Chapter 6

32 3 0
                                    

Chapter 6

Shakira Joyce

"MISS Rodriguez, malapit na po magsimula ang meeting." Tawag sa akin ni Kyla.

"Okay, I'm coming."

Nang makapasok ako sa conference room ay agad akong umupo sa designated seat ko. Ako ang unang tao doon sa room na iyon.

Bumukas ang pinto at nilingon ko ang pumasok. Isang lalaking matangkad ang pumasok. Lalaking pamilyar ang mukha sa akin. Lumingon siya sa gawi ko at bahagya pa ng nagulat na nandoon ako.

Anak ako ng may-ari, syempre nandito ako.

Nagkatitigan kami ng sandali pero siya ang unang umiwas. Di ko na lang siya pinansin at tinuon ang atensyon sa mga files na binabasa ko.

"Joy— I mean, Miss Rodriguez." Salita ni Nj bigla.

"Yes, Mr. Dela Vega?"

"About what happened last—," pinutol ko ang anumang sasabihin niya sa akin.

"Oh, about that day? I'm trully sorry for offending you. I didn't meant anything. I was just shock because no one did that to me. Yung pagkuha mo sa cellphone ko, kaya nasabi ko yun. I'm really sorry." Sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti. Natulala naman siya at ipinagtaka ko.

"Y-you s-smiled." Nauutal niyang sambit.

"So what?"

"Damn. About your—," Naputol na naman ang sasabihin niya ng sunod sunod ng pumasok ang iba pang kliyente at huling pumasok si Daddy. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Shall we start the meeting?" Tanong ni Daddy ng may ngiti at sinenyas na maupo kami.

Nagpresent naman ang mga Architects ng kumpanya namin. Pumili ang mga kliyente doon kung ano ang magugustuhan nila.

"Mr. Rodriguez, your daughter is an Engineer, right?" Rinig kong tanong ni Mr. Vagas kay Daddy. Si Mr. Vagas o Mr. Jack Vagas ay 30 years old na business man, single din ito. May ari siya ng isang sikat na Appliances Company.

"Oh yes. My daughter is a licensed engineer." May pagmamalaki sa boses ni Daddy ng sagutin niya ang tanong ni Mr. Vagas.

"Can Miss Rodriguez be my Engineer in our project?" May ngiting tanong ni Mr. Vagas kay Daddy.

"I'm not really sad to say, Mr. Vagas. But Miss Rodriguez is my Engineer. She is the assigned Engineer in my project." Singit ni Nj sa usapan ni Mr. Vagas at Daddy

Napatingin naman ako kay Daddy, nagtatanong ang mga tingin ko tila nagtatanong kung totoo ba ang sinambit ng lalaking nasa harapan ko.

"I'm sorry, Mr. Vagas. But Mr. Dela Vega requested a week ago about the assigned Engineer in his project. He requested for my daughter, and I said yes already. We have many excellent engineers here in our company. I'll give you the list of the best ones." Tugon ni Daddy. Na tila sinasagot ang mga katanungan sa aking isipan.

"That's sad. But it's okay." Sagot ni Mr. Vagas kay Daddy.

Napalingon ako sa gawi ni Nj, nakita kong masama ang tingin niya kay Mr. Vagas. Di ko na lang siya pinansin at tinuon ang atensyon sa mga request ng mga kliyente. Nag-notes ako ng mga pangunahing hiling nila, at may pagkakapareho sila.

Ang matibay na pagkakagawa ng kanilang projects.

Natapos ang meeting at naiwan kami ni Daddy, Nj, at ako sa conference room.

"Daddy, bakit di mo sinabi na magiging Engineer ako sa project ni Mr. Dela Vega?"

"Nalimutan ko kasi, anak. Tapos hindi pa kita nakikita dahil gabi ka na kung umuwi, tanghali kung magising." Dahilan ni Daddy. Hindi ri Tama rin siya na gabi na ako nakakauwi, at tanghali na rin ako nagigising.

