Chapter 22

27 2 0
                                    

Chapter 22

Shakira Joyce

HINDI ko na pinansin ang sinabi ni Natalie dahil sa tingin ko ay wala namang kinalaman iyon sa akin.

Nakasalubong ko ang lalaking kausap ni Natalie kanina sa opisina niya na tinawag niyang 'Z'. Tumigil ako sa harapan ng lalaki at matiim siyang tinitigan bago magsalita. "I know the two of you are hiding something from me. But I still respect Natalie, so if ever I can't protect her please protect her from me. She said that you like her, I believed that observing from your actions. I also know that you are not her bodyguard. If that secret will break me, I better know it sooner. But for the mean time, I'll respect my Natalie's decision." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil umalis na ako.

Habang nagd-drive ako papuntang HQ ay hindi ko mapigilang isipin si Natalie. The last few week, actions of Natalie are getting weirder. Specially kanina, she said those sweet things out of nowhere.

Kating kati na rin akong malaman kung anong meron sa kanila nung lalaking iyon dahil nagtatago na si Natalie sa akin na hindi normal. Kahit nga ang mga desisyon niya sa restaurant niya ay alam ko eh. Kahit na gustong gusto ko nang malaman ay hihintayin kong sabihin iyon sa akin ni Natalie. Hihintayin kong siya mismo ang mag-open up sa akin kahit pa kayang kaya ko nang malaman ang mga impormasyon na iyon ngayon.

Nakarating naman ako ng ligtas sa HQ kahit kung saan saan lumalakbay ang aking isipan. Pagkababa ko ay kinuha ko ang ID ko para makilala ako nang mga nandoon. Sa unang palapag dahil nandoon ang mga pangkaraniwang pulis ngunit may matataas na posisyon. Sa ibaba ng prisintong ito ay nandoon na ang HQ.

Dumiretso na ako sa tagong elevator dito sa presinto. May scanner ito para malaman kung sino ang papasok doon.  Sumakay na ako pababa. Pagbungad ko ay nandoon si Aella o si Myanmar. "OMG! AFRICA BABES!" Tili ni Myanmar nang makita ako sa elevator. Padaan kasi siya nang makita ako.

"Myanmar!" Bati ko kay Aella.

"Punta ka kay Russia? Sabay na ako!" Sabi ni Myanmar sa akin at inakay ako papunta sa opisina ni Russia.

"Russia Honey!" Bati ni Aella kay Russia na tinanguan ni Russia.

"Africa, you have a mission in Italy. You will be there for One Month. You can't go back to the Philippines unless you have my signal kahit pa two weeks mo pa lang doon ay tapos mo na ang misyon mo kailangan mo pa ring mag-stay doon ng isang buwan." Sabi sa akin ni Russia.

"Why? May kumpanya akong maiiwan dito Russia." Sambit ko kay Russia ngunit nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya.

"Orders from the above." Yun lang ang sinabi ni Russia ngunit alam ko na ang meaning non. "Aalis ka na sa isang araw. Settle all your business because you will be out for a month." Yun lamang ang sinabi ni Russia at bumaling na siya kay Aella.

'Orders from the above' ibigsabihin ay wala kang magagawa kundi ang sumunod sa sasabihin nila.

Kinausap naman ni Russia si Myanmar at may misyon din si Myanmar ang akala ko ay magkasama kami sa misyon iyon pala ay makikita ko na lang ang kasama ko sa misyon doon sa Italy. Ang misyon ni Myanmar ay dito lang sa Pilipinas.

After ng meeting namin kasama si Russia ay napagdesisyonan naming kumain sa isang restaurant para sa dinner.

"Babes, nagtatampo ako. Antagal na pala nating di naguusap. Kamusta kayo ni Natalie?" Pang-uusisa ni Aella sa lovelife ko.

"I think may tinatago siya sa akin, it's just that gusto kong malaman na hindi? Nakukuha mo ako." Pagk-kwento ko kay Aella.

