Chapter 15

25 2 0
                                    

Chapter 15

Shakira Joyce

HINATID ko na si Natnat sa kanilang bahay. At dumiretso naman ako sa bahay ni Nj. Pumasok ako sa isang village dahil doon nakalagay ang address na tinukoy sa folder na binigay ni Russia.

"Good Evening ho, Ma'am! Wala ho kayong sticker ng village na ito kaya ho bawal kayo pumasok." Sabi sa akin ng guard na nagbabantay.

"I'm looking for Nate Justine Dela Vega." Sabi ko sa guard.

"Ma'am, wala pong sinabi si Mr. Nate Dela Vega na may inaasahan siyang pupunta."

"Yeah, biglaan ito eh." Sagot ko sa guard.

"Tawagan ko lang ho ang bahay ni Mr. Nate Dela Vega." Tumango ako sa guard. Tinawagan naman agad ng guard ang bahay ni Nj, hindi na ako nakinig sa usapan.  "Kayo ho ba si Shakira Rodriguez?" Tanong sa akin ng guard, tumango ako muli bilang sagot ko. "Pacheck po ng I.D." Sambit ng guard, pinakita ko naman agad ang I.D. ko.

"Siya po ito, Sir. Sige po papasukin ko na po." Narinig kong sagot ng guard kay Nj.

"Pasok na po kayo, Ma'am." Nakangiti at sumaludo pa sa akin ang Guard. Tinanguan ko muli ang guard. Umandar na ako at nagstop sa bahay ni Nj.

Bumaba ako mula sa sasakyan ko at nakita ko doon si Nj na nagaabang sa gate. "Wow! Binisita mo ba talaga ako?" Natutuwang sambit ni Nj sa akin. Pero tinignan ko lang siya. "Pasok ka na." Pumasok ako sa kanyang bahay. Malinis ang bahay niya.

"Pasensya na, wala kasi akong maid dito. Once a week lang kung pumunta ang naglilinis dito, kagagaling lang niya kahapon." Napakamot sa ulo si Nj sa kanyang tinuran. Tumango ako sa kanya at patuloy na ninilobot ang paningin sa malaking bahay niya.

Malaki. Malinis. Malawak. At magaganda ang nakadisplay dito sa bahay niya. Tumango tango ako dahil nagagandahan ako sa bahay niya. Ito ang mga tipo kong bahay, sa ganito ko gusto tumira.

"Upo ka muna sa sofa." Hindi na ako sumagot at umupo na lang ako sa sofa. Kanina pa ako tinatamad magsalita at hindi ko alam kung bakit.

"Anong gusto mong inumin? Water? Juice? Soda? Beer?" Tanong sa akin ni Nj. "Iced Coffee." Nagulat si Nj sa sagot ko pero tumango naman siya at dumiretso sa kusina para gawin ang gusto ko.

Prente akong nakaupo sa sofa ni Nj. Ramdam ko ang pagod ko, kaya humilig muna ako sofa ni Nj. At hindi ko namalayang nakatulog na ako.

NAGISING ako sa isang strangherong kwarto. Agad akong tumayo at pilit na inaalala kung ano ang nangyari.

Shit. Nakatulog ako sa sofa ng bahay ni Nj! Pero paano ako napunta dito sa kwartong ito?

Dumiretso ako sa banyo ng kwarto na ito. Naghilamos ako at mabuti may nakita akong bagong toothbrush, tinanggal ko ito sa box at ginamit dahil may toothpaste na rin akong nakita. Pagkatapos ko mag-ayos ay agad akong bumaba.

Pagkababa ko ay kaagad kong naamoy ang masarap na amoy ng sinangag. Nakarating ako sa kusina at naabutan doon si Nj na sinasalin ang sinangag sa plato.

"Good Morning, Joyce! Teka tapusin ko lang ito." Agad niyang tinapos ang pagsasalin at hinugasan ang kawaling ginamit. "Upo ka na sa dining table." Nakangiting sambit ni Nj. Ang mga niluto niya ay scrambled eggs, bacon, at sinangag. Good for two people nga talaga ang mga niluto niya.

Umupo na agad si Nj sa upuan na nasa harap ko. "How's your sleep?" Tanong ni Nj sa akin.

"Good. How did I end up in that room? Kaninong kwarto iyon?" Pabalik kong tanong kay Nj. Habang kumukuha ng bacon.

"Well, kasi kagabi pagkabalik ko mula sa kusina ay tulog ka na. Alam kong pagod ka dahil galing ka sa misyon kaya hindi na kita ginising at binuhat na lang kita papunta sa isa sa mga guest room ko dito. Pumunta ka lang ata dito para matulog eh." Sabi ni Nj sa akin. Di ko na lang pinansin ang huli niyang sinabi.

"I'm here because you are my mission. Pero wala sa plano kong matulog dito. Kailangan lang kitang bantayan." Sabi ko kay Nj.

"Wow. Bantayan. Ano ako bata?" Di makapaniwalang saad ni Nj.

"Hindi. Pero kailangan kitang bantayan." Sabi ko kay Nj. Bumuntong hininga na lang si Nj na tila nakukuha na ang sinasabi ko. Tahimik naman kaming kumain.

Nang matapos kami ay agad kong hiningi ang cellphone niya na kusa naman niyang binigay. Nilagay ko doon ang contact number ko, at gamit ang phone ni Nj ay tinawagan ko ang cellphone ko. In-open ko rin ang kanyang GPS at kinonekta sa phone ko. Pagkatapos kong gawin ang kung ano ano ay binalik ko na ito kay Nj na hindi man lang tinignan ang cellphone bago ibalik sa bulsa.

"Always bring your phone whenever you are. Kapag may nangyari, tawagan mo ako agad. Nasa speed dial mo ako, number 0. Nakakonekta na ako sa GPS mo para malaman kung nasaan ka." Paliwanag ko kay Nj.

"Aalis na ako. Uuwi pa ako para maligo. Sa kumpanya na ako didiretso. Kung hanapin mo man ako ay nandoon lang ako." Paalam ko kay Nj at saka tumalikod sa kanya.

"Teka! Wait!" Dinig kong pigil niya sa akin kaya humarap ako muli sa kanya.

"Ano?" Hindi siya sumagot pero lumapit siya sa akin. At agad akong niyakap. Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. "Hmm.."

Nakatulala lang ako. Di ko alam ang gagawin. Hindi ko siya magawang itulak. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Ngunit hindi ako yumakap pabalik.

Matagal ang lumipas ay nakayakap pa rin si Nj sa akin kaya naman ay tinulak ko na siya. "What was that?" Nagtataka kong tanong.

"Nothing. I just feel like hugging you." Balewalang sagot ni Nj sa akin.

"What the fuck? Don't hug girls suddenly, okay?" Sa sinabi kong iyon ay may naramdaman ako. Gusto ko ay ako lang ang yayakapin ni Nj, at ayokong yumakap siya ng iba.

What the fuck?!

Tumawa naman si Nj, "Don't worry, ikaw lang ang niyayakap ko ng biglaan at wala ng iba. Tsaka hindi naman ako yumayakap ng ibang babae eh." Patawa tawang sabi ni Nj. Umiling ako sa kanya at tumalikod para umalis na sa kanyang bahay.

Dahil sa sinabi niya ay nawala ang naramdaman ko kanina. Tsk. Masama 'to. Nagiging wirdo na ako.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon