na papunta sa gate.

Hindi pa ako nakakalayo kay Nj nang hilahin niya ako pabalik at nasalubong ko ang matitipunong braso niya. "Baby, thank you so much for today. You made me so damn happy. I love you." Mas humigpit ang yakap ni Nj sa akin at unti unti ko namang niyayakap rin siya pabalik. "Napasaya mo rin ako, Nj. Maraming salamat. Mag-ingat ka sa byahe, okay?" Malambing kong sambit kay Nj.

Kumalas na siya sa pagkakayakap, sinenyasan ko siyang sumakay na ng kotse na nang may naalala ako. "Nj." Tawag ko sa pangalan niya.

Humarap sa akin si Nj at inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa, at hinalikan ko siya sa pisnge. Naestatwa si Nj kaya ginamit ko iyong chance para tumakbo at pumasok na sa bahay namin.

Pagkasara ko ng pinto ay sumandal ako doon at napahawak sa labi ko. "Why did I do that? Masyadong pa-teen ager ka, Shakira! Bente syete anyos ka na!" Pagsasalita ko habang nakatingin sa kawalan. Maya maya pa ay may namumuong ngiti na sa aking labi.

to be continued.

Note: I dedicate this Chapter to my Siomai. He really love listening to Ben&Ben. I picked that song Araw-Araw because it reminds me of you and my letter hehe

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now