Chapter 26

21 2 0
                                    

Chapter 26

Shakira Joyce

NAGHIWALAY ang aming labi ngunit nakadikit ang aming noo. Hinahabol namin ang aming hininga.

Narealize ko ang aming ginawa kaya napalayo ako agad. "No. Mali 'to. Maling mali." Umiiling kong sambit.

Hinawakan ni Nj ang aking balikat at pinaharap sa kanya. Sinalubong ko ang mga titig niya at mababasa doon ang pagmamakaawa.

"Joyce, baby, just for a month. Please let me love you. After this, I won't bother you anymore. Just for a month. Let me love you." Nagmamakaawang sabi ni Nj. Napatitig ako sa kanya. Di ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako manhid para hindi makuha ang mga pahiwatig ni Nj. Iba pa rin talaga kapag siya mismo ang nagsabi nito.

"Nj, I am in a relationship. I'm sorry." Saad ko kay Nj.

"Just for a month. Forget about your relationship. Focus on me. Please."

"Nj.. I can't do that. I'm still in a relationship with Natalie, your bestfriend. I'm really sorry." Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumayo na ako. Natatandaan ko pa naman ang daan papunta sa bahay na tinutuluyan namin.

Pagkadating ko ay naligo na ako at nagpalit ng damit. Kumuha ako ng comforter at yung unan ko rin ay kinuha ko pati ang kumot ko. Pumunta ako sa kabilang kwarto nilatag ko doon ang comforter ni-ready ko na para doon na matulog mamaya.

Pumunta ako sa kusina para kumain ng mga tirang pagkain. Natapos na akong kumain wala pa rin si Nj.

Dumaan na ang hapon at madilim na, wala pa rin si Nj. Nakaupo ako sa upuan dito sa sala. Di ko na namalayan na hinihintay ko pala siya. Nang maramdaman ko ang mga yabag ay agad akong pumunta sa aking kwarto.

Humiga ako at pumwestong akala mo ay natutulog na. Ipinikit ko na rin ang mata ko.  Narinig kong may pumasok sa kwarto ko na alam ko namang si Nj iyon. Nanatiling pa rin akong nakapikit.

"Tsk. Dito na naman siya natulog." Bulong ni Nj. Naamoy ko ang amoy ng alak sa kanya kaya alam kong nakainom siya.

Binuhat ako ni Nj. Binuksan ko ang isa kong mata nakita kong papunta kami sa kwarto kung saan ako natulog ng buong isang linggo. Inihiga niya ako at hinalikan sa aking noo. "Just let me love you. Just let me make you feel my love. I–I j–just chose the wrong set of words. You don't have to forget Natalie just for me. But please let me love you for this whole month." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tumayo siya mula sa kama. Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto at nagsara muli.

Minulat ko ang mata ko. Napahawak ako sa noo ko kung saan niya hinalikan. Ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok. Nagpaulit ulit sa isip ko ang mga sinabi niya.

Nj, I'll let you but I won't let you kiss me again. I'm cheating already. My conscience will hunt me.

I know. I love Natalie. Pero bakit tila kumukontra ang puso ko? Hindi na pangalan ni Natalie ang sinisigaw 'non. Ibang pangalan na. Pangalan na ng lalaking kasama ko ngayon.

Nanatili sa isip ko ang mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw hanggang sa makatulog.

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko ang tabi ko kung saan lagi kong naabutan si Nj na natutulog. Sa halata ng kama ay halatang walang humiga doon dahil hindi man lang nagusot ang kama.

Naghilamos at nagtoothbrush na ako. Lumabas na ako ng kwarto. Hinanap ng mata ko si Nj ngunit di ko nakita sa sala at kusina. Pumunta ako sa kabilang kwarto. Doon ko nakita ang natutulog na si Nj. Nakahiga siya doon sa nilatag ko at gamit niya ang unan ko. Dahan dahan ko naman sinara ang pintuan at dumiretso sa kusina.

Sa isang linggong pananatili namin dito ay puro si Nj ang nagluluto ng pagkain namin. Kaya naman ay napagdesisyonan kong ako ang magluluto ng almusal sa araw na iyon.

Inilabas ako ang tirang kanin kagabi, at naglabas na rin ako ng mga pwedeng karneng pang-sinigang ko. Alam kong magkakaroon ng hangover si Nj dahil sa katangahan niyang pagi-inom niya. Umalis pa siya dito sa gubat para lang uminom.

Sinangag ko ang kanin. Di ko na nilagyan ng kung ano ano pa ang kanin kundi ay bawang at asin na lamang. Sinimulan ko naman ng lutuin ang sinigang. Inihanda ko na ang mga rekado at nagsimula na.

Habang nilalagay ko ang kangkong naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. "Nj."

"Let me. Masakit ulo ko." Bulong niya. Bumuntong hininga ako at hininaan ang apoy.

"Yan! Katangahan mo. Bakit kasi kailangan pa maginom? Paano kung nadisgrasya ka sa  daan?" Iritado kong saway sa kanya.

"How did you know na uminom ako kagabi?" Takang tanong niya.

"A-ano.. w-wala... h-hula ko. Bakit ba?!" Nauutal kong sabi kay Nj.

"No. Maybe may sakit lang ako. But why did you conclude na uminom ako?"

Tsk. Stupid Shakira. Stupid.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. "Gising ako kagabi. Noong binuhat mo ako, naamoy kita. At narinig ko lahat ng sinabi mo."

"So I wasn't dreaming when I saw your one eye open last night?"

"You saw that?"

"Ofcourse. Halata kaya."

"You let me carry you, huh?" Nangaasar na sabi ni Nj sa akin. Inikutan ko lang siya ng mata.

"Umupo ka na. Kakain na tayo. Luto na itong sinigang." Sumunod naman si Nj at umupo na sa hapagkainan.

Nilagay ko ang dalawang mangkok sa lamesa para sa amin ni Nj. "Humigop ka muna ng sabaw." Pagkalapag ko ng mangkok ay kumuha ako ng plato para sa aming dalawa.

"What do you want? Sinangag o bagong saing?"

"I prefer bagong saing." Sagot ni Nj.

"Okay. Akin na yung sinangag."

Nagsimula na kami kumain. Nakakalahati na namin ang pagkain namin ng magsalita si Nj. "I love your sinigang. Sakto ang asim niya." Nakangiting sabi ni Nj.

"Natutunan ko yan kag Mommy." Sagot ko kay Nj.

"So kaninong bahay ito?" Tanong ko kay Nj.

"Kay Stefano. Dito kasi niya trip tumambay kapag gusto niya lumayo sa mundo." Sagot ni Nj.

"Sino si Stefano?" Takang tanong ko.

"Yung supe—yung kaibigan ko." Sagot ni Nj.

"You're lying." Sabi ko kay Nj.

"No. I'm not. Kaibigan ko talaga yun. I swear!" Nakita ko sa mata niyang nagsasabi siya ng totoo kaya hinayaan ko na at kumain na muli.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now