Chapter 14

29 2 0
                                    

Chapter 14

Shakira Joyce

BAKIT kailangan ako pa ang magbabantay kay Nj? Pwede namang ibang tao o kaya yung pinsan niya, tsk. Dapat ako na lang ang pinagbantay kay Natnat. Namimiss ko na si Natnat.

Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Natnat, mas nagkikita pa kami ng bestfriend niya. Paano ba naman kasi, papasok ako sa kumpanya tapos didiretso ako sa HQ para kay Nj dahil kargo ko ang nangyari sa kanya tapos may naging misyon pa ako sa Cebu ng tatlong araw dahil namataan doon si Jef Tores, nakatakas kasi ang hinayupak pagka-baril niya kay Nj. Hindi siya nahabol ng mga back-up namin sapagkat mukhang alam niya ang pasikot-sikot ng event hall.

PANGATLONG araw ko na dito sa Cebu at naglalakad ako ngayon sa isang baryo dito dahil daw sa baryo na ito nagtatago si Jef Tores. Dahan dahan akong naglakad dahil nakita ko na siya, papasok sa bahay niya.

Huli ka na, Jef Tores.

Hinintay ko mag-gabi bago ko pasukin ang bahay niya. Dahan dahan akong pumasok sa kwartong inookupa lalapitan ko na sana siya ng biglang gumawa ng ingay ang bintana niya dahilan upang siya ay magising.

"Pvtangina! Sabi na nga ba at masusundan niyo ako dito!" Nawala ang pagka-antok ni Tores at biglang sumigaw. Inatake ko na siya agad, mabilis din siyang umilag sa atake ko.

"Ikaw! Ikaw ang may dahilan kung bakit nabaril si Nj! Ikaw!" Gigil ko sigaw sa kanya habang patuloy pa rin ang pag-atake ko.

"Hindi ako ang bumaril sa kanya!" Sigaw pabalik ni Jef Tores.

"Pero ikaw ang dahilan!" Si Nj lang ang nasa isip ko sa ngayon at ang pagkakabaril niya.

"Puro ka doon sa lalaking nabaril na hindi naman ako ang bumaril, ni hindi mo nga binanggit ang mga nagawa ko doon sa babae mo!" Nakangising pahayag ni Jef Tores. Natigilan ako doon at ginamit niyang tyansa iyon para makatakbo sa akin. F

Fvck!

Hinabol ko agad si Jef Tores at nang nakita kong malapit lapit na siya sa akin ay binunot ko ang baril ko na may silencer at binaril siya sa binti at dahil doon ay nadapa siya. Wala na akong choice kundi barilin siya kahit ayaw ko pero ginalit niya ako kaya ko nagawa. Kaagad ko siyang pinosasan at pinatayo.

Hila-hila ko siya papunta sa sasakyan ko para dumiretso sa sasakyan ko. Narinig kong tumatawa si Jef, "Anong nakakatawa? Natutuwa ka bang nahuli kita." Malamig kong sabi sa kanya.

"Wala na akong pake kung nahuli ako. Sayo ako natatawa. Naging halimaw ka ng sinampal ko iyong babae mo pero ni hindi mo siya binanggit habang inaatake mo ako kanina at puro iyong lalaking nabaril pero hindi ako ang bumari, nakukuha mo ang punto ko, babae? Sino ba talaga ang mahal mo sa kanila? Nakakatuwa kang babae ka." Patawa-tawang sambit ni Jef Tores.

"Ang dami mong dada." Naiinis kong sabi at pinisil ang kanyang leeg para mawalan siya ng malay. Buti na lang ay nakaupo na siya ng banggitin niya ang mga katagang iyon.

Tsk. Masyadong madaldal. Kung hindi lang ito kailangan na buhay ay kanina ko pa tinapos ang buhay niya.

HANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Tores. Natamaan ako sa sinabi niya. Ni isang beses ay hindi ko nabanggit si Natalie.

"Sino ba talaga ang mahal mo sa kanila?"

Paulit-ulit na naririnig ko ang boses ni Tores, na para bang sirang plaka.

Si Natalie ang mahal ko! Putangina!

Oo, tama, Si Natalie ang mahal mo Shakira. Bakit mo naman mamahalin si Nj? Isang mayabang na lalaki iyon.

Pero siya ang nagligtas ng buhay ko.

Shit. Concern lang siya sa akin, okay? Naiirita ako sa mga naiisip ko. Si Natalie ang mahal ko at siya lang. Bakit ko ba tinatanong sa sarili ko ito? Si Natalie ang mahal ko. Si Nj ang sinasabi ko dahil siya ang napuruhan sa engkwentro na iyon. Tama.

Dumiretso ako sa restaurant ni Natalie dahil alam kong nandoon pa siya. Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa office ni Natalie.

"Natnat!" Tawag ko kay Natnat pagkabukas ko ng office ni Natalie ay may kausap itong lalaki. Matangkad ito, maganda ang pangangatawan ngunit mas maganda pa rin ang kay Nj, at naka-business attire.

"You have no choice." Dinig kong sabi ng lalaki kay Natnat. Ang mukha naman ni Natnat ay tila nauubusan na ng pasensya.

"Nat, sino siya?" Kalmadong tanong ko kay Natnat.

"Ooh! The lover." Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko lalaking ito.

"The hell you care?" Nakataas kilay na tanong ko sa lalaki.

"Zion, pwede ba?! Umalis ka na lang muna. Nandito na kasi yung mahal ko." May diing pahayag ni Natnat sa lalaking nasa harapan ko na tinawag niyang Zion.

"I'll be back." Tumawa ang lalaki bago umalis. Napaupo naman si Natnat sa kanyang swivel chair na tila naubusan ng enerhiya sa katawan.

"Nat, sino ang lalaking iyon?"

"Don't mind him, Sj. Walang halaga ang lalaking iyon." Nakapikit na sambit ni Nat. Kahit hindi ako kontento sa sagot niya ay hinayaan ko na lang siya dahil kita ko rin sa mukha niya ang pagod.

Lumapit naman ako sa kanya at agad niyang niyakap ang aking katawan. "I miss you." Bulong ni Nat na nakabaon ang mukha sa aking tyan.

"I miss you too," Sagot ko kay Nat at niyakap na rin siya pabalik, "One week tayong hindi nagkita. Nagkaron ako ng misyon sa Cebu noong nakaraang tatlong araw eh." Paliwanag ko kay Nat, naramdaman kong tumango siya sa akin.

"Nat, I have another mission."

"Okay lang bang sabihin mo sa akin yan?" Pabulong na tanong ni Nat. Bumuntong hininga ako.

"Okay lang yan. Pinapabantayan sa akin si Nj ng nga superior ko." Sabi ko kay Natnat. Hindi naman siya sumagot pero batid kong narinig niya iyon dahil mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

Hinayaan ko na lang hanggang sa maramdaman ko ang malalim niyang paghinga na senyales na nakatulog siya. Ganon na lang siguro siya kapagod ngayong araw.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now