Chapter 20

25 2 0
                                    

Chapter 20

Shakira Joyce

TAHIMIK ang opisina ko simula ng umalis si Nj. Hindi kami nagsasalita ni Natalie at parehas na malalim ang iniisip.

"Nat." Lumapit ako kay Natalie, nakaupo siya ngayon sa sofa ng aking opisina. Kinuha ko ang kamay niya at napansin ang isang singsing. Maganda ito at mukhang mamahalin. Hindi ko maipagkakaila na mukha itong may kapareha.

Iwinaksi ko ang isiping iyon dahil mayroon kaming kinakaharap ngayon. "Sj, hindi ko sinasadya. Hindi ko siya pinaglaruan. Hindi ko magagawa iyon sa bestfriend ko. Hindi ko gustong maglihim ngunit alam kong ganoon ang magiging reaksyon niya." Naiiyak na sinabi ni Nat iyon.

Hindi ako nagsasalita sapagkat hindi ko alam ang sasabihin ko. Kakaiba rin ang naramdaman ko kapag kasama ko si Nj. Hindi ko itatanggi iyon ngunit hindi iyon tama sapagkat nasa isang relasyon ako.

Nakaalis na si Natalie sa aking opisina ngunit tulala pa rin ako. Iniisip ko kung paano ko kakausapin si Nj, kung paano ko siya haharapin, kung paano ko siya makakasalamuha.

Hindi na ako nakapag-focus sa trabaho kaya nilasan ko na ang opisina ko. Tapos ko naman na ang mga gawain ko at ang binabasa ko kanina ay para sa isang araw pa.

Dumiretso ako sa kumpanya ni Nj ngunit wala daw siya doon. Pumunta ako sa bahay nila, pero wala rin siya doon. Ginamit ko na iyong tyansa para kunin ang mga gamit ko sa bahay niya.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-track si Nj ngunit nakapatay ang cellphone niya para hindi ko siya ma-track. Bumuntong hininga ako, halatang ayaw akong makita ni Nj.

Umuwi na ako sa bahay namin. Wala doon si Daddy dahil nasa kumpanya namin at wala din doon si Mommy dahil pumunta daw ito sa bahay nila Lolo at Lola.

Kinabukasan ay nag-half day lang ako sa kumpanya. Maaga akong pumasok para matapos ko agad ang gagawin ko sa araw na iyon. Nagpalit ako ng damit na mas komportable dahil kailangan kong bantayan pa rin si Nj kahit malayo man lang. Masilayan lang siya ay sapat na.

Inalam ko ang schedule niya sa pamamagitan ng pag-hack sa computer ng sekretarya niya kaya alam na alam ko na ang magiging lakad niya sa araw na ito.

Expertong nagtatago ako sa dagat ng tao para hindi mapansin ni Nj. Nandito siya ngayon sa isang event na inimbitahan siyang magsalita. Natapos ang event at dumiretso si Nj sa isang restaurant, nakita kong may katagpo siyang babae doon. Wala iyon sa schedule niya kaya nagtaka ako.

Dumating si Nj sa restaurant at niyakap siyang mahigpit ng babae na sinuklian naman rin niya ng yakap. Humiwalay sila at hinalikan ang isa't isa sa pisnge.

Mahal daw ako ng gago pero may ibang dine-date. Kagaguhan.

Pumwesto ako sa isa sa mga malapit na pwesto kay Nj kung saan naririnig ko ang usapan nila. Kada may pupuntahan si Nj ay nagpapalit ako ng damit at naglalagay ng wig para sa ganon ay hindi niya mapansin.

"I miss you Nate! Di ka na dumadalaw sa bahay. Nagtatampo ako ah." Narinig kong sabi ng babae.

Dumadalaw sa bahay? Napangiwi ako sa iniisip pero patuloy pa rin akong nakikinig.

"Busy lang ako Kathleen." Sagot ni Nj.

"Tsk. Dapat bibisitahin kita sa bahay niyo kaso sabi ni Harry wag daw. May tinatago ka ba? May babae sa bahay mo 'no? May tinanan ka ano?!" Sabi ng babae  na tinawag ni Nj na Kathleen sa kanya.

"Tsk. Wala. Mag-order na tayo." Sabi ni Nj.

Bullshit. Anong wala? Nandoon ako sa bahay niya for one week tapos wala?

Nag-order na sila ng makakain, nagorder na rin ako ng pagkain na mabilis kainin. Pagkatapos ko ay lumabas ako para ilayo ang sasakyan ko kay Nj. Nanatiling naka-track ako kay Nj para malaman ko ang susunod na pupuntahan niya.

Mag-gabi na rin. Alam kong wala na siyang schedule kaya baka uuwi na rin siya. Sinusundan ko pa rin siya hanggang sa makauwi na siya.

Umuwi na ako ng bahay namin para mamahinga. Lumipas ang ilang araw ay ganoon ang ginagawa ko para mabantayan si Nj. Susundan ko siya ng di niya alam. At sa mga araw na iyon ay nakikipagkita siya sa babaeng pangalan ay Kathleen. Na kinakainis ko.

Nasa opisina ako ngayon, hindi ako makapag-half day dahil iniwan na naman sa akin ni Daddy ang kumpanya ngayon kaya ako ang nakikipagusap sa mga kliyente niya.

Nang biglang pumasok sa opisina ko si Nj. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang pagdating niya. Okay na ba kami? Wala bang trabaho ang isang ito? Bakit hindi ito pumasok?

"J, sorry." Nagtaka ako sa kanya kung bakit siya nagso-sorry. "Ni-request ko kasi kay Stefano na bantayan mo ako. Na maging misyon mo ako." Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Who is Stefano?"

"Superior mo sa ahensya." Sambit ni Nj.

"What the actual fuck?!" Gulat kong sabi kay Nj.

"I know I'm sorry." Tumungo si Nj. "Tsaka I miss you. Even though may relationship ka sa bestfriend ko. I respect that." Umangat ang tingin ni Nj para sabihin yan.

Surprisingly, hindi ako nakaramdam ng galit.

"Yeah. Whatever. Tapos na, nangyari na. Nabantayan na kita." Sabi ko na lang kay Nj.

"Namiss ko dito sa opisina mo. Patulog ah." Hindi hinintay ni Nj ang sagot ko at diretsong humiga sa aking sofa. Napailing ako.

Parang nawalan ng nakapatong sa balikat ko nang maging okay kami ngayon ni Nj. Kumalma ako ng makita siya muli dito sa opisina ko.

Hindi ko namalayang nakatitih ako kay Nj at unti unting may nabubuo na ngiti sa aking labi. Napansin ko na lang ito nang makita kong mahimbing na ang tulog ni Nj. Kaya tumayo ako para kunin ang jacket ko para itabon sa malaking katawan ni Nj.

Alam kong hindi komportable ang pwesto ni Nj pero hindi niya alintana iyon dahil sa mahimbing niyang tulog.

Bumalik ako sa upuan ko at tinuloy ko na ang pagt-trabaho. Magaan ang pagt-trabaho ko marahil ay dahil iyon sa nangyari ngayon .

Salamat naman at okay na kami.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now