Chapter 21

27 2 0
                                    

Chapter 21

Shakira Joyce

NATUTULOG pa rin si Nj nang dumating sa opisina ko si Natalie. Bahagya pa itong nagulat ng makita si Nj sa sofa at natutulog.

"Sj, okay na kayo?" Tanong sa akin ni Nat ng ibaling niya sa akin ang paningin niya.

"Yeah." Tipid kong sagot kay Nat.

"Nagdala ako ng pagkain. I know hindi ka pa nagl-lunch. But pang-isahan lang itong dala ko. Di ko kasi alam na nandito si Justine eh." Sabi ni Nat habang nilalapag sa center table ang dala niyang lunchbox.

Tahimik na inaayos ni Natalie ang mga lunchbox sa center table. Isa-isa niya itong binuksan para kakain na lang ako. Habang nag-aayos si Natalie ay tinuloy ko ang ginagawa ko.

"Hmm? Ang bango." Nagigising na wika ni Nj.

"J-Justine." Nagulat na wika ni Nat. Habang ako ay inangatan siya ng tingin at agad na binalik sa ginagawa ko.

"Natalie? I'm sorry kung nandito ako sa opisina ni Joyce. Nakipagusap lang ako pero nakatulog din kasi ako." Paliwanag ni Nj kay Nat.

"Uhm.. Justine? Can we talk?" Tanong ni Nat sa kanya. Napakunot ang noo ko sa narinig.

"Okay. Where?" Kaswal na sagot ni Nj.

"Uhm somewhere not here." Sagot ni Natalie. Doon na nakuha ang atensyon ko.

"You can talk here. Why not here?" Hindi ko na napigilang sumabat sa usapan nila.

"Ano kasi.. Sj.. uh.. may pagu-usapan lang kami." Sabi ni Natalie. Tinitigan ko ng mariin si Natalie. "J, magu-usap lang kami ng bestfriend ko. Usapang mag-bestfriend na dapat di ka kasama." Sarkastikong sabi ni Nj.

Nilingon ko siya at binigyan ng masamang tingin. "Alis na kami ah. Bye!" Sabi ni Nj at hinila palabas ng opisina ko si Nat. Tsk. Wala naman akong nagawa dahil siguro nga ay may pagu-usapan silang importante.

Pumunta ako sa sofa kung saan nakalagay ang pagkain na hinanda ni Natalie sa akin. Kinain ko yun at sobrang nasarapan ako. Sobrang sarap talaga magluto ni Natalie. No wonder kung bakit sumikat ang kanyang pangalan at restaurant. She deserves it.

Naubos ko ang pagkain na dala ni Natalie para sa akin. Pumunta ako sa CR ng opisina ko para hugasan ang mga lunchbox na ginamit ko. Binanlawan ko lang ito dahil wala akong sabon dito, kaya iuuwi ko na lang ito sa bahay para doon hugasan ng may sabon.

Tinuloy ko na ang pagt-trabaho. Lumalabas ako para sa meeting na ipinasa sa akin ni Daddy. May mga na-close ako na deal at may mga nakausap ako tungkol sa ibang proyekto na ako ang Head Engineer.

After ko sa mga gawain ko ay tinignan ko ang cellphone ko. Unconciously ay tinignan ko ang tracker kung nasaan si Nj. Nakita kong nasa opisina na niya siya.

Ang ginawa ko naman ay pumunta na lang sa restaurant ni Natalie. Feeling ko ay nawawalan na ako ng oras para sa girlfriend ko. Kahit na pumunta pa siya kanina sa opisina ko ay tingin kong kulang iyon.

"S-Sj! What are you doing here?" Gulat na bungad ni Natalie.

"What kind of question is that? Bawal ba ako dito?" Nagtatakang tanong ko kay Nat.

"No. I mean, bakit biglaan ang pagpunta mo dito?"

"I just missed my girlfriend that's why."

"Uhm. Wait lang Sj ha? Punta lang ako sa opisina ko." Nagmamadaling umalis si Natalie. Pumunta muna akong CR dahil gusto kong maghugas ng kamay.

After ko sa CR ay pumunta na ako sa opisina ni Nat. Naririnig kong nakikipagtalo siya sa loob.

"Bakit hindi mo pa kasi aminin sa kanya?"

"Anong aaminin ko? Mahal ko si Sj!" Sagot ni Nat sa lalaking kausap niya.

"Gusto mo bang ako ang magsabi sa kanya?" Kumunot ang noo ko kaya pumasok ako sa loob ng opisina ni Nat.

"Ano ang dapat kong malaman?" Kalmado kong tanong ngunit kanina pa ako nagtataka.

"Ako na ang magsasabi Natalie." Sabi ng lalaki. Ang lalaking kausap ni Natalie ay ang pinakilala niya sa aking bodyguard kahit alam ko namang hindi iyon bodyguard ni Natalie.

"No. Z, please. Don't." Nagmamakaawang sabi ni Natalie.

"Natalie, why are you begging?" Tanong ko kay Natalie pero ang tingin niya ay nasa lalaki. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ni Natalie. Nagmamakaawa ang mukha niya at mukhang stress na stress na.

Bumuntong hininga ang lalaking kausap ni Natalie, wala sali-salitang umalis sa opisina ni Natalie.

"Ano ang kailangan kong malaman?" Tanong ko kay Natalie.

"No. Nothing. It's nothing important, Sj. I love you, okay?" Paninigurado ni Natalie.

"Natalie, i don't want you to lie to me. I'm asking nicely."

"Shakira, there's nothing wrong. Wala lang yung sinabi ni Z. Bodyguard ko siya at may gusto siya sa akin. Yun lang yun."

"Are you sure? I'm giving you the chance to say it to me. Alam kong may tinatago ka, I can read it in your face." Sabi ko kay Natalie habang nakatitig sa mata ni Natalie.

Niyakap ako ni Natalie ng mahigpit. Alam kong may problema siya kapag ganito ang mga actions niya. "Shakira Joyce, I love you. I really do. You have the special place in my heart. You are my first love. I'm sorry. I love you, okay? Always remember that." Sambit ni Natalie habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Kumalas si Natalie mula sa pagkakayap at sinapo ang aking mukha, inilapit niya iyon kanya hanggang sa maglapat ang labi namin. Gumalaw ang labi namin parehas sa isang ritmo.

Bumitaw lamang kami nang maramdaman namin na mauubusan na kami ng hininga parehas. Niyakap ko siya at ibinalik niya na rin iyon.

Magkayakap kaming dalawa nang mag-ring ang telepono ko.

*Russia Calling

"Nat, it's my superior." Ngumiti si Natalie para sabihing sagutin ko iyon. Kumalas ako sa yakap at bahagyang lumayo kay Natalie.

"Russia?"

"Africa, you need to go to here in the HQ. You have a out of a country mission." Sinabi lamang iyon ni Russia at agad na binaba ang telepono ng hindi man lang ako pinasagot at hindi siya nagpaalam.

"Uh.. Nat. I need to go. I have uhm out of the country trip." Paalam ko kay Natalie.

Nagulat ang mukha niya, dumaan ang lungkot at sakit sa mata ni Natalie. "Nat? I can decline the mission." Sabi ko kay Natalie dahil sa napansin ko sa mukha niya.

"No. No. I'm okay. Go with your mission. Don't mind me." Pagsisigurado ni Natalie sa akin. Tumango ako at umalis na ako.

Papasara ko na ang pinto ng marinig ko ang boses ni Natalie. "Masyadong mabilis umaksyon ang bestfriend ko."

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now