Chapter 13

38 3 1
                                    

Chapter 13

Shakira Joyce

NAKAUPO ako sa gilid ng higaan ni Nj at hinihintay na lang siya magising. Iniisip ko pa rin kung paano namin nireport ang mission namin. Nainis lang si Russia sapagkat may nadamay na mga inosente at wala namang kinalaman sa pangyayaring iyon, sila Natnat at Nj. 

Hiniling ko kay Russia na bigyang protection si Natnat dahil ayaw kong madamay siya sa mga banta at panganib ng buhay ko. Masyado siyang inosente at mabait para ganitong buhay. Hanggat maari ay ilalayo ko siya sa panganib. Alam ko namang p-proteksyunan ni Michael ang kanyang pinsan kaya hindi na ako nag-abalang i-request iyon kay Russia. 

Kami naman ang secret group ng Gobyerno, alam kong pagbibigyan nila ang aking hiling lalo na at inosente si Natnat, wala siyang alam sa mundong ginagalawan ko.

"J-Joyce." Napatingin ako agad kay Nj ng marinig ko ang kanyang boses. "Teka, tatawagin ko ang Doctor." Paalis na ako ng hawakan niya ang aking kamay, at dahil doon biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What the hell?!

"D-Dito ka l-lang. W-Wag mo a-akong i-iwan." Nanghihinang pakiusap ni Nj. "Di kita iiwan. Tatawagin ko lang ang Doctor mo dahil kailangan kang ma-check." Mahinahon kong paliwanag kay Nj at pilit na pinapakalma ang napakabilis na tibok ng puso ko.

Unti-unting bumitaw naman si Nj mula sa pagkakahawak sa akin. Pagkatalikod ko sa kanya ay bumuntong hininga ako. Bakit bumilis ang tibok ng puso ko?

Naglalakad na ako para pumunta ng Doctor's ward para hanapin ang Doctor ni Nj. "Doc, gising na ang pasyente mo." Sabi ko sa Doctor ni Nj.

"Okay. I'm coming." Sinuot niya ang kanyang laboratory gown, kinuha ang stetoscope at binulsa, kinuha rin ang records ni Nj. At tumawag ng Nurse na sasama sa kanya sa pag-check up kay Nj.

Medyo malayo-layo ang Doctor's ward sa room ni Nj kaya inabot ako ng sampung minuto para pumunta at bumalik sa kwarto ni Nj.

Pagkarating namin doon ay nakita ko agad si Russia na kausap si Nj. "What are you doing here?" Tumabi ako sa kanya at tinanong. Chineck agad ng Doctor si Nj.

"Just visiting him." Simpleng sagot ni Russia. Tumango lang ako at isinawalang bahala.

"He's getting better. Complete bed rest for a week. Dito muna siya at sa isang linggo ay maghihilom na ang tahi niya. I'll visit him from time to time." Paliwanag ng Doctor sa amin ni Russia. "Thanks, Doc." Pagpapasalamat ni Russia, tinanguan ko lang ang Doctor. Malalaman naman na niyang pinasalamatan ko siya.

Bumaling ang Doctor kay Nj. "Don't be stubborn. Wag kang masyadong nakahiga, gumilid ka rin para mapabilis ang pag-hilom ng tahi mo." Bilin ng Doctor ni Nj. Nginitian naman ito ni Nj at nagpasalamat.

"Mauna na rin ako. Sasabay na ako kay Doc." Paalam ni Russia. Di ko na lang siya pinansin dahil pinagtuonan ko ng pansin ay si Nj.

"J-joyce, m-mukhang p-postponed y-yung pagpunta natin sa B-Baguio." 

"It's okay. Pwede naman ako magpapunta doon ng empleyado ko para isukat ang lote na pagtatayuan ng project natin doon." Alam ko naman kasing magsusukat lang kami ng lote doon kaya ipapagawa ko na lang iyon sa isa sa mga empleyado ko. Hindi sumagot si Nj pero kita sa mukha ang kanyang nararamdaman. Dismayado.

"A-ah s-sige. P-pa-assist k-ko na lang r-rin sa e-empleyado ko." Tanging iyon na lang ang nasabi ni Nj, bago siya nanahimik. Bakas pa rin ang pagka-dismayado sa mukha niya. Bakit?


SA ISANG linggo niyang pamamalagi niya dito sa HQ ay apat na beses niya lang akong nakita. Dahil sa tatlong araw na hindi ako bumisita sa kanya ay dahil may misyon ako. Kahit naman noong apat na araw akong nandoon ay gabi niya lang ako nakikita dahil pumapasok ako sa kumpanya.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now