Chapter 23

23 2 0
                                    

Chapter 23

Shakira Joyce

LUMIPAS ang isang araw, nakapagpaalam na ako kay Daddy na may misyon ako sa Italy ng isang buwan. Nagulat siya dahil ngayon lang iyon nangyari.

Kinumbinsi muli niya ako ang mag-resign na sa ahensya ngunit ayoko pa rin. Iginiit niyang paano ang kumpanya kapag nagretiro na siya at dahil busy ako masyado sa trabaho kong ito. Sinabi ko sa kanyang babawi ako pagka-balik ko.

Si Mommy naman ay isang katutak na paalala ang sinabi. Mag-ingat ako doon, bumalik daw akong walang bawas sa katawan, kumain daw ako sa tamang oras, matulog sa tamang oras, wag pababayaan ang sarili, i-update siya sa mangyayari, at kung ano ano pa. Tumigil lang si Mommy kakapaalala ng asarin siya ni Daddy.

Ngayon ay papunta na ako sa airport para sumakay sa private plane ng ahensya kung saan ako ihahatid.

"Good Morning, Ma'am. Welcome to DV—uhm—Welcome to the private plane." Bati ng flight attendant sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa pagkabulol niya. Napansin ko rin ang malalaking butil ng pawis niya.

Something is definitely not right.

Tinawagan ko si Russia para tanungin ang tungkol dito. "Russia. Whose airplane is this? Hindi ito ang eroplano ng ahensya." Bungad ko kay Russia na mukhang bagong gising lang.

"Walang good morning?"

"It's 12 PM now, motherfucker." Narinig kong tumawa si Russia sa sinabi ko bago siya sumagot.

"Oh my bad, my bad. To answer your questions. It's not the agency's plane. It's my friend's. Hindi availabe ang plane ng ahensya at plane ko. So uhh nanghingi ako ng favor sa kaibigan ko."

"Are you sure? You're not fooling me, aren't you?"

"Why would I do that?" Natatawang sagot ni Russia.

"Hindi ako nakakampante sa misyon na ito, Russia."

"Africa, don't worry. Nasa mabuting kamay ka." Narinig ko muli ang tawa ni Russia sa kabilang linya at naputol na ang tawag.

Inanunsyo na ng piloto na isuot na ang seatbelt, kahit naman hindi ako kampante sa misyon na ito ay alam kong mapagkakatiwalaan ko si Russia. Mabubugbog ko yun kapag may nangyari sa akin dito.

Kinalatis ko isa isa ang flight attendant na nandito. Tinignan ko kung may kakaiba ba sa kanilanh kilos. Wala naman akong naramdamang kakaiba, bukod sa flight attendant lang talaga sila.

At nang sinabi na ng piloto na pwede nang tanggalin ang seat belt ay napagpasyahan kong matulog muna dahil sigurado akong kinabukasan na ako dadating sa Italy.

13 hours ba naman ang byahe. Baka ala una ng madaling araw na ang dating ko doon.


MAHABANG oras din ako nakatulog dahil pagkagising ko ay alas dies na nang gabi. Sampung oras akong tulog, siguro ay ganon na lang ang pagod ko. Maganda ang pwesto ko pa naman ngayon dito sa eroplano dahil may higaan itong private plane ng kaibigan ni Russia.

Binigay na sa akin ang aking hapunan, at nagsimula na akong kumain. Masarap ang inihandang pagkain. Grilled Turkey fillet, Gnocchi, Steamed Asparagus for the meal. Binigyan din nila ako ng Fruit Skewers at Petit Flours para sa dessert. At bottled water lang ang aking hininga para sa aking panulak.

Mabuti at hindi ako tinipid ni Russia. Sa layo ba naman ng misyon na binigay, gugutumin talaga ako at kakailanganin ng masarap na pagkain.

Sa ilang oras ko sa eroplano ay sinuot ko ang aking galaxy buds at nag-play ako ng mga music sa aking cellphone.

Kinuha ko ang librong dinala ko dito sa byahe dahil alam kong tatamaan ako kaboringan.

Nakakalahati ko na ang librong dala ko nang mag-anunsyo muli ang piloto na magsuot na nang seatbelt dahil malapit na mag-landing ang eroplano.

Pagkalanding ng eroplano ay nag-ayos na ako ng gamit ko. Hindi ako nagpatulong sa mga fligt attendant doon. Pagkababa ko ay nakita kong nandoon na ang dalawang malaking maleta kong dala at may naghihintay sa aking sasakyan.

"Welcome to Italia, Signorina Africa." Bati sa akin ng lalaking nakaabang sa kotse. Pinasakay niya ako doon at dinala sa isang malaking bahay sa tapat ng dagat.

Ang byahe namin ay inabot din ng isang oras kaya alam kong malayo na kami sa syudad.

Hinatid ako ng lalaki papasok sa malaking bahay at sinabing doon ako manunuluyan kasama ng magiging kapartner ko.

"Signorina Africa, Can I get your passport? Signore Russia instructed me that I should get your passport before I go."

"What the fuck?! For what?!"

"Because you might go back to the Philippines after your mission here."

"No. Call your boss and I want him to tell that to me directly. I don't trust people easily." Sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Hinarap niya sa akin ang cellphone niyang ka-videocall.

"Africa, just give your passport to my men."

"And why would I do that?" Mataray kong tanong kay Russia.

"So that the HQ there will know that you are now here." Napipilitang sambit ni Russia.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang bag ko tsaka binigay ang aking passport sa lalaki.

Nakita ni Russia ang pagbibigay ko ng passport. Ngumiti siya ng napakalapad.

"Thank you, Africa. Akala ko pahirapan ang pagkuha nyan sayo. Enjoy and I'm sorry." Yun ang huling sinabi ni Russia at pinatay ang tawag. Ang lalaki namang naghatid sa akin ay agad ring umalis, pero nag-bow muna ito sa akin.

I'm sorry? Anong kagaguhan na naman ang ginawa ni Russia?

Naglibot libot ako sa bahay at pumunta akong second floor. Lahat ng kwarto ay nakalock maliban sa isa.

Pumasok ako doon at nadatnang may natutulog na lalaki. Agad akong naging alerto. Alam kong hindi ito ang kapartner ko sa misyon. Dahil bukas mamaya pang umaga ang dating nito sabi ni Russia.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa lalaking nakahiga sa kama. Habang papalapit ako ng papalapit ay pamilyar sa akin ang built ng katawan.

Hinawi ko ang mga buhok na nakatabing sa mukha niya at nagulat ako sa aking nakita. Ang pamilyar nyang hugis ng mukha, ang labi niyang manipis, ang mata niyang singkit, at ang malalim niyang dimple na kahit hindi siya nakangiti ngayon ay pansin na pansin ito.

"N-Nj!?"

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now