"Mr. Rodriguez, can I talk to Joyce for awhile?" Tanong ni Nj kay Daddy.

"Yeah, sure. I'll go to my office now to sign some papers." Sabi ni Daddy ng may ngiti at umalis ng Conference room.

"Joyce, I wanted to say sorry. For acting that way. Hindi rin ako sanay na hindi ako pinapansin. Bakit mo ba ako hindi pinapansin nung araw na 'yon?" Tanong ni Nj. Naiintindihan ko ang paliwanag niya.

"Uhm.. wala lang, gusto ko lang manahimik at hindi ka pansinin. At hindi pa naman tayo ganoon kaclose para kwentuhan kita." Sabi ko sa kanya. Nagdilim naman bigla ang mukha ni Nj.

Anong mayroon?

"So trip mo lang 'yon? Alam mo bang hindi maganda ang ginawa mo? Dapat binibigyan ka ng parusa." Mariin na pagkakasabi ni Nj.

May nakita akong emosyon sa kanyang mata na hindi ko mawari kung ano iyon. Unti unti siyang lumapit sa akin. Hindi naman ako umatras, tinitigan ko lang siya ng diretso sa mata at binabasa ang kanyang susunod na gagawin. Napakalapit niya sa akin. Isang hakbang mawawala na ang personal space namin.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

"Hmm? Giving you a punishment." Ngumisi ang loko! Iba ang pakiramdam ko sa gagawin niya.

Sinubukan kong umalis, pero hinawakan niya ang bewang ko at lalo kaming naglapit ng katawan. Tila nawala ang lakas ko sa pagkabigla.

Napaawang ang labi ko sa gulat at ginamit niya iyong tsansa para paglapitin ang aming labi.

Gumalaw ang labi niya at doon na ako natauhan. Tinuhod ko siya sa where-it-hurts-the-most nabitawan niya ako at agad naman akong lumabas sa conference room, dumiretso ako sa aking opisina.

"Shit! Shit! Fuck! Fuck! Damn!" Pabalik balik ako habang ginugulo ang buhok ko. Narinig kong tumunog ang cellphone ko, nakita kong tumatawag si Natnat.

"H-hello, Natnat?" Damn! Bakit kailangan mautal?

"Sj! Tapos na ba ang meeting niyo?" Nat sweetly asked.

"Yes, tapos na siya."

"Yey! Okay! Magkita na lang tayo sa restaurant ha! I love you!" Nat cheerfully said.

"Papunta na ako. Love you too." Pagkasabi ko non ay in-end ko kaagad ang call. Inaayos ko naman ang gamit ko atsaka lumabas. Sinalubong ako ni Kyla.

"Miss Rodriguez—,"

"Kyla, tell daddy that I'm going somewhere."

"But Miss, Mr. Rodriguez said that you should not go to the precinct."

"Kyla, I'm not going to the precinct. I'm meeting Natalie. Tell that to Daddy. Ikaw na muna ang bahala dito. Tawagan mo na lang ako kapag may emergency akong gagawin." Pagkasabi ko non ay hindi ko na siya hinayaang magdahilan dahil umalis na ako at sumakay sa elevator.

Sa kasaamaang palad ay nakasabay ko pa ang isang magnanakaw.

"Joyce! Why did you do that?!" Nj hissed.

"Bagay lang iyon sayo. Bakit mo naman ako hinalikan ha?" Masungit ko sabi.

"That's your punishment for ignoring me that day!" Inirapan ko muna siya bago sumagot.

"Punishment? Punishment?! Are fucking kidding me? So what kung di kita pinansin nung araw na yon? Desisyon ko yon, okay?" Mas nilamigan ko pa ang boses ko ng sabihin ko ang mga iyon.

Tinitigan niya lang ako hanggang sa magbukas ang elevator sa parking lot. Iniwan ko agad siya sa elevator. Pinatunog ko ang kotse ko saka agad na sumakay.

Bwiset na magnanakaw na iyon!

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now