Chapter 8

40 4 1
                                    

Chapter 8

Shakira Joyce

NARAMDAMAN ko ang pananahimik ni Natnat. Sinundan ko siya sa opisina niya.

"Natnat, may date pa tayo." Sabi ko kay Natnat.

"U-uhm Sj, wag na lang natin ituloy yung date. N-nawala ako sa mood." Biglang sabi ni Natnat, nagulat ako. Kaya tinitigan ko siya alam kong may napapabagabag siya.

"What is it? Tell me."

"H-huh? It's nothing, Sj."

"Natalie Perez, tell me what's your problem?"

"Sj, I'm in pain. Sinabi ni Justine na nagkiss daw kayo." Nagulat ako. Pagkasabi ni Natnat ng mga katagang iyon ay tumulo ang luha niya sa mata. Nilapitan ko si Nat at pinahid ang mga luhang tumakas sa mata niya at sinalubong ko ang mga mata niya.

"Nat, look at me. He kissed me. Hindi ako tumugon sa halik niya, tinuhod ko pa nga siya eh." Sinabi ko iyon sa kanya ng marahan.

"H-he told me that also. Na tinuhod mo daw siya sa down there niya. Pero di ko pa ring maiwasang masaktan, mahal kita eh." Sabi ni Natnat sa akin. "Don't leave me, okay?" Bulong ni Natnat

"Don't worry, I won't leave you. Mahal din kita." Niyakap ko si Natnat. Tumigil na ang pagtulo ng luha niya. "Tara, date tayo?" Sabi ko sa kanya.

Natuloy ang date namin ni Natnat. Ang dami naming napuntahan. Kaya ginabi kami, hinatid ko siya sa kanila at umuwi na ako ng bahay.

Naabutan ko sa sala si Daddy at Mommy. Nakaakbay si Daddy kay Mommy, para silang teenager. Natuwa naman ako sa nakita ko. Mahal talaga nila ang isa't isa.

Tinawag ako ni Daddy at sinabing lumapit ako. Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa ibang sofa.

"Shakira, you and Nate should go to Baguio to start the project. Ikaw ang Engineer ng project na iyon." Sabi ni Daddy.

"When?"

"Maybe next week? Kailan ka ba magl-leave?"

"Next week na Dad. Hindi ako papasok ng Opisina, tsaka ikaw muna bahala sa mga paperworks ko Dad. Baka may misyon ulit ako lalo pa magle-leave ako."

"Sige. I'll tell Nate about that."

"Nate? Is that Mr. Dela Vega? Kailan pa kayo naging close?" Nagtatakang tanong ko kay Daddy.

"Last week, I guess? Araw-araw iyon nasa opisina, palagi kang hinahanap. Mabait na bata si Nate, tsaka sabi niya na magkaibigan daw kayong dalawa kaya nung hiniling niyang maging Engineer ka ng project niya ay pumayag ako." Sabi ni Daddy sa akin. Hindi na lang ako sumagot. 

Araw-araw siyang nasa kumpanya? As far as I know, okay lang kahit dalawang beses na nagkita ang client at company representative. So bakit siya araw-araw nasa kumpanya 'non? Diba may kumpanya siyang sarili, doon dapat siya pumupunta. Psh! Bakit ko ba iniisip 'to?

"Kailan ka ba magre-resign sa pagpu-pulis mo? Para makapag-focus ka sa kumpanya." Saad ni Daddy.

"Ayoko mag-resign, daddy. Kaya ko namang i-manage yung oras ko."

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now