Chapter 19

25 2 0
                                    

Chapter 19

Shakira Joyce

"WALA naman. Pero ang masama ay yung makipagrelasyon ka sa may fiancè na." Nakangisi pa ring sambit ni Michael.

Tinawanan ko lang siya na parang isang nakakatawag joke ang sinabi niya. Nangunot ang noo ni Michael dahil di niya aakalaing tatawanan ko lang ang tinuran niya.

"Tapos ka na? Pwede na ba akong umalis? Late na kasi ako sa kumpanya eh." Sabi ko. Tumango naman si Michael na di makapaniwalang tinawanan ko lang siya.

"Alam mo? Ulol, di mo alam yon. Di ka lang naniniwala. Maniwala ka sa akin, totoo ang sinabi ko. This week na nga ang kasal nila eh." Sabi ni Michael. Muli ay tumawa ako, napailing pa ako.

"Nako, Michael. Nagkamali ka ata dyan. Walang fiancè ang girlfriend ko. Alis na ako ah? Mala-late na talaga ako."

Tsk. Akala naman niya ay maniniwala ako. Oo, nakakakalap ng legit na impormasyon si Michael ngunit mali siyang may fiancè si Natnat. Walang fiancè si Natnat. Alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil nababasa ko iyon sa mukha niya ngunit alam kong walang fiancè ang aking girlfriend.

Magkakaroon ba ng fiancè yon kung magkarelasyon kami? Parang pumupurol na si Michael ngayon ah.

Nakarating na ako sa dining table at nandoon pa rin si Nj at Harry. "Umalis ka na. Aalis na kami." Narinig kong sinabi ni Nj kay Harry. "Teka lang! Di pa nga nagpapakilala sa akin yung may ari ng Rolls Royce eh." Sambit ni Harry.

Pumasok ako at dumiretso sa harap ni Harry, inilahad ko ang aking kamay at nagsalita. "I'm Shakira. Uh," Di ko na sinabing binabantayan ko si Nj at misyon ko siya kaya mas safe kung sasabihin kong katrabaho ako ni Michael. "Michael's work colleague." Tinanggap ni Harry ang aking kamay at ngumisi.

"Ow shit, Nj! Di ka binanggit. So uhm, Shakira, bakit ka nandito sa bahay ni Nj? Anong koneksyon ninyo bukod work colleague ka ni blonde?" Curious na tanong ni Harry.

"Business Partner. Something came up kaya nandito ako sa bahay niya." Sagot ko kay Harry. Tumango tango siya sa akin at bumaling ang tingin kay Nj at nginisian.

"Hala! Sige! Alis na ako, baka nakaalis na rin si blonde!" Paalam ni Harry. "Hoy! Michael! Akala ko iniwan mo na ako. Tara na! Baka late na sila sa trabaho." Narinig kong sigaw ni Harry kay Michael.

"Okay okay. Nate, goodluck! Shaq, hindi ako nagkakamali, okay? Sige na, alis na ako. May gagawin pa ako." Paalam ni Michael at tumingin pa sa akin ng matagal na sinasabing maniwala ako sa mga sinabi niya.

Nagyaya na akong umalis dahil ihahatid ko pa si Nj. Syempre hindi niya alam iyon, dahil alam kong di siya papayag. Akala niya ay naghiwalay na kami ng daan ngunit sinusundan ko siya ng palihim.

Nang ligtas na makarating kanyang kumpanya ay umalis na ako para dumiretso sa kumpanya namin. Magkaiba man ng daan ngunit malamit lang sa building ni Nj.

*Annoying Guy Calling

"Hello? J, nandito na ako sa kumpanya ko. Safe and sound!" Proud na sabi ni Nj kaya napatawa ako.

"Okay."

"Tumawa ka!" Gulat na sabi ni Nj.

"Ano naman? Masama bang tumawa?"

"Eh sa ngayon ko lang narinig yung tawa mo eh. Teka nga, nasa sasakyan ka pa? Bakit naunahan pa kita? Saan ka pumunta?"

"May dinaanan ako. Sige na, bye. Nandito naman na ako sa kumpanya namin."