"Babes, sa tingin ko nature mo na yan. You don't want to pry things to people. Kung ano ang napansin mo, sasabihin mo, pero hindi ka magpipilit na magkwento ang tao dahil hahayaan mo siyang magkwento sayo. Pero ang actions mo na yan ay para sa mga kaibigan mo, di ko alam na pati pala sa girlfriend mo ganyan ka din. Parang kung makaasta ka ngayon ay mag-bestfriend kayo pero naghahalikan," Napatawa si Aella sa huling sinabi niya, "Hindi ka ba nakakaramdam ng selos?" Nagtataka ngunit nandoon pa rin sa boses niya ang pagpipigil ng tawa. Umiling ako bago sumagot sa kanya.

"Uhm.. Oo ata? Nakaramdam na ako." Mahinang sagot ko kay Aella.

"Wow! Sino naman pinagselosan mo? Dikit ng dikit ba kay Natalie?" May paghanga sa tinig ni Aella sa inamin ko.

"Uh.. Hindi kay Natalie. It feels weird, i don't know kung selos ba talaga iyon pero kasi nanggigigil ako nung maramdaman ko 'yon." Sambit ko.

"What the actual fuck, Shakira Joyce! Don't tell me you're cheating on Natalie?! What the fuck?! Bro, I don't tolerate cheaters." Seryosong sambit ni Aella.

"'Di ko nga alam kung bakit ko naramdaman 'yun eh. Tsaka I'm not cheating on her!" Depensa ko kay Aella na matiim na nakatitig sa akin.

"You better be sure, Shakira Joyce! Kundi ikakadena at bubogbugin kita." Banta ni Aella sa akin.

"Let's eat, nagutom ako sayo! Letche ka!" Sambit ni Aella at nagorder ng makakain namin.

Habang kumakain kami ay nagk-kwento si Aella tungkol doon sa lalaking nakasalubong niya na sobrang pogi daw.

"Babes! Kinikilig ang every cells sa katawan ko! Grabe yung tangos ng ilong niya, fren! Di ko keri!" Kinikilig na kwento sa akin ni Aella. Tumawa ako bilang sagot ko sa kanya. Nabaliw na naman itong kaibigan kong mahilig sa gwapo.

Ang pagkain namin na may kasamang kwentuhan ay umabot ng dalawa at kalahating oras kaya nakauwi ako ng gabing gabi na.

Madilim na sa bahay kaya dumiretso na ako sa taas papunta sa kwarto. Naglinis ng katawan at nahiga na sa kama.

Hindi ko mapigilang mapaisip sa sinabi ni Russia. Sobrang weird 'non. Bakit ayaw niya akong payagan umuwi kahit maaga ko natapos ang misyon ko? At sino ang magiging kapartner ko? Kakaunti lang ang kilala ko sa HQ ng Italy dahil hindi naman ako roon palaging nagagawi. Sana naman ay kilala ko ang makakasama ko.

Iniisip ko rin si Natalie. Iniisip ko kung bakit siya nagtatago sa akin? Masyado bang sikereto iyon at bawal mismo malaman ng girlfriend niya? Ganon ba 'yon? Hindi ko rin mapigilang isipin ang lalaking palaging kasama ni Natalie, alam kong hindi niya bodyguard iyon. Sa ganda ng pananamit, I doubt.

Bodyguard pero ang tatak ng suit ay Brioni? Napakamahal naman ng guard na iyon at tila nakakabili ng mamahaling brand ng suit.

Gusto ko malaman kung ano ang koneksyon ng lalaking iyon kay Natalie? Ano ang tinatago nila? Pero kahit ganoon ay mas tumitimbang sa akin na huwag mangialam.

Ipinikit ko na ang mata ko nagbabakasakaling makatulog pero kahit anong ikot ko sa kama ay wala pa rin. Pumasok sa isip ko ang mukha ni Nj at ang init ng pagyakap niya. Dahil doon ay nakatulog agad ako.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now