Chapter 30

30 2 1
                                    

Chapter 30

Shakira Joyce

SIMULA noong dineklara niyang nililigawan niya ako ay hatid-sundo na niya ako n akala mo ay hindi pagiging agent ang trabaho. Kung tutuusin nga ay kaya kong protektahan ang sarili ko maging siya.

Sa kanya lang naman ako nanghihina at hindi makalaban.

Ngayon ay nasa meeting ako kasama ang mga board. Madalas na akong sumama sa mga meetings din ni Daddy para mapabilis ang pagkatuto ko dito sa aming kumpanya.

Nj Calling...

"Oh?"

"Gandang bungad ah!"

"Bakit ba?"

"Sabay tayong mag-lunch, baby."

"Bahala ka."

"I'll fetch you. Bye. I love you." Paalam ni Nj at binaba na ang tawag.

Sakto namang kakatapos lang ni Daddy makipagusap sa board members kaya pabalik na kami sa aming mga opisina.

"Shakira, sumabay ka na sa akin mag-lunch." Yaya sa akin ni Daddy pero umiling ako.

"I'll be with Nj. Niyaya niya akong mag-lunch." Sagot ko kay Daddy.

"So you have a lunch date with Nate." Nakangising sabi ni Daddy.

"It's not a date, Dad."

"What's with you and Nate? Are you two together?" Mapanuring tanong ni Daddy.

"What are you talking about, Dad?" Tanong ko pabalik kay Daddy.

"I'm courting her po, Mr. Rodriguez." Singit ng isang boses mula sa aming likod. Agad kong nilingon si Nj na nagsalita na may malaking ngiti sa labi.

"Nate! How are you?" Masayang bati ni Daddy kay Nj.

"I'm okay lang po. Can I take my ba–joyce na po?" Tanong ni Nj na muntikan pang madulas at matawag akong baby kaya nilakihan ko siya ng mata. Napakamot siya ng ulo at ngumiti sa akin.

"Nanliligaw ka palang pero baby na ang tawag mo sa anak ko. Mag-usap tayo sa Sunday, pumunta ka sa bahay namin. Mag-lunch date na kayo." Sambit ni Daddy kay Nj, nanlaki pareho ang mata namin sa sinabi ni Daddy.

"W-What? Bakit pupunta si Nj sa bahay?" Gulat kong tanong kay Daddy.

"I want to talk to him. Nililigawan niya ang unica hija ko." Saad ni Daddy. "So Nate, I'll be expecting you in my house." Huling sabi ni Daddy at umalis na.

"Sana maging boto sa akin ang parents mo, baby." Bulong ni Nj sa akin. Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. "Yah! Nahuli ka ni Daddy sa pag-tawag mo sa akin nyan!" Sabi ko kay Nj na inosente akong tiningnan.

"Ano naman? Baby naman kita kahit pa ganon ang trabaho mo." Saad ni Nj na tinutukoy ang pagiging agent ko sa ahensya . Maya maya pa ay kinuha niya ang kamay ko para hawakan niya.

Unti unti na akong nasasanay sa paghawak niya sa aking kamay at pag-tawag niya sa akin sa endearment na iyon. Kahit naman ay ginagawa ni Nj ang mga iyon ay hindi niya ako minamadali dahil alam niyang kagagaling ko lang sa isang relasyon.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Nj, siya na naman ang nag-ayos ng seatbelt ko. Nang maayos niya ay bumalik siya sa pagkakaupo at inayos ang sarili. Umalis na kami sa kumpanya namin at pumunta sa isang restaurant.

Bumaba na kami at hinawakan muli ni Nj ang aking kamay. Hindi pa kami nakakaalis ng parking lot ay may tumunog na cellphone. "Baby, sagutin ko lang ito. Mauna ka na." Sambit ni Nj at sinagot ang tawag.

Naglakad na ako papunta sa entrance nang may humigit sa akin. Agad ko namang inihanda ang sarili ko nang makita ko si Aella na hinila ako.

"Shit! Akala ko naman kung sino. Bakit ka nanghihila?" Singhal ko kay Aella.

"Is that Nate Justine Dela Vega?! Omg babes!" Histerikal na tanong ni Aella.

"Oo. How did you know him?" Tanong ko kay Aella.

"Duh! Who doesn't know him and their family? Dela Vega Family has a really huge influence!" Sabi pa rin ni Aella kaya napatango ako sa kanya. "Babes, I heard what happened? Are you okay?" Tanong sa akin ni Aella na tinutukoy ang kasal ni Natalie kay Zion.

"Aella, surprisingly ang bilis mawala nung sakit sa akin. Ni hindi ko na nga iniisip si Natalie eh. And kapag lumalapit sa akin si Nj ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Do you get me?" Sabi ko kay Aella kaya naman ay niyakap niya ako.

"Shh. Kaya pala magka-holding hands kayo. Wag muna magjowa ha, three-month-rule babes." Natatawang sabi ni Aella.

"Nanliligaw siya sa akin." Bulong ko kay Aella kaya napabitaw siya ng yakap.

"Omg Babes! Nakapagpaligaw ka ng isang Dela Vega?! Ikaw na!" Gulat na sabi ni Aella.

"Choice niya naman 'yon." Sabi ko kay Aella.

"Babes, you need to be careful. The Dela Vega cousins has an image of you-know playboy-ish side. Babes, do you get me?" Sabi sa akin ni Aella. Akmang sasagot na ako ng may humapit sa akin bewang at hinila ako. Naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Nj.

"Miss, I changed now for my baby. And please don't call her baby. I'm jealous." Seryosong sabi ni Nj kaya nanlaki ang mata ko.

"Mr. Dela Vega, I'm just her bestfriend and nothing more. And I'm afraid that I cannot do your request. Sanay na ako na tawagin siyang ganoon. Well, excuse me. Kailangan ko nang umalis." Polite na pagkakasabi ni Aella at lumapit sa akin para i-beso ako.

Pagkaalis ni Aella ay siniko ko si Nj. "Yah! Bakit ka nagseselos doon kay Aella! Tsaka sanay gumawa ng endearment 'yon si Aella." Sabi ko kay Nj.

"Di ko aakalaing magseselos din ako sa babae at hindi lang sa lalaki. Tsk." Bulong ni Nj na narinig ko rin naman.

"Teka baby, siya ba yung nasa HQ niyo dati? Yung nang-aasar sa pinsan ko." Tanong sa akin ni Nj na tinanguan ko lang.

Pumasok na kami sa loob ng restaurant at nag-order ng pagkain na mabilis namang dumating.

"Baby, I'm still thinking about doon sa sasabihin sa akin ng Daddy mo. Kinakabahan ako baby." Pag-arte sa akin ni Nj kaya inikutan ko siya ng mata.

"Bakit mo ba kasi sinabi sa kanya about doon sa panliligaw mo? Ayan tuloy, kinakabahan ka." Sabi ko sa kanya.

"Syempre sasabihin ko talaga 'yon, dahil seryoso ako sayo. Nagbago ako na, baby. Hindi na ako yung dating Nate Justine. Gusto ko malaman ng parents mo na nililigawan na kita." Seryosong sambit ni Nj kaya napatitig ako diretso sa mata niya kung saan mababasa ang iba't ibang emosyon doon.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now