Binaba ko na ang tawag nang nasa parking lot na ako ng kumpanya namin. Pumasok na ako sa para dumiretso sa opisina. Naging ganito ang routine namin ni Nj hanggang sa lumipas ang isang linggo.

Nagigising ako sa madaling araw na nakahiga na siya sa kama ko. Ihahatid ko siya ng palihim. At pupuntahan niya ako sa kumpanya kapag wala pa ako sa building nila.

May binabasa akong proposal ng may pumasok sa opisina ko. "Kyla, I told you na wala munang bisita." Nakatutok pa rin ang atensyon ko sa papel na hawak ko. Hindi sumagot si Kyla pero naramdaman kong naglakad siya. Baka may kukuning papeles.

Naramdaman ko ang brasong yumakap sa leeg ko. "What the he—,"

"Surprise!"

"Natnat?" Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko ang babaeng miss na miss ko na. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at niyakap siya.

"I miss you." Sabi sa akin ni Nat.

"I miss you too." Yakap ko pa rin ng mahigpit kay Nat.

Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan siya sa labi. Magkalapat ang aming labi na tila ninanamnam ang isa't isa.

Igagalaw ko na sana ang aking labi nang marinig ko ang pagbagsak ng isang bagay. Paglingon ko ay nandoon si Nj. Tulalang nakatingin sa aming dalawa ni Natalie.

Napalayo sa akin bigla sa Natalie at lumapit kay Nj. "J-Justine."

"W-What? How? Why? Natalie, alam mong may feelings ako kay Joyce diba? Ano ito?" Nakita kong nangilid ang luha ni Nj. May kung anong bumara sa lalamunan ko para pigilan ako magsalita.

"Nj." Bulong ko ang kanyang pangalan.

"Kailan pa kayo?" Kalmado ngunit ramdam mo ang pagpipigil ni Nj sa emosyon.

"One year and a half." Pigil kaba kong sagot ko kay Nj.

Gulong gulo ako. Bakit ganito nararamdaman ko? Wala naman kaming kasalanan kay Nj. Wala kaming ginagawang masama ngunit parang nahuli kami ni Natalie sa isang kataksilan na ginawa namin. Di ko alam bakit ako kinakabahan.

"Putangina awit. Hahaha. Nagmukha akong tanga, imagine, umamin ako sa bestfriend ko na nagkakaroon na ako ng feelings sayo tapos malalaman ko may relasyon kayo? Kaya pala kahit anong gawin ko 'di ka naapektuhan. Ang sakit ah. Karma ko na ba 'to dahil masyado akong happy-go-lucky? Karma ko na ata 'to dahil sa mga nilaro kong babae." Sambit ni Nj, makikita mo sa kanyang mata na namumunoo na ang luha niya.

"Bestfriend ko at taong mahal ko... magkarelasyon. Ang sakit 'non ah. Bakit di niyo pinaalam sa akin? Bakit? Natalie, bakit? Shakira Joyce, bakit? Masaya ba ako paglaruan?" Tumitig sa akin si Nj, halo halo ang emosyon na makikita mo sa kanyang mata. Habang nakatitig siya sa akin ay tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata niya. Hindi niya ito pinahid at hinayaang bumagsak ang luha niya.

"J-Justine, you're not r-ready to k-know it. I'm very s-sorry. H-hindi ko intensyon na itago. Di k-kita p-pinaglaruan. H-hindi ko lang a-alam k-kung paano iyon s-sabihin." Nanghihinang sambit ni Natalie kay Nj.

"Wala akong karapatang magreklamo. Business partner at misyon lang ako ni Shakira. Bestfriend mo lang ako Natalie. But can I ask you favor? Please, wag na muna tayong magkita-kita. Shakira, kunin mo na ang gamit mo sa bahay mamaya. Wag na akong bantayan." Dire-diretsong sabi ni Nj lumabas na ng opisina ko.

Gusto kong habulin si Nj ngunit hindi ko magawa dahil nanigas ako sa kinatatayuan ko at na-blangko ang isip.

to be continued.


DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now