Two: Miguel

531 63 68
                                    

Isang linggo kong hindi nakita si Miss CAUP. Hindi ko rin naman alam yung pangalan niya kaya hindi ko mahanap sa Facebook. Naghanap ako ng photos at tagged account sa FB page ng college nila pero wala pa rin.

Malapit na magmidterm week kaya nawalan na ako ng pag-asa. Sa tatlong taon ko sa Pamantasan bakit hindi ko siya nakikita? Lalo na ngayon na hinahanap-hanap ko siya? Baka hindi lang talaga tugma schedule namin. Tsk, sayang.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ineexpect na makikita ko siya. Akala ko ba wala lang? Happy crush, ganun? Akala ko ba may boyfriend? Tsaka lower batch. Baka sabihing tirador ako ng lower batch, tsk, buti nga di freshie.

Friday at medyo nalate ako sa 10am class namin kaya nagmamadali akong pumasok ng PLM. Diretso ako kaagad sa GV nang makitang kaonti lang ang mga kaklase ko. Yung iba palabas na.

Nakakunot ang noo ko ng makasalubong ko sila Mark palabas ng room. "Oh, saan kayo punta? Wala si Ma'am?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Boy, wala. Ngayon lang nagsabi, badtrip." Sagot ni Carlo sa akin sabay akbay. "Tara, magz tayo."

"Tigilan mo ako, wala pa akong assignment sa Thermo." Sabi ko naman sabay tanggal ng akbay niya.

Naglalakad na kami pababa ng GV ng buksan ko ang GC ng section namin.

Nagchat nga yung president namin galing sa prof namin kaninang 9am. Di raw siya makakapasok. Sayang pamasahe, nagLRT pa ako edi sana nagjeep na lang ako! Edi sana mamaya pa akong 11:30 pumasok para sa susunod na klase.

"Uy, wala pa rin ako. Pakopya nga Miguel." Sabi ni Mark.

"Pakatamad mong hayop ka, gumawa ka ng sarili mo!" Inis kong singhal sa kanya.

"Songs, bro. Tara sa Lib tayo." Yaya niya kaya naglakad kami papuntang Library.

Pagkalog-in namin ay dumiretso kami sa kaliwang side dahil doon yung mahahabang mesa. Apat kami kasama namin si Lawrence. Yung iba naming katropa, tatambay raw muna sa Magz, yung bilyaran sa Magallanes.

Naghanap kami ng upuan kaso medyo maraming estudyante at napakaingay. Sa PLM talaga ang pinakamaingay na Library walang tatalo.

Nakahanap kami ng mesang bakante kaso sa gitna. Merong dalawang table na magkatabi na tigdalawang tao lang ang gumagamit eh pang-apatan ang isang table. Mga nakatayo sila at may ginagawa, pagkakita ko, nanlaki ang mata ko sa laki ng space na naooccupy nila. Nainis pa ng onti kasi bakit dito nila ginagawa yung plates nila?

Nakaupo na kami doon sa katabing table. Katabi ko si Lawrence tapos katapat namin si Carlo at Mark nang may naalala ako.

Architecture students!

Napatingin agad ako doon sa dalawang babae na gumagamit ng katabi naming table, nakayuko sila at busyng-busy sa pagrender ng plates nilang napakalaki. Siguro mga size ng cartolina yung drinadrawingan nila.

Nagliwanag yung mga mata ko ng makita ko si Miss CAUP. Nakabun ang buhok, may suot siyang glasses ngayon at mukhang stress na stress. Pero maganda pa rin siya. Sobrang simple lang niya. Mukha na siyang estudyante ngayon dahil nakasuot na siya ng uniform. Katapat niya naman yung kaibigan niya na kasama niya noon sa canteen. Parehong seryoso sa pagkukulay.

Napatigil lang sa pagdrawing si Miss CAUP ng lumapit sa kanya yung nag-ooccupy sa kabilang table. Nakita ko yung lalaki at yun yung kapartner niya noong CAUP Day.

Epal naman 'to.

Nakita kong nag-usap sila at umiling si Miss CAUP. May sinabi pa yung lalaki kaya tumango siya at ngumiti. Umiwas ako ng tingin.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now