One: Miguel

674 63 39
                                    

"Sana all walang ginagawa." reklamo ko nang makitang maraming nakacivilian ngayong araw pagkapasok ko ng gate. Mga nakamaroon, College of Science or College of Architecture and Urban Planning? Sila lang naman yung maroon ang college color shirt.

Papunta akong canteen para bumili ng almusal para sa 3 hours straight class namin sa calculus.

Patayan na naman mamser.

Napailing ako.

May ilang minuto pa ako bago mag 8:30 ng umaga. Naghihintay ako na maluto yung egg sandwich kila 'Bebe' nang may dumating na dalawang babaeng nakacivilian. Yung isa nakapantalon at tshirt lang na maroon stripes pero yung isa nakamaroon na dress, above the knee at may belt sa bewang. Napatingin ako sa ID lace, mga architecture student.

So CAUP day ngayon.

"Kinakabahan ako Bridge." Narinig kong sabi nung babaeng nakadress pagkatapos umorder ng cheese-omellete sandwich kila bebe.

Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila. Naglakad ako palapit sa poste, nakaharap sa booth nila 'Bebe', ganun rin sila pero nakatalikod sa akin habang naghihintay.

"Gaga, okay lang di manalo no. Basta may representative block natin." Sagot naman nung kausap niyang 'Bridge' ang pangalan.

"May hotsauce sayo bebe?" Tanong sa akin ni 'Bebe', yung tindera.

Napatingin ako sa tindera saka sumagot. "Ah, opo. Tsaka po mayo."

Hindi naman talaga 'Bebe' yung pangalan nung booth, bebe lang tawag kasi lahat ng bumibili eh bebe yung tinatawag nila. Edi yun na yung naging tawag sa kanila, ni hindi ko nga alam kung ano talagang pangalan ng store nila.

"Kinakabahan pa rin ako. Paano pag pumiyok ako?" Nag-aalalang tanong nung babaeng nakadress.

Hindi ko makita yung istura nila kasi nakatalikod sila sa akin. Basta yung nakajeans, medyo mahaba ang buhok, umaabot sa likod. Samantalang yung nakadress, nakatali ang buhok na umaabot hanggang balikat. Baka magpeperform mamaya.

"Hindi yan kumalma ka nga!"

Nang inabot sa akin ni 'Bebe' yung sandwich, nagmamadali na akong tumakbo palabas ng Canteen papuntang Gusaling Villegas. Ilang minuto na lang at time na, pag nalate ako pag-iinitan ako non ni Ramos. Terror na prof na kinakatakutan sa Engineering kasi nambabagsak. Kahit matalino ako baka magkacinco ako.

"Tanginang yan, agang-aga surprise quiz. Kay gandang almusal Ma'am ba't ka ganyan?!" Reklamo ni Carlo, kablock ko na tropa ko rin.

"Di ko alam paano pa babawi sa next quiz, kahit ata midterms di ko mapapasa dyan. Tangina." Dagdag pa ni Mark.

Napailing na lang ako, nakasagot naman ako sa dalawang problem na binigay ni Ma'am Ramos. Kaso di pa rin ako sigurado sa sobrang hirap. Isa yon sa mga prof dito sa PLM na tuwang-tuwa kapag may bumabagsak na estudyante.

Naglalakad kami pababa ng GV, nagkayayaan na magkantunan para sa lunch break. Doon yun sa kainan sa may LPU, medyo malayo pero kaya naman lakarin.

Kaso nagbago nung nakasabay namin yung mga kablock rin naming lalaki na kakain raw sa may liempuhan sa Magallanes. Mga pito kaming lahat pumasok sa liempuhan, limang lalaki at dalawang babae. Onti lang naman babae sa program namin, hindi ka pa sure kung babae nga sila.

"Ate, pitong liempo po." Sabi ni Trisha doon sa tindera bago kami nagsiupo.

Six-seater lang ang mga lamesa dito. Medyo marami na ring kumakain pero may bakanteng upuan sa kabilang table kasi lima lang sila.

Mga nakacivilian sila pero mga taga PLM rin base sa ID lace nila. Nakaupo na ako pero si Joshua, kablock namin, naubusan ng upuan. Lumapit siya don sa kabilang table para manghiram ng upuan nang mapatingin ako sa mga nakaupo don.